Chapter 8

2082 Words
Lala's POV "ANG haba ng hair ko, ayay!" Impit na tili ko pa habang nakatakip sa mga mata ang aking mga palad. "Keri lang kahit masakit ang braso ko," sabi ko sabay tawa. "Ang sarap pala sa feeling nang gano'n na kahit minsan sa buhay ko maranasan kong pag-agawan," naisatinig ko habang panay ang padyak. Kilig na kilig ako, bakit ba? "Hoy!" Mabilis akong nagmulat ng aking mga mata nang may magsalita sa likuran ko. Lalo ako napangiti nang makita si Kuya Henry. "Aray! Kuya Henry, aray!" Pagbibiro ko habang nakatingala. "Anong aray, inaano ba kita riyan?" Kunot-noong tanong nito habang sinipat-sipat ako ng tingin kung saan ang masakit. "Aray!" "Bakit ba? Masakit ba ang leeg mo?" "Hindi, iyong buhok ko kasi inaapakan mo eh, ah aray! Aray!" "Sira ulo ka talaga! Anong inaapakan ko iyang buhok mo eh hanggang balikat lang naman iyan," asik nito sa akin nang ma-realize na nagloloko lang ako. Impit na naman akong tumili dahil sa kilig. "Ayan ka naman sa pagiging ambisyosa mo eh, kaya maraming umiiyak na babae kasi mas'yadong umaasa. Pakitaan lang ng maganda, aasa na kaagad tapos kapag nasaktan sisisihin kaming mga lalaki. Asang-asa ka naman diyan tapos iiyak kapag nasaktan, tsk." Pasaring pa nito. "Ito naman ang nega, hayaan mo na nga lang ako." Nakangusong sabi ko. Lumapit naman ito sa akin at inakbayan ako, parang kapatid ko na rin kasi ito. "Hindi ako nega, Lala. Ayaw ko lang dumating ang araw na maging kagaya ka ni Berna, nabaliw dahil iniwan ng lalaki." Seryoso nitong sabi. "Parang kapatid ko na kayo ni Jel kaya ayaw ko kayong masaktan sa bandang huli," dugtong pa nito. Kumawala naman ako mula sa pagkakayakap nito. "Si Jel suportado mo kay Gian bakit ako hindi mo suportahan kay Matthew? Dahil ba hindi naman ako kasingganda ng kaibigan ko para magustuhan ni Matthew, gano'n ba, Kuya Henry?" Hinampong sumbat ko rito. Muli niya akong inakbayan. "Hindi gano'n, si Gian kasi halatang-halata ang kabaliwan kay Jel. Habang sa part mo, ikaw ang baliw na baliw kay Sir Matt. Kaya magkaiba kayong dalawa, kay Jel hindi ako nag-aalala kasi alam kong mahal siya ni Gian, eh ikaw? Ni hindi ka nga crush ni Sir Matt, mahalin pa kaya? Araw-araw ka kayang isinusuka ni Sir Matt." Litanya nito na ikinasamangot ko. Medyo nasapol ako sinabi ni Kuya Henry. Totoo namang magkaiba kami ni Jel dahil mahal na mahal ni Gian ang kaibigan ko habang ako isinusuka ni Matthew/butete. "Hmp, sa ngayon oo, sinusuka niya ako. Pero darating ang araw na ako iyong isinuka niyang lulunukin niya pabalik," sabi ko sabay hagikhik. Na-imagine ko lang iyong suka na nilunok ulit. Ew. Binatukan naman ako ni Kuya Henry na ikinangiwi ko. "Dumali ka na naman. Try mo kayang magseryoso para magustuhan ka ni Sir Matt? Mag-ayos ka rin kaya paminsan-minsan hindi iyong para kang hindi nagsusuklay." Suhestiyon nito. "Iyon na nga eh, wala pa akong suklay nito pero pinag-aagawan na, kapag nagsuklay ako baka pilahan na ako ng mga Fafa." Muli akong napahagikhik sa tinuran ko. Parang kitikiting inilagay ko ang isang palad ko sa ilalim ng baba ko, saka pinalo-palo. "Ganda 'to eh, ganda. Ganda ka gurl," sabi sabay hagikhik. Naiiling na tinuktukan ni Kuya Henry ang noo ko. "Nasaan ang ganda?" Napasimangot naman ako. "Panira ka talaga, hmp!" Ingos ko rito. "Magseryoso ka na kasi sa buhay mo. Bawasan mo rin iyang kadaldalan mo, hate ni Sir Matt ang maingay pero mas lalo ka pang nag-iingay kapag nariyan siya." "Mapapadali ang buhay ko kapag hindi ako nag-ingay. At saka hindi ko babaguhin ang sarili ko para sa kaniya, 'no? Kapag tumahimik ako, hindi na ako iyon." Tumawa lang naman si Kuya Henry sa akin. "Bahala ka na nga, basta pinaalalahanan kita, ha? Huwag kang iiyak sa harap ko kapag nasaktan ka riyan sa ginagawa mo." "Bakit naman ako iiyak? Kapag nasaktan ako tatawa lang ako, 'no?" "Tatawa ka kasi nabaliw ka na pala kagaya ni Berna," hirit pa nito. "Eh di bisitahin mo na lang ako," sabi ko pa. "Support mo na lang kasi ako, Kuya, si Jel nga support mo eh maging fair ka naman diyan," ungot ko rito. "Alam mo kasi, magkaiba si Sir Matt at Sir Gian. Si Sir Gian babaliwin sa pagmamahal si Jel habang ikaw literal na babaliwin ni Sir Matt," dugtong pa nito. "Oo na. Paulit-ulit lang, Kuya?" asik ko, saka naglakad na. Sumunod naman siya sa akin. "Kailangan kong ulit-ulitin para pigilan mo iyang sarili mo." Napakunot naman ako ng noo at hinarap ito. "Anong ibig mong sabihin, Kuya?" "May pakiramdam akong gusto mo na talaga si Sir Matt at hindi na lang pang-aasar ang ginagawa mo sa kaniya. Nagiging totoo na ang feelings mo sa kaniya at ngayon pa lang pinapaalalahanan na kita, baka masaktan ka lang diyan kapag itinuloy mo." Natahimik naman ako sa sinabi nito pero kaagad ding nakabawi. Natatawang pinalo ko ang balikat nito. "Tara na nga, over think ka na naman diyan. Crush ko lang si Butete, iyong love malayo pa sa katotohanan iyan." Tinaasan naman niya ako ng kilay. "Seryoso?" "Oo nga. Saka paano mo ba malalaman na in love ka na? Kapag iyong handa ka ng masaktan o umiyak? Kasi kung oo, wala pa ako riyan. Mas'yado akong masaya sa buhay para hayaang magaya kay Berna." "Siguraduhin mo lang iyan, Lala-" "Oo na! Tara na nga," sabi ko, saka muling naglakad. Naghiwalay lamang kami ni Kuya Henry nang makarating ako sa tapat ng quarter ko. Tangka akong papasok nang maalala kong iniwan ko nga pala ang alaga ko. "Tanga ka, Lala. Bakit mo iniwan ang lumpo?" Sikmat ko sa aking sarili, saka mabilis na tumakbo pabalik sa pinag-iwanan ko sa kaniya. "Gagi, bakit ko ba siya iniwan?" tanong ko pa sa aking sarili habang tumatakbo. "Patay ako nito kay Ma'am Liza kapag may nangyari sa lalaking iyon." Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko napansin ang isang bulto na pasalubong sa akin. Huli na para makaiwas ako, sumalpok na ako sa taong kasalubong ko. Nakita kong naging mabuhay ang tayo ng taong iyon kaya aabutin ko sana ang kamay niya para tulungang huwag bumagsak sa semento pero aksidenteng natisod ang paa ko kaya't hindi ko naabot ang kamay niya at padapa rin akong babagsak. Mariin akong pumikit para hintayin ang pagbagsak ng mukha ko sa semento