Chapter 1: Meet Me
"Oh my gosh! Malapit na akong ma-late!” Sigaw ko nang makita ko ang malaking digital clock sa entrance ng university.
Kainis! Tinanghali kasi ako ng gising, eh.
Isa pa tong mga librong 'to! Sino ba naman kasing matinong prof ang magpapadala sa estudyante niya ng pitong libro? Oh, let me rephrase that. Sino ba naman kasing matinong prof ang magpapadala sa estudyante niya ng PITONG MAKAKAPAL NA LIBRO?! Like duh! As if kaya naming basahin to in just one day! Psh.
Bzzzt. Bzzzt. Bzzzt.
May tumatawag pa. Haggard! Paano ko sasagutin 'to kung hawak ko ang pitong libro ko habang tumatakbo?
Bzzzt. Bzzzt. Bzzzt.
“Oo na, oo na! Ito na!” Naiinis kong sabi nang hindi pa rin tumigil ang pagvibrate ng phone ko.
Huminto muna ko sa pagtakbo at hinawakan ko ang mga libro ko ng isang kamay. Tapos kinuha ko na ang cellphone ko sa bag at sinagot ang tawag kahit hindi ko pa nakikita kung sino ang tumatawag.
"Hello?!" Singhal ko sa kung sino mang nasa kabilang linya.
"My Boo is PMS-ing." Napalitan ng kilig ang init ng ulo ko nang marinig ang boses niya. "May problema ba?"
Kakagising lang siguro nito.
"Ikaw kasi, eh! Malapit na kong ma-late dahil sayo. Pinuyat mo ko."
Narinig ko siyang tumawa ng mahina. Ang sarap talagang pakinggan ng tawa nito, nakakatanggal bad vibes.
"Ano na naman ba ang ginawa ko?" Ganun? Kunwari walang alam?
"Tse! Alam ko namang sinadya mo kong tawagan at kausapin hanggang 4 am. Palibhasa mamayang 2 pa pasok mo. Ang laki tuloy ng eyebags ko.”
Tumawa na naman siya.
Tsk! Ginagawa ako nitong clown eh. Pasalamat siya mahal ko siya.
"Sorry. Okay lang yan Boo, maganda ka parin naman kahit mukha kang puyat."
Err. Enebeeer!
"Talaga? Sige na nga, pinapatawad na kita." Oo na! Ako na uto-uto. "Nga pala Boo, bakit ka napatawag?"
"Ah, kasi yayain sana kitang mag lunch mamaya. Okay lang ba? Bayad na rin sa pangpupuyat ko sayo."
Sus yun lang pala.
"Oo naman. Sunduin mo nalang ako mamayang 11:30. Saka, pwede ko bang isama si Cheyene?"
Ilang Segundo ang lumipas pero hindi ko narinig ang sagot niya.
"Uy! Sasama ko si Cheyene, ah?"
"S-Sige, isama mo." Ngumiti ako. Close din talaga sila ng best friend ko. "Nga pala Boo.”
“Yep?”
“Late ka na."
Shoot. Oo nga pala! Terror pa naman ang prof ko sa first subject.
"Boo, mamaya ka na nga tumawag. Tsk! Babye na.” Narinig ko pa siyang tumawa bago ko tuluyang tapusin ang call. Nilagay ko na ang cellphone ko sa bag ko at tumakbo ulit habang hawak ko ang pitong libro.
Tsk. Sa sobrang kapal ng mga librong 'to, di ko na tuloy makita ang daan. Pero takbo lang, Fhara! Malay mo wala pa dun ang prof mo?
BLAG!
"Ouch!"
"Awts."
"Oh my gee! What did you do to my uniform?"
Tsk. Ang sakit ng pwet ko. May nabunggo kasi ako habang tumatakbo. Pagtingin ko sa harap ko, nakita ko ang isang madungis na babae na tinutulungan ng tatlong babaeng sobrang kapal ng make up.
Natapon yata sa babaeng nabunggo ko ang softdrinks niya.
Tumayo na rin ako at tinulungan siyang tumayo. Pero malakas niya lang na tinampal ang kamay ko.
"Don’t you dare touch me!"
Ay, nagmamaganda si ate? Ako na nga tutulong, eh. Tsk. Pasalamat ka, alam kong ako ang may kasalanan!
"Sorry. Sorry po." Paghingi ko ng tawad sa kanya.
"Wala ng magagawa yang sorry mo! Kilala mo ba kami, ha?!" Sabi ni make-up girl no.1
"H-hindi." Sagot ko habang umiiling.
Lumaki naman ang mga mata nila.
"Are you sure?" Tanong naman ni Make-up girl no.2.
Tumango naman ako. "Yup."
Nagtinginan naman sila.
"You're impossible!" Make-up girl no.3
Teka? Kailangan ba talaga kilala ko sila? Omo! Artista ba sila?
"A-artista ba kayo?"
Nagulat naman sila sa tanong ko. Omg! Artista nga yata sila.
"No, girl. We're not celebrities, pero pwede na din. Hahaha!" MUG no.1
Ay, sayang naman!
"So, di mo talaga kami kilala? Edi sige, magpapakilala kami sayo. Kami lang naman ang mga reyna sa university na ‘to. Kami ang Malditas. At dah---"
“Omg!” Naputol ang sinasabi niya sa biglaang pagsigaw ko. Napatingin kasi ako sa relo niya at nakitang saktong 8:00 AM na.
Mabilis kong dinampot ang mga nahulog kong libro at tumakbo ng mabilis papunta sa room ko.
"Teka!" Sabi ng isa sa apat na babaeng iniwan ko.
Tss. Bahala kayo dyan! Di naman pala kayo mga artista, eh.
Pagtapos ng ilang minutong pagtakbo, nakarating din ako sa room.
"Ms. Kurunawa! Is Ms. Kurunawa here?" Ms. Kurunawa? Ako yun, ah?
"Miss, present po!" Itinaas ko ang kanan kong kamay para agad akong makita ng prof namin habang humahangos at nakasandal sa pinto ng room.
"Hahahaha!" Tawanan nung mga kaklase ko. Kinawayan ko nalang sila.
"Stop laughing! Walang nakakatawa!" Sabi ni Prof sa mga kaklase ko. Tapos tumingin siya sakin kaya napalunok ako. "At ikaw Ms. Kurunawa, diba alam mong ayaw ko sa mga late?!"
Nag-aalangan akong tumango.
"Sa ngayon, pagbibigyan muna kita. Pero sa susunod na malate ka pa, paparusahan na kita. Got it?"
“Yes, miss.”
"Good. You may sit now."
Mabilis akong lumakad papunta sa upuan ko. Nakahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay nakaupo na rin ako.
"Muntik ka na dun, ah." Nakangising bulong sa akin ni Cheyene na katabi ko lang.
"Ssh."
Ngumiti lang siya at nakinig na sa prof namin. Sinubukan ko namang makinig kaso naboboring talaga ko.
Wait, nakapagpakilala na ba ako? Hindi pa? Sige, ito na.
Hi! My name is Fhara Kurunawa, 19 years old at first year college student dito sa Virman International University. Ang kausap ko kanina ay si Cheyene Kang na best friend ko. Ang kaninang kausap ko sa phone? Siya naman ang boyfriend kong gwapo na si Railei Kim. Two years and one month na kami. Ang galing namin, no? Kahit matagal na kami, hindi pa rin nawawala ang pagmamahal namin sa isa't-isa. At oo nga pala, hindi dito nag-aaral si Railei. First year college na rin siya sa Yukusai Academy, school for gangsters. Yep, gangster si Railei. Pero hindi siya masama, ah? Mabait ang Boo ko, kaya nga mahal na mahal ko yun eh. Ako naman, simpleng babae lang na maingay, makulit.... at may isang sikreto.
***
"Hey, Fhara. Gising na." Naramdaman ko ang pagkalabit sa akin ni Cheyene.
"Wait, 5 minutes pa."
"Naku, kanina pa natapos yang 5 minutes mo. Gumising ka na kasi!"
"Wait-- Zzz."
"Ano ba naman yan? Ang hirap mo talaga gisingin. Ah, alam ko na. Fhara, sino ba ‘tong nakikita ko? Gwapo siya, maganda ang katawan, singkit, at gwapo ulit. Sino kaya ‘to?"
"Zzz. Shi Railei."
"Correct! Si Railei nga. Railei!"
"Ay Railei! Nasaan si Railei?” Tuluyan na kong nagising nang sabihin ni Cheyene na nandito na daw ang boyfriend ko. “Uy Che, nasaan nga?”
"Pfft. Hahahaha!" Nagulat ako nang biglang tumawa si Cheyene habang nakaupo sa lamesa na nasa harap ko kaya tinignan ko siya ng masama.
"Wala naman si Rai-- Nasaan na ang mga kaklase natin?"
Bakit kami nalang dalawa sa room?
"Pfft. Kaya nga kita ginigising kasi kanina pa po tayo dismissed. Tara na!"
Kanina pa labasan? Anong oras na ba? Tumingin ako sa relo ko.
11:15? Ibig sabihin 15 minutes na akong ginigising ni Cheyene?
"Inaantok pa ko, Che." Puyat na puyat talaga ko kagabi.
"Hay nako. Ano ba kasing ginawa mo kagabi at napuyat ka?" Tanong nito habang muling umuupo sa tabi ko.
"Nagtawagan kami ni Railei hanggang madaling araw."
Bigla siyang nagtaas ng isang kilay. “Kaya pala.”
“Bakit?”
Umiling siya. “Wala naman.”
Wait, speaking of Railei, susunduin niya pala ko dito mamayang 11:30.
"Hey Che, sama ka samin mamaya ni Railei mag-lunch, ha? Sinabi ko ng sasama ka."
Halos magningning ang mata niya sa sinabi ko.
"Sure!” Sagot nito ng may malaking ngiti sa labi.
"Oh, bakit sayang-saya ka naman yata?"
"H-ha? Ah. S-siyempre, m-malilibre ako sa lunch."
"At kailan ka pa naghirap?" Tinaasan ko siya ng isang kilay.
Si Cheyene matutuwa sa libre? Eh, kaya nga niyang bumili ng isang restaurant gamit lang allowance niya.
"H-ha? Uhm. A-ano. Teka nga! Kailangan bang may dahilan lagi kapag masaya? Tsk. Puntahan mo na nga lang ang b-boyfriend mo. Susunod nalang ako kasi may nakalimutan ako sa locker ko."
"Psh. Fine! Sumunod ka ha? Doon lang kami sa tapat ng guard house."
"Oo na po." Dumila pa? Papatalo ba naman ako?
"BArsenioeh!"
Ngumiti lang siya tapos tumalikod na. Pero bago siya tuluyang tumalikod, parang nakita ko siyang umirap sakin? Psh. Imagination ko talaga!