Chapter 2: Smile Of Victory

1725 Words
Fhara’s POV Naglalakad na ako papuntang guard house para hintayin si Railei at Cheyene doon nang narinig kong tumunog ang tiyan ko. "Aish. Gutom nako."             Bzzzt. Bzzzt. Bzzzt. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at tinignan kung sino ang tumatawag. Nang makita ko ang pangalan ni Railei, nakangiti ko itong sinagot. "Hello, boo! Miss mo na ko agad?" "Hahaha! Mukhang good mood ka na, ah?” Naiimagine ko ang nakangiti niyang mukha habang sinasabi niya iyon. “Saan ka na? Papunta na ko diyan." "Hmm. Papunta na rin ako sa guard house. Doon mo nalang kami puntahan ni Cheyene." "S-sige. Hintayin niyo nalang ako dyan." "Okay. I love you!” Natigilan siya sandal bