Sa mga oras na iyon at sobrang lalim ang pag-iisip ni Celine kaya naman nagulat na lamang siya nang biglang isubi ni Rey ang kutsara niyang puno nang pagkain sa kaniyang bibig.
"R-Rey!" nanlalaking matang usal nito.
"Masyado malalim ang iniisip mo mahal kong pinsan na hindi mo na ako nakita at narinig."
"Ineenjoy ko lang ang pagkain ko, iyon lang yon," pagmamaang-maangan nito sa pinsan.
"Sus, e kanina pa kita tinatawag pero hindi mo naririnig."
"Bakit ba kasi, wala ka bang klase?"
"Meron, may sasabihin lang ako kaya naman bago ako pumunta sa klase ko ay hinanap muna kita."
"At para saan naman ?" taas kilay na tanong nito.
"May pinapasabi lang si Adrian, ang sabi ko ay siya na ang magsabi pero ayaw niya dahil baka daw mailang kana naman na baka may makakita sa inyo, so instead of him ako na lang daw."
"Spill, at para matapos na, pupunta pa ako sa library."
"Sabi niya ay huwag mo na raw isipin ang mga taong gumawa nang masama sa'yo, siya na raw ang bahala para magsisi ang mga iyon."
"Ha! bakit hindi ninyo na lang isawalang bahala ang bagay na iyon, tutal naman ay ayos lang ako."
"Hindi pwede Lyny, dahil kung walang aaksyon ay hindi sila titigil, lalo na at malaki ang galit ni Claire sa iyo, kaya hayaan mo na umaksyon si Adrian tutal naman nasimulan na niya."
"What do you mean na nasimulan na?"
"Kung iku-kwento ko ngayon sa iyo ay male-late ako sa klase ko, sa sabado ko na lang sasabihin at pupunta rin naman ako sa inyo, aalis na ako basta yung sinabi ko ha."
"Oo sige, kahit hindi ko masyado naintindihan kasi wala ka naman talaga sinabi," tatawa tawang sagot nito.
"Sige na, see you later sa uwian."
Nagtataka man ay agad na tinapos ni Celine ang kaniyang pagkain para makapunta na rin sa library, doon niya balak pagisipang mabuti ang sinabi nang kaniyang pinsan, dahil sa kakunti lang naman naman ang sinabi nito ay hindi niya maintindihan.
Ang tanging naiintindihan niya lang ay may ginawang aksyon si Adrian, kung ano man iyon ay hindi niya alam. Mahirap man para sa kaniya na isipin na kaya ginagawa iyon nang binata ay para sa kaniya ay iyon ang pumapasok sa isipan niya, dahil wala naman siyang maisip na pwedeng maging dahilan nito.
Nagugulumihanan man ay inalis ni Celine muna sa isipin niya ang ano manh gumugulo dito at kumuha na lamang ng libro sa library at naupo sa isang sulok kung saan wala masyadong estudyanteng pumu-pwesto.
Minsan ay naitatanong niya sa sarili kung para saan pa ba ang pag-aaral niya gayong ilang buwan na lang naman ay magtatapos na siya, on the job training na lamang ang kulang at okay na.
Wala pa man ay may mga kumpaniya na siyang nais aplayan, ayaw naman niyang tumigil nang matagal sa bahay matapos magtapos, ang gusto niya ay trabaho na rin agad para makapag-adjust na rin agad ang kaniyang sarili sa bagong environment at bagong stage nang pagsubok na haharapin.
At isa pa sa dami nang gusto niya maabot ay hindi sumagi sa kaniya ang magpahinga, para sa kaniya "tsaka na ang pahinga kapag pwede na".
After reading two books ay oras na para sa klase niya, iyon ang nagiisang klase niya sa hapon sa araw na iyon kaya naman pagkatapos noon ay uwian na. Marketing subject ang last subject niya, majoy subject niya kaya kahit medyo hindi maganda ang kaniyang pakiramdam ay pinili niya manatili sa paaralan.
Hindi niya alam ang dahilan pero bigla na lamang sumakit ang kaniyang ulo, siguro dahil sa init tapos biglang air-conditioned ang library kaya naman ganoon na lang siguro ang naging epekto sa kaniya.
