Chapter 9

2710 Words
Lala's POV "SAAN ka galing?" Mabait na tanong sa akin ni Mich nang makasalubong ko sa hallway. "Doon lang sa isa pang bugnutin," sagot ko sabay tawa. Tumawa rin naman ito at sinabayan akong maglakad pabalik. Napatingin ako rito nang banggain nito nang bahagya ang braso ko. "Ikaw, ha? Ginalit mo na naman pala si Kuya. Balita ko muntik ng mabasag ang balls niya." Tumawa naman ako. "Tss. Pikon kasi lagi iyang Kuya mong ipinaglihi yata sa ampalaya sa sobrang pait ng ugali." Humahagikgik naman ito sa tabi ko, saka walang arteng humawak sa braso ko habang magkaagapay kaming naglalakad. "Crush mo ba si Kuya o gusto mo na siya?" Kapagkuwa'y interesadong tanong nito dahilan para mapatingin ako rito. "Kung gusto ko ba siya, okay lang sa 'yo?" "Of course. Like what I've said before, I like you." Kinilig naman ako nang slight sa naging sagot nito sa tanong ko. Siyempre bonus points na kaagad iyon ah. "Kahit empleyada lang ako ng resort n'yo?" Muli naman itong tumawa at pasimpleng kinurot ang braso ko. "Bakit, sa tingin mo ba matapobre ang pamilya namin? Si Ate Jel ang magpapatunay na hindi kami gano'n, 'no?" "Alam ko naman iyon, Mich. Kaso iyong kapatid mo ang kakaiba ang tabas ng dila eh, mas'yadong makamandag." Huminto ito sa paglalakad, saka tumayo sa harap ko. Sinipat-sipat nito ang mukha ko, pababa sa ulo ko dahilan para makaramdam ako ng pagkailang. Ano bang ginagawa ng babaeng ito? Piping usal ko sa isip ko. "May problema ka ba sa hitsura ko?" Hindi nakatiis na tanong ko rito. "Wala naman, maganda ka pala kapag tinititigan nang matagal. May lahi ka ba?" "Mayro'n." "Really?" Paniwalang-paniwalang sambit ni Mich. "Really. I'm half Korean and half hongkong in short I'm Korekong." Napabunghalit naman ito ng tawa dahil sa sinabi ko. Ang dali talagang pasayahin ng babaeng ito, sana gano'n din ang bebeloves ko. Kaso bokya palagi ang hirit ko rito. "Nakakaloka ka, Lala. Kaya gusto kita eh." "Salamat." Nang tumigil ito sa pagtawa ay muli siyang humarap sa akin habang may luha-luha pa sa mga mata. "Seriously maganda ka talaga. Kailangan mo lang matutong mag-ayos ng sarili mo para lumitaw ang ganda mo. Sayang iyan, lalo na itong buhok mo." Hinawakan nito ang buhok ko. "Sobrang tigas, malambot pa ang walis tambo namin sa bahay kaysa sa buhok mo eh." Umikot-ikot naman ang eyeballs ng mga mata ko dahil sa tahasang panlalait nito sa buhok ko. "Bakit kasi pinakulayan mo nang ganiyan, nagmukha siyang dry, Lala. Tapos iyong kulay ng hair mo, hindi bagay sa kulay ng balat mo." Aba't siraulo 'to ah! Piping usal ko sa isip ko. Namemersonal na ang babaeng ito ah, palibhasa maganda. Pag-aalburuto ko sa isip ko. "Dapat hindi ganiyan, alam mo bang mas nakakadagdag ng ganda ng isang babae ang maayos na buhok?" Oh eh 'di ikaw. Ikaw na ang maganda. Hmp! Nakangiwing lumayo ako rito at saka tumikhim. "Thank you sa lait, ah. I really appreciate it." Mas lalo yatang tumabingi ang mukha ko nang humagalpak ito ng tawa. Masamid ka sana. Piping usal ko. Nilalait na ako ng babaeng ito. Akala ko pa naman mabait. Tss. Mukhang nagdilang-anghel naman ako dahil maya maya ay nasamid nga si Mich. Sorry po, Lord. Joke lang po iyon. Para makabawi ay tinapik-tapik ko ang likod nito. Medyo napalakas na yata iyon sa gigil ko dahil nilait nito ang buhok ko. "Okay na ako, Lala." Anito habang may namumuong luha sa gilid ng mga mata. Tinuyo nito iyon bago nagsalita. "Don't get me wrong, ha. Hindi kita nilalait, ikaw talaga." "Ay, hindi ba? Ano pala iyon?" Nakangiwing sabi ko. Muli nitong hinawakan ang braso ko. "Complement ang tawag do'n." "Ay, wow, thank you sa complement mo, ha. I'm touched, super." "Loka, hindi nga lait iyon, seryoso ako." "Alam ko, hindi ka naman mukhang nagbibiro nang sinabi mo iyon eh. O-Okay lang, o-oo okay lang hindi naman masakit marinig ang katotohanan eh." "Na-offend ba kita? Sorry, ha?" Mabait na sabi nito. "Naku, ayos lang walang problema 'yan, 'ika mo nga complement iyon." "Yes, it is. May suggestion ako, gusto mong marinig?" "Naku, ha baka durog na naman ang ego ko riyan sa suggestion mo na iyan, huwag na lang." Tumawa ito at pabirong kinurot ang tagiliran ko. "Loka, hindi. May salon ako sa Manila, gusto mong ipaayos ang buhok mo? Make over kita, you want?" "Naku, huwag na." Tanggi ko. "My treat." Mabilis akong napalingon dito. Mukhang na-gets nito ang reaksyon ng mukha ko. "I'm serious, para maayos ang buhok mo sayang eh." Nag-isip naman ako sandali. Pero sa huli nagdesisyon akong huwag tanggapin ang offer nito dahil oo at gusto kong gumanda pero ayaw kong abusuhin ang kabaitan niya sa akin. Sapat na siguro iyong itrato niya ako nang maayos. Nakita ko ang disappoinment sa mukha nito nang umiling ako. "Why?" "Hindi naman na kailangan iyon. Okay na ako sa buhok ko." "Pero hindi bagay sa 'yo, tapos dry na rin siya talaga." Lihim akong napamura nang ulitin na naman nito iyon. Nakailang beses nitong sinabi iyon habang naglalakad kami kaya lihim akong nagpasalamat nang makarating na ako sa kuwarto ko. Pabagsak akong napahiga sa kama ko. Nakakapagod ang bawat araw pero laban lang palagi. Puwedeng mapagod pero bawal sumuko. KINAGABIHAN ay tumambay ako sa dalampasigan, sa puwesto na kung saan palagi kaming nakatambay noon ng kaibigan kong si Jelaine. Tahimik lang ako habang nakatanaw sa payapang hampas ng alon sa mga batuhan at buhanginan. Nami-miss ko na si Jel kaso wala eh, busy na siya sa sarili niyang buhay. Sana lang may dumating ng prinsepe sa buhay ko para hindi na tuyot ang hardin ko. Nangamatay na ang mga damo kasi walang dilig, dalampu't walong taon na. Lord, beke nemen. Kahit dilig lang. Piping usal ko sa isip ko. Kumuha ako ng isang maliit na bato at inihagis iyon sa tubig. Makailang ulit kong ginawa iyon bago nagpasyang umalis sa malaking bato na kinauupuan ko, saka nagsimulang maglakad-lakad sa dalampasigan. Hindi pa man malayo ang nararating ko ay tila gusto ko na lang pagsisihan iyon, paano ba naman sumalubong sa aking birheng mga mata ang tatlong parehang naghahalikan habang nakaupo sa buhanginan. "Tss. Ito talaga ang mahirap kapag walang jowa eh, taga-panuod lang. Umay." Palatak ko habang malalaki ang hakbang paalis sa lugar na iyon. Sa isang bonfire ako nakarating, hindi naman ako nag-iisa dahil mukhang may katulad kong single rin. Umupo ako sa di-kalayuan mula sa babaeng nakatungo lang habang nilalaro ang buhangin. Nakigaya ako sa kaniya, tumigil lamang ako nang makaramdam na ako ng ginaw kaya't nagpasya na akong bumalik sa quarter ko. Pagkahiga ko pa lamang sa aking kama ay kaagad na akong nakaramdam ng antok. Hanggang sa tuluyan ng tangayin ng antok ang kamalayan ko. ________ KINABUKASAN, PAKANTA-KANTA pa ako habang nasa isang cottage na mukha namang mini house sa ganda para i-check ang mga gamit. As usual may couple na nag-check out, tamang check baka may naiwang semilya, char. "Sana lahat ng couple, malinis hindi kagaya ng iba napakadugyot," sabi ko habang inaayos ang cover ng TV. Nang masiguro kong wala namang kulang sa mga gamit ay lumabas na ako para puntahan ang isa pang bakanteng cottage. Nakakailang hakbang pa lamang ako nang humihingal na sumugod sa akin si Kuya Henry. "Anong nangyari sa 'yo, Kuya?" Huminto ito sa harapan ko, saka hinawakan ang mga tuhod habang habol ang hininga. "Anyare sa 'yo?" Nag-angat naman ito ng tingin. "Nasaan ang cell phone mo? Kanina pa kita tinatawagan, Lala!" Kaagad ko namang kinuha ang cell phone ko sa bulsa ng pantalon na suot ko. "Ito ah." "Bakit hindi ka sumasagot?" Bakas ang pagkairita sa tono nito, saka hinablot ang cell phone ko. "Wala talagang kuwenta ang cell phone mo kahit kailan!" "Hoy, anong gagawin mo sa cell phone ko, Kuya!" Tangka kong kukunin iyon sa kaniya pero mabilis nitong iniiwas iyon. "Kuya, ang cell phone ko, hoy!" "Itapon mo na iyan, nagpakawalang-kuwenta ng cell phone mo, Lala!" Bakas pa rin ang inis sa tono nito. "Bakit ba kasi?" "Tawag ako nang tawag sa 'yo ni hindi ka man lang sumasagot, buwisit ka talaga pinagod mo pa ako sa kakahanap sa 'yo!" "Bakit ba kasi? Kita mong nasa trabaho ako, 'di ba? Alam mo namang hindi ako gumagamit ng cell phone kapag may ginagawa ako," pangangatwiran ko. "Kanina ka pa hinahanap ni Sir Matt eh, galit na naman siya," kumakamot sa ulong sabi nito. "Napakapasaway mo talaga, buwisit ka!" "Tsk. Pabayaan mo nga siyang magalit, normal na sa kaniya iyon. Matakot ka kapag biglang bumait iyon, Kuya Henry," natatawang sabi ko. "Akala ko naman kung anong emergency, si bebeloves lang pala. Naks, miss na raw ba ako?" Parang kitikiting inilagay ko sa likod ng tainga ko ang buhok kong nakakalat sa mukha ko. "Umiral na naman iyang kagagahan mo. Galit na nga nakukuha mo pang magpa-cute nang ganiyan? May sayad ka talaga," palatak nito. Kinuha ko sa kamay nito ang cell phone at tinalikuran ko na siya, saka naglakad papunta sa isang cottage. Sumunod si Kuya Henry sa akin. "Lala!" Inis na tawag nito. "Oh?" "Hinahanap ka nga ni Sir Matt, puntahan mo na galit na naman." "Pabayaan mo nga kasi, lagi namang galit iyon eh. May trabaho pa ako." "Lala!" Napatigil ako sa paglalakad, saka humarap kay Kuya Henry. "Seryoso ako na galit siya, kanina ka pa niya hinahanap." "Normal na nga kasi iyon sa kaniya, kulit." "Ikaw ang makulit, kaya palaging galit kasi ayaw mong magseryoso. Galit na nga inaasar mo pa." "Nakakapangit ang palaging seryoso, Kuya. Dapat masaya lang, enjoy your life, ganern." "Enjoy na enjoy ka habang siya halos mangulubot na ang bulbol sa kakulitan mo." Natawa naman ako sa sinabi nito. "Tapos tatawa-tawa ka pa riyan. Magseryoso ka naman kasi paminsan-minsan, kaya high blood sa 'yo palagi si Sir Matt eh." "Sanay na ako sa kaniya. Ako masayahin, siya palaging galit, oh sa tingin mo sino ang mauunang mamatay sa aming dalawa?" "Malamang ikaw!" Buwisit na sabi nito. "Bakit ako?" "Kasi masasakal ka niya kapag naubos ang pasensya niya sa 'yo." "Mali. Siya ang mauuna kasi siya iyong galit palagi." Kinindatan ko pa si Kuya Henry bago iniwan. "Lala!" Humabol pa ito sa akin. "Puntahan mo na si Sir, please lang." "Bakit ba kasi?" Literal na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. "Checker ako at hindi yaya." Tangka akong aalis nang hawakan ni Kuya Henry ang braso ko at hinila ako pabalik ng hotel. Dinala niya ako sa canteen para ikuha ng pagkain ang Matt na iyon. Hanggang sa kitchen ay hawak nito ang braso ko na akala mo ay tatakas ako. "Lutuan mo raw ng almusal si Sir Matt. Bilisan mo na," utos ni Kuya Henry sa akin. "Ayo'ko! Hindi ako cook, 'no?" "Bilisan mo na kasi. Madadamay na naman ako sa galit niyon eh." Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Kuya Henry. "Ano ba kasing trip niya? Checker ako, hindi cook." "Malay ko, kayong dalawa ang nagkakaintindihan, pareho kayong may sayad." Isang irap naman ang ginawa ko rito bago humarap sa kalan at sinimulang lutuan ang tukmol na iyon. Tsk. Maisipan na lang talaga, ginawa pa akong tagaluto ng buwisit na iyon. Habang nakaharap sa kalan ay napangisi ako. Hmp, akala mo ah. Akala mo maiisahan mo 'ko. Hindi ka mananalo sa akin kahit anong pahirap ang gawin mo. Piping usal ko sa isip ko habang hindi mawala-wala ang ngisi ko. Habang nagluluto ay nakabantay sa akin si Kuya Henry. Hindi naman ako natagalang magluto dahil kung ano lang naman ang niluto ko. "Lala, anong ginawa mo?" Tanong ni Ate Salvie, ang tagaluto rito sa canteen ng Resort. Bukod kasi sa restaurant para sa mga guest ay may canteen din para sa mga employee ng resort. Oh 'di ba may masarap na kainan dito pero nananadya lang talaga si Sir Matt para inisin at pahirapan ang beauty ko. "Lala, ano iyan?" Muling tanong ni Ate Salvie habang nanghahaba ang leeg sa pagsilip sa pinagkakaabalahan ko. "Nagluto po ako," magalang na sabi ko. Nakita ko naman siyang napangiwi. "Bakit ganiyan? Bakit kumalat ang dilaw?" Tukoy nito sa itlog. "Nabasag po eh." Ako naman ang napangiwi nang napakamot sa ulo si Ate Salvie. "Nabasag o binasag mo talaga?" "Ay grabe yan, nabasag po, siyempre," giit ko. "Oh siya, dalhin mo na iyan kay Sir. Baka hindi niya kainin 'yan." Tila problemado pang sabi nito habang iiling-iling. "Sige po, babush na, Ate." Naglakad na ako papunta sa lalaking iyon habang dala ang tray na naglalaman ng pagkain ni Sir Matt. Feel na feel ko pa ang pagkendeng ko habang naglalakad, ang matigas kong buhok ay sumasabay sa indayog ng aking pagkakaliit na beywang. "Ayusin mo iyang lakad mo, Lala. Para ka na namang tanga," banat ni Kuya Henry na nasa hulihan ko. "Wala kang pakia--,ayy kikiam mong inespeda! Ano ba iyan!" Malakas na bulalas ko nang matisod ako sa bato kaya't nagkanda-ekis-ekis ang mga paa ko. Mabuti na lamang at mabilis kong naibalanse ang katawan ko kaya't hindi tumapon ang dala-dala ko. Masama kong tiningnan si Kuya Henry na mahinang tumatawa sa likuran ko. "Kendeng pa more." Tudyo nito. "Tse!" Mabilis ang hakbang na iniwan ko na ito. Nang makarating sa opisina ni Ma'am Deina ay kaagad na akong pumasok. Nadatnan ko roon ang aking irog habang busy sa kung anong ginagawa. "Good morning, kamahalan. Good morning, Ma'am Deina." Bati ko sa magpinsan, saka inilapag ang tray sa center table malapit sa puwesto ni Sir Matt. "What is that, Lala?" Tanong ni Ma'am Deina sa akin. "Request po ng hari, Ma'am." Nakangiting sagot ko. "Sweet mo naman." "Kailangan, Ma'am, baka po palitan." Pagbibiro ko dahilan para mapahagikhik si Ma'am Deina. "Ikaw talaga," sabi lang nito, saka ibinalik ang atensyon sa ginagawa. Ako naman ay binalingan na si Sir Matt, na parang gusto kong pagsisisihan dahil nakamamatay na naman ang tingin nito sa akin. "What is that?" Tukoy nito sa niluto ko. "Iyong request n'yo pong pagkain, Sir." "And do you really think na kakainin ko iyang niluto mong matigas na itlog?" Inis na turan nito. "Ni hindi nga mukhang pagkain iyan." "Tikman n'yo po kasi muna, Sir bago n'yo i-judge iyong itlog. Pinaghirapan ko po iyan, Sir. Ang ganda-ganda pa naman ng pangalan niyang luto ko." Lalo namang lumalim ang gatla sa noo nito habang si Ma'am Deina ay lumapit na rin sa amin at tsinek ang dala kong pagkain. "Wow, really? May tawag diyan sa niluto mo?" "Opo, Ma'am Deina. It's sounds good po," nakangiting sagot ko. "Ang pangit ng hitsura ng niluto mo, malamang gano'n din ang pangalan ng mga iyan." Pasaring ni Sir Matt. "Hindi, 'no? Well, itong itlog na request mo na medyo sunog ang puti at hilaw ang dilaw ang tawag diyan is toasted egg de-lecheka." "What?" "Ay gusto pang ulitin, toasted egg de-leche ka!" Kunot na kunot ang noo nito habang si Ma'am Deina ay mauutas na yata sa kakatawa. "What's funny, Ate Deina?" Hindi naman nakasagot si Ma'am dahil bumungisngis na lang ito nang bumungisngis sa harap namin. Ako naman ay kagat-labi upang huwag matawa sa harap nila. Mukhang gusto na akong tirisin ni Sir Matt. "Stop laughing." Irirtang saway nito sa pinsan, saka ako binalingan. "Alisin mo sa harap ko iyan, Lala. Ang aga-aga mong manira ng araw." Asik nito. "Kow, kunwari ka pa, pinapaalis mo 'ko kasi nakasilay ka na. Para-paraan ka rin eh 'no?" Tudyo ko rito na lalong ikinabungisngis ni Ma'am Deina, na mas ikinalalim naman ng gatla nito sa noo. Maging ang kapapasok lang na si Mich ay nakitawa na rin. Lumapit ito sa akin at hinawakan na naman ang buhok ko. "Iyong offer ko, ha? Open pa rin iyon anytime na magbago ang isip mo. Your hair is so dry, La." "Naku, huwag na--" "Lakas kasi ng loob magpakulay ng buhok para magmukhang Amerikana eh pango naman ang ilong." Awtomatikong nahawakan ko ang ilong ko dahil sa pasaring na iyon ni Matt. "Aba't hoy, hindi ako pango, 'no?" Hindi naman ito umimik sa halip ay tumayo na ito at nilayasan ako. Nasa may pinto na ito nang muli akong magsalita. "Kainin mo 'tong pinaluto mong toested egg de-lecheka!" "Amerikanang pango!" Ganting sigaw nito, saka tuluyang lumayas sa opisina ni Ma'am Deina. Nakahawak pa rin ako sa ilong ko habang humahagikgik pa rin ang magpinsan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD