Fhara’s POV
Nandito na muli ako sa condo unit ko at pinipilit ang sariling matulog pero sa dami ng laman ng isip ko ngayon, I doubt kung makatulog ako ng maayos.
Habang nakahiga, muli na namang bumalik sa isip ko ang mga sinabi ng ama ko kanina.
Psh.
Seryoso ba siya? Gusto niyang hawakan ko ang kompanyang yun? Nagpapatawa siya.
I will never handle that company, nor even take one step inside. I despise it.
Napapikit nalang ako habang inaalala ang mga nangyari 5 years ago. I was only 14 years old back then.
(Flashback)
"Ma! Tapos na kaming magtraining ni Papa!" Masayang ko balita ko kay Mama.
"Tapos na kayo? Aba, ang bilis niyong matapos ngayon, ah!? Sabi ni Mama. Bigla namang lumabas si Papa galing sa Training Room habang pinupuNasaan niya ang pawis niya.
"Eh ang galing na kasi ng anak natin. Parang okay na nga kahit hindi na siya turuan." Sabi ni Papa.
"Talaga, Honey?" Natutuwang sabi ni Mama kay Papa. "Saan pa ba magmamana yan? Siyempre sa Mama niya!" Sabi ni Mama at kinindatan ako. Gangster din kasi dati si Mama.
"Mali ka, Honey, sa Papa niya siya nagmana ng galing pero sayo siya nagmana ng ganda.” Nagtawanan nalang kaming tatlo sa sinabi ni Papa.
"Sige na nga. Di naman ako mananalo, eh. Pero Fhara, proud talaga si Mama sayo." Niyakap ako ni Mama.
"Pati si Papa, proud sayo!" Tapos niyakap din ako ni Papa. "Ang galing galing talaga ng anak namin!"
Tuwang-tuwa talaga ako pag pinupuri ako nila Papa. Mas lalo tuloy akong ginaganahang mag training pa.
"Siyempre po! Magagaling mga pinagmanahan ko, eh! Saka kailangan ko pong galingan kasi ako ang hahawak ng Kurunawa. Diba Papa?" Ngumiti naman si Papa.
"Wala ng iba, Fhara." Tapos ginulo ni Papa ang buhok ko.
"Oh tama na yan. Honey, maligo ka na. Papasok ka pa diba?" Tumango naman si Papa at pumunta na sa CR.
"Mama, pupunta lang po ako kila Tara. Babye!" Hinalikan ko sa pisngi si Mama at lumakad na papunta kila Tara.
Si Tara ang best friend ko. Actually, sinunod nga lang ang pangalan ko sa kanya kasi magbest friends at gangmates ang mama niya at si Mama. Tapos nung nanganak si Tita kay Tara, isang buwan lang ang nakalipas, pinanganak na rin ako ni Mama. Galing, no?
Dahil malapit lang naman ang bahay naming kila Tara, nakarating agad ako sa kanila.
Pagkapasok ko sa gate nila, nakita ko agad si Bryan. Siya ang pinsan ni Tara. Kasing edad lang din namin siya. Nasa ibang bansa ang parents niya kaya kila Tara siya nananatili.
"Hi, Bryan!" Bati ko sa kanya.
Kausap niya ngayon sa garden nila ang bestfriend niyang lalaki at ang girlfriend niya kaya naisipan kong batiin na rin sila.
"Hello rin sa inyong dalawa!" Ngumiti lang sila sakin. Usually, hindi ako bumabati sa mga hindi ko close pero dahil madalas ko naman din silang makita dito sa bahay nila Bryan, binati ko na rin sila.
"Si Tara nasa kwarto niya, kanina ka pa hinihintay." Ngumiti nalang din ako sa kanya at pumunta na sa kwarto ni Tara. Feel at home na ko sa bahay nila kasi simula yata pinanganak ako, tinuring ko na ‘to na pangalawang bahay ko.
Nang makita kong bukas ang pinto sa kwarto ni Tara, pumasok na ko agad. Nakita ko siyang may hawak na binocular at may sinisilip sa labas ng bintana niya.
"Fhara, dali! Tignan mo to!" Alam niya agad na ako ang dumating kahit di pa siya natingin sakin. Nagtitraining din kasi sila ni Bryan.
Pumunta naman ako sa kanya at inabot niya sakin ang binoculars niya. Sinilip ko naman kung ano ang tinitignan niya or rather, sino. May nakita kasi akong isang lalaking nakaupo sa may sanga ng puno ng katapat na bahay nila. Para lang siyang nagrerelax dun.
"Sino siya?" Tinignan ko si Tara. Nakasimangot na siya. "Bakit? Anong ginawa sayo nung lalaking yun?" Mas lalo namang napasimangot si Tara at medyo nag teary eyes na.
"Yo. Bagong lipat lang sila dyan sa tapat." Nakapout niyang sabi.
"Yo? Ang tipid naman ng pangalan niya. Oh, ano namang problema sa kanya?" Tanong ko sa kanya.
"Kasi kanina, inutusan ako ni Mama na bigyan sila ng niluto niya kasi nga bago sila dito. Tapos nung tumawag ako sa kanila, siya ang lumabas tapos nagpakilala ko sa kanya at nagwelcome na rin sila. Nung tapos na ko magsalita tinanong ko ang pangalan niya pero hindi siya nagsalita, kinuha niya lang ang dala ko at pumasok na sa kanila. Ni ngumiti, di niya ginawa! Tapos kung hindi pa lumabas ang katulong nila, hindi ko pa malalaman ang pangalan niya. Nakakainis siya, Fhara!" Halata mong inis na inis siya kasi teary-eyed na siya.
"Pfft. Yun lang? Hahahaha! Akala ko naman kung ano na ginawa niya sayo!" Tinitigan niya naman ako ng masama.
"Hmp! Big deal kaya yun! Kala mo kung sinong gwapo!" Hahahaha! Big deal nga pala yun sa kanya. Hindi kasi siya sanay na hindi pinapansin. Sa school kasi, siya ang hindi namamansin.
"Hay nako, Tara! Hayaan mo na lang siya. Punta nalang tayo sa kusina kasi kanina pa ko nagugutom.”Sabi ko nalang para tumigil siya.
Pagbaba namin sa kusina, nakita namin doon ang girlfriend ni Bryan.
"Hi, girlfriend ni Bryan!" Bati ni Tara sa kanya.
"Hello! I'm Zymine!" Ang ganda din niya. Ang sweet pa ng mukha. I think kasing age lang namin siya. Ilang months na sila ni Bryan at ilang beses na rin namin siya nakita pero di parin namin alam ang pangalan niya, same with her to us.
"I'm Tara, and she's Fhara." Sabi ulit ni Tara. Nginitian ko lang siya.
"Hi, Tara and Fhara! Ang cute naman ng names niyo! Ah, by the way, gusto niyo?" Gumagawa kasi siya ng sandwich.
"Hindi na, kila Bryan yata yan eh. Magluluto nalang ako." Tara.
"You cook?" Zymine
"Yep." Nakangiting sabi ni Tara.
"At hindi lang basta luto. Ang sarap kaya ng mga luto niya!" Sabat ko naman. Ang sarap naman kasi talaga ng luto ni Tara.
"Talaga? Gusto kong tikman!" Excited na sabi ni Zymine.
"Okay. Wait ka lang dyan!" Tapos nagsimula na siyang maghanda ng mga ingredients.
"Hey, babe! What’s taking you so long?" Napatingin naman kami sa dumating. Si Bryan pati ang bestfriend niya.
"Ay sorry! Napakwento kasi ako kila Tara and Fhara, eh." Zymine
"Ah. Buti naman at naisipan niyo ng mag usap." Sabi ulit ni Bryan. Hindi nagsasalita ang kasama niya.
"Matagal ko na kaya sila gustong kausapin kaso nga lang nahihiya ako." Sabi ni Zymine.
Ganun? Nakakahiya bang kausapin kami?
"Sabi ko naman kasi sayo, hindi nangangain yang dalawang yan. Nambabali lang ng buto-- jokes!" Tinitigan kasi siya ng masama ni Tara. "Nga pala, alam kong hindi niyo pa siya kilala kahit 100 times ko na ata siyang dinala dito. Si Chrome." Turo niya dun sa kasama niya.
"Hi, Chrome! I'm Tara!" Sabi ni Tara habang nagluluto.
"Fhara." Tumango lang siya sakin pero hindi ngumiti. Tumingin naman ako kay Tara. "Hoy Tara, matagal pa ba yan? Gutom na ko!"
"Malapit na. Kaunting tiis nalang"
Wala na kong nagawa kundi maghintay nalang sa niluluto ni Tara. Maya-maya, dumating ang katulong nila Tara.
"Ms. Fhara, may tawag po kayo galing sa inyo."
"Sige, susunod na ko.” Sabi ko dito saka tumingin kay Tara. “Hoy Tara, tirahan mo ko!"
“Yes boss!” Sagot nito kaya umalis na ko para sagutin ang telepono.
"Hello?” Tanong ko.
"L-Lady Fhara… S-Si M-Madam po…” Hindi na natapos ng mayordoma namin ang sinasabi niya dahil humagulgol na ito ng iyak.
BLAG!
Nahulog ko ang telepono dahil bigla akong nakaramdam ng kaba. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Anong nangyari kay Mama?
"Fhara, anong nangya—wait, Fhara!" Tawag sakin ni Tara pero hindi ko na siya sinagot at mabilis na tumakbo pauwi. Pagdating ko sa bahay, puro mga sira-sirang gamit ang nadatnan ko.
At si Mama. Si Mama, duguan siya at walang malay.
Nanghina ang tuhod ko sa nakita pero pinilit ko pa ring pumunta sa kanya at niyakap siya.
"M-Mama? Mama?" Pinipilit kong gisingin si Mama.
B-bakit ang lamig niya? Hindi pwedeng manyari ‘to!
"M-Mama? Mama... MAMA!" Sinasampal ko ng mahina ang pisngi ni Mama pero hindi pa rin siya gumigising. "Mama! Gumising ka! Hindi ka pa patay, diba? Hindi ka pwedeng mamatay. M-Mama."
Niyakap ko siya ng mahigpit. Si Mama. Ang Mama ko. Wala na ang Mama ko…
“Mama!” Hindi ko na napigilang humagulgol habang yakap ang malamig na katawan ng ina ko.
Tumingin ako sa mga katulong na ngayon ay umiiyak rin. "Sinong gumawa nito?! Sabihin niyo! Sinong gumawa nito sa Mama ko?! Papatayin ko siya! Papatayin ko ang gumawa nito kay Mama!” Pasigaw na tanong ko sa kanila. Hindi ko mapigilan ang pag-agos ng emosyon ko. Galit na galit ako.
Parang kanina lang okay pa kami, ah? Kanina lang masaya pa kami. Bakit ngayon, ganito na si Mama? Sinong gumawa nito?!
"Fhara. " Nilapitan ako ni Tara at niyakap ako. Sumunod pala sila. Umiiyak na rin sila, lahat ng nandito umiiyak na.
"H-Honey..." Napatingin kami sa dumating. Si Papa.
Nandun lang siya sa may pinto at hindi lumalapit samin. Nakasandal lang siya sa may pinto habang umiiyak. Ako naman, yakap-yakap parin si Mama at naiyak din.
"P-Papa… Papa si Mama… Wala na si Mama... Iniwan niya na tayo, Pa.” Sabi ko sa pagitan ng paghikbi ko.
Pinunasan ni Papa ang luha niya at lumakad paalis ng bahay.
"Papa? Pa, saan ka pupunta?" Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa paglalakad kaya naman binitawan ko muna si Mama at tumayo saka hinabol si Papa. Nang maabutan ko siya ay agad ko siyang niyakap. "Papa! Saan ka pupunta? Pa, wala na si Mama!"
Nagulat ako nang bigla niyang kalasin ang pagkakayakap ko sa kanya. Hindi siya nagsalita, ni tignan ako ay hindi niya ginawa. Sumakay lang siya sa kotse niya at tuluyan ng umalis.
Napaupo ako sa sahig at mas naiyak pa. Bakit umalis si Papa? Hindi niya man lang ba yayakapin si Mama?
"Fhara." Niyakap ulit ako ni Tara.
"Tara. Bakit umalis si Papa? Bakit iniwan niya si Mama ng ganun lang?"
"B-baka hindi pa matanggap ni Tito ang nangyari kay Tita kaya umalis muna siya." Paliwanag ni Tara.
"Sana bumalik na agad siya para hindi masiyadong malungkot si Mama." Pero hindi natupad ang ‘sana' ko. Hindi na umuwi si Papa pagtapos nun. Kahit nung libing ni Mama, ni isang tingin di niya ginawa. Nabalitaan ko nalang na pumunta na siyang Japan.
Walang kwentang asawa. Walang kwentang ama. Walang kwentang tao. Simula noon, naging ganun na ang tingin ko sa kanya.
Paglipas ng isang linggo matapos ang libing ni Mama, lumipat na ako ng bahay. Bumili ako ng condo unit na malayo sa bahay namin dahil may iniwan naman saking pera si Mama at tuluyan ng nanirahan mag-isa.
Pinaimbistigahan ko na rin kung sino ang gumawa noon kay Mama. Nalaman kong isang lalaking nagngangalang Christopher Miralles pala ang pumatay sa kanya, member ng Kurunawa na matagal ng gustong angkinin ang kompanya. Nagsalita na rin ang mga katulong, saksi silang lahat sa pagkamatay ni Mama. Sabi nila, gusto daw kidnappin ng nasa dalawang dosenang lalaki si Mama pero nanlaban si Mama kaya binaril siya, tapos tumakas na ang mga tao. Sabi ko, gaganti ako sa Christopher na yun pero ilang linggo lang ang nakalipas, nalaman kong nagpakamatay siya.
Kung hindi dahil sa kompanyang hinahawakan ng magaling kong ama, hindi mamatay si Mama. Kung walang kompanya ang lalaking yun na pinag-aagawan, hindi siya mababaril. Kasalanan ng kompanyang yun at ng magaling kong ama kaya namatay si Mama.
(End of Flashback)
Iyon ang dahilan kaya wala sa isip kong tanggapin ang offer ng matandang lalaking yun. Kung hindi dahil sa kanila ng kompanyang yun, buhay pa sana si Mama, masaya pa sana kami ngayon.