pero mukhang sinuwerte ako ng mga sandaling iyon dahil hindi sa semento nag-landing ang mukha ko kun'di sa medyo matigas na bagay. Parang namumukol na ewan. Dali-dali akong nagmulat ng aking mga mata at dahan-dahang umangat para lang manlaki ang mga mata ko nang makitang nasa pagitan ng mga hita ang mukha ko. At may namumukol na kung ano. "Aahhhh!" Malakas akong napasigaw nang mapagtantong sa hari at mga alipin ako napasubsob. "Aahhh!" Mas lalo akong napasigaw kasabay ng panlalaki ng aking mga mata nang makita ko kung sino ang nagmamay-ari niyon. Dahan-dahan kasi itong bumangon. Si Sir Matt. Nataranta ako, tangka akong tatayo pero muli akong bumagsak sa paanan ni Sir Matt at natuunan ko ng siko ang kinaangan nito dahilan para dumagundong ang sigaw nito. "Ahh! Fvck!" Malutong na mura nito. Mabilis naman akong umatras habang ito ay nakangiwi at sapo ang harapan. "Fvck! Babasagin mo ba ang itlog ko?!" "Itlog ba iyon? Akala ko buko, ang tigas eh," pagbibiro ko. Malakas na nagtawanan ang mga taong nakapalibot sa amin. "Lala!" "Ahh, Nanay ko! Nanay ko!" Hintatakutang sabi ko nang paika-ika itong tumayo at tangka akong aabutin pero mabilis akong nakaatras. "Sorry na, Sir." "Namumuro ka na sa akin," pikang wika nito habang salubong ang mga kilay. Mukhang napuruhan nga ang harapan nito na hindi ko naman sinasadyang tamaan ng siko ko. "Kapag nabasag ang itlog ko, humanda ka!" Pananakot pa nito. Kaagad namang sumaklolo si Kuya Henry sa kaniya nang makitang paika-ika pa ring naglalakad. "Ano na namang ginawa mo?" Tanong ni Kuya Henry sa akin. "Wala, aksidente lang iyon," depensa ko. "Anong aksidente? Dalawang beses mong tinamaan ang itlog ko, aksidente?!" "Nataranta ak--" "Shut up! Hindi pa tayo tapos, Lala!" Pagbabanta pa nito saka naglakad paalis. Nakaalalay pa rin si Kuya Henry dito. "Kuya Henry!" Tawag ko, lumingon naman ito at nagtatanong ang mga mata. "Pakidala mo si Sir sa pinakamalayong hospital, ah." Itinakip ko sa bibig ang mga palad ko para huwag kumawala ang hagikhik. Lumingon din kasi si Sir Matt at nanlilisik ang puwet, chos! Mata pala. Hindi ko na napigilan ang mapahagikhik nang maalalang naka-first base na ako sa hari niya. Sayang hindi ko nakita kung ano ang hitsura. Piping usal ng maharot kong isip. Tatawa-tawang naglakad ako paalis sa lugar na iyon at binalikan na si Sir Martin. Hindi ko na siya nadatnan sa pinag-iwanan ko sa kaniya. Napapakamot sa ulong nagsimula akong maglakad para hanapin ang isa pang damuhong iyon. Tsk, kailangan ko ng ihanda ang tainga ko sa sermon ng lumpong iyon. "Ako ba ang hinahanap mo?" Napaiktad ako sa biglang pagsasalita mula sa likuran ko. "S-Sir Martin," nakangiwing sambit ko. Paktay na naman ako nito. "Sorry, Sir nawala po sa isip kong hindi--" Pinutol nito ang sasabihin ko sa pamamagitan ng masamang tingin. Lihim naman akong napangiwi. "Bukas na bukas din mag-resign ka na sa sideline mo kay Mommy. Nasasayang lang ang ibinabayad niya sa 'yo." Napanguso naman ako. "Grabe ka naman, sandali pa lang kitang naiwan, sayang kaagad?" "Sino ba kasing may