"Marketing is typically conducted by the seller, typically a retailer or manufacturer. Products can be marketed to other businesses (B2B) or directly to consumers (B2C).[5] Sometimes tasks are contracted to dedicated marketing firms, like a media, market research, or advertising agency. Sometimes, a trade association or government agency (such as the Agricultural Marketing Service) advertises on behalf of an entire industry or locality, often a specific type of food (e.g. Got Milk?), food from a specific area, or a city or region as a tourism destination.
Market orientations are philosophies concerning the factors that should go into market planning.[6] The marketing mix, which outlines the specifics of the product and how it will be sold, including the channels that will be used to advertise the prodcut,[7][8] is affected by the environment surrounding the product,[9] the results of marketing research and market research,[10][11] and the characteristics of the product's target market.[12] Once these factors are determined, marketers must then decide what methods of promoting the product,[5] including use of coupons and other price inducements." Sabi nang nasa videong pinapanood nila, naka PowerPoint video presentation sa kanilang klase.
Kaya naman kapag ganoon ang subject nila Lyny ay talagang halos hindi na ito kumukurap sa sobrang pakikinig, sanay rin kasi siya na isinusulat ang mga mahahalagang bahagi na naririnig niya, dahil hindi naman nagbibigay nang hand outs ang kanilang guro sa subject na iyon.
Habang nagsusulat ay ramdam ni Celine ang matinding sakit ng kaniyang ulo, namimintig ito at napaka sakit, gustuhin man magpaalam sa guro para humingi ng gamot sa nurse sa clinic ay hindi niya magawa sa takot na marami siyang malilikdangan na topic.
Nayuko na lamang siya sa kaniyang desk at nagsulat nang paunti unti, pagdating naman kay Celine ay hindi naman mahigpit ang kaniyang guro dahil alam naman nito na kahit anong posisyon ni Celine sa paaralan ay nakikinig ito sa topic.
Kaya naman hinayaan na lamang siya nang professor sa ganoong posisyon, unti unti nang lumalabo ang paningin ni Celine dala na rin nang sobrang init sa silid aralan, building pero walang aircon, bukas man ang mga bintana ay halos wala rin namang pumapasok na hangin dito, nsa ikatlong palapag sila nang nursing building dahil walang available classroom sa marketing building, kaya naman naghanap na lang ang professor nila nang alternative classroom para sa klase nilang iyon.
Hindi na niya namalayan na nakatulog na pala siya sa sobrang sakit nang kaniyang ulo, kaya naman nagulat siya nang pag gising niya ay mukha ni Adrian at ni Rey ang bumulaga sa kaniya, inikot niya ang kaniyang paningin para tignan ang paligid para makita kung nasaan na ang kaniyang mga ka eskwela ngunit wala na ang mga ito.
"Himbing nang tulog ah," pang-aasar ni Rey sa pinsan nito.
"Sa sobrang sakit nang ulo ko ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako," sagot niya. "Kanina pa kayo?" sabay tingin niya kay Adrian.
"Hindi masyado, nagtaka lang si Rey at inabot na nang isang oras mahigit nang tapos ang klase mo pero wala ka pa, kaya pinuntahan ka na namin dito." Casual na sagot ni Adrian sa kaniya.
"Ah, kaya pala, halika na at gabi na pala."
"Hindi na ba masakit ang ulo mo?" tanong ni Rey
"Masakit pa, kaya bibili na lamang ako nang gamot mamaya paglabas natin."
"Hindi na, bumili nako kanina pati ng tubig, ito oh," sabay pakita nang bitbit nitong plastik na may lamang gamot at tubig.
"Salamat."
Sabay sabay nang umuwi ang tatlo sakay nang sasakyan ni Adrian, minabuti na lang muna sumabay nang magpinsan sa sasakyan nito at iwan muna ang motor ni Rey sa parking lot nang school dahil medyo madilim na at malabo ang head light nang motor ni Rey, iwas disgrasya at para hindi na rin mahanginan nang husto si Celine.
Habang bumibiyahe sila pauwi ay tahimik si Celine habang ang dalawang magkaibigan naman ay tuwang-tuwa sa kanilang kwentuhan.
Adrian's laugh is like a music to Celine's ears. Habang tahimik na nakikinig sa tawanan nang dalawang binata ay pasimple itong napapangiti dahil sa unang beses niyang narinig na ganoon kasaya ang tawa ni Adrian.