SA PAGLIPAS ng mga araw at linggo, kay Martin ko itinuon ang atensyon ko lalo pa't pumayag na itong magpa-therapy para makalakad ulit. Pansin ko ang pagbabago ng ugali ni Martin sa akin simula nang magkausap kami nito ng masinsinan. Mula sa pagiging masungit at palaging aburido sa buhay ay naging malambing ito at mabait sa akin. Naging magkaibigan na kami sa paglipas ng mga araw. Habang si Caden naman ay hindi nagpahuli dahil tinotoo nito ang sinabi na liligawan ako. At dahil gusto ko na talagang alisin sa sistema ko ang pagsintang purorot ko kay Sir Matt ay pumayag akong magpaligaw sa kanya. Ligaw lang naman. Sa kabila ng panliligaw ni Caden sa akin ay hindi naman iyon nakaapekto sa trabaho ko. Sa tuwing off ko ay niyayaya ako ni Caden na mamasyal pero rito lang sa loob ng resort. Kun