sabi sa 'yo na iwanan mo ako? Binilinan ka ni Mommy na samaha--" "Sorry na nga eh, nagwiwi lang ako sandali," pagdadahilan ko. "Tsk!" Iyon lang at tinalikuran na ako nito. Binelatan ko muna siya bago ako sumunod dito, saka tinulak ang wheelchair nito. Kawawa naman ang mga nilalang na 'to mapapadali ang buhay dahil palaging aburido. Tatawa na nga lang hindi pa kayang gawin. Piping usal ko habang pasakay ng elevator para ihatid sa room itong alaga ko. Pagdating sa room nito ay kaagad ko siyang ipinaghain ng pagkain. Ang sama ng mukha nito habang nakatingin sa akin. "Kain ng marami, Sir." Hindi naman ito umimik, nakatingin lang sa akin. "Sabi ko, kain ka na, Sir. Ano pa pong hinihintay n'yo, araw ng panganganak ko?" "Nasaan ang kakainin ko?" Asik nito, hindi man lang ngumiti jusko. "Ayan po sa harap mo, Sir." "Wala pang laman ang plato ko." "Eh di lagyan mo, 'to naman lalagyan na lang hindi pa magawa." Reklamo ko, saka nilagyan ang plato nito. Hmmp, kung hindi lang kasalan ang manakal kanina pa lawit ang dila ng damuhong ito. "Kain na po," alok ko. Nakatunganga pa rin kasi ito. "Ay wait, gusto mo bang ipagnguya na rin kita? Tutal iniasa mo naman ng lahat, hindi ba?" Tangka kong kukunin ang kutsara nang unahan na niya ako. Napangiti naman ako. "Akala ko gusto mong ipagnguya na rin kita eh." "Umalis ka na sa harapan ko. Naaalibadbaran ako sa hitsura mo," pasaring pa nito sa akin. Nakasimangot na napahalukipkip na lamang ako habang pinapanuod itong kumain. Anong nangyari kanina? Pinaghilahan pa nila ako na halos matanggal ang braso ko tapos ngayon halos ipagtabuyan na naman ako? Ibang klase rin ang saltik ng mga ito ah. Piping usal ko. "Anong tinitingin-tingin mo?" Asik nito nang mag-angat ng tingin. "Wala naman po, mukhang sarap na sarap kayo ah. Okay ba ang luto ko?" "Ang pait ng lasa, kasing pait ng mukha mo," banat nito. "Ayaw ko ng kumain ng luto mo, hindi masarap," hirit pa nito. "Hindi bale, Sir. Huling kain n'yo na rin naman iyan." Napahagalpak ako ng tawa nang maibuga nito ang laman ng bibig. Nagtalsikan iyon sa kung saan-saan. "Enjoy your last meal, Sir," tudyo ko rito habang tumatawa. Hindi naman kaagad ito nagsalita dahil nasamid din ito. "Water, Sir?" Inabot ko ang basong may tubig. Matapos nitong uminom at umubo-ubo ay masama niya akong tiningnan. "Mas mapapadali ang buhay ko sa 'yo. Ikaw ang makakapatay sa akin, Lala!" Gigil na wika nito. "Ang talas kasi ng dila mo eh. Magbait ka kasi para magbait din ako sa 'yo. Palagi mo na lang nilalait ang kagandahan ko eh, pasalamat ka nga pinagtitiyagaan pa kitang alagaan kahit nakakainis na iyang ugali mo. Lumpo ka na nga ang sama pa ng ugali mo." Iyon lang at tinalikuran ko na ito. "Linisin mo iyang kalat mo," sabi ko pa. "Lala! Come back here," sigaw nito nang nasa may pintuan na ako. "Tse! Bahala ka sa buhay mo, tukmol!" "Lala!" Hindi ko naman na siya pinansin, tuloy-tuloy akong lumabas at saka pabalyang isinara ang pinto. Narinig ko pa itong sumigaw sa inis. Hmp, bahala ka sa buhay mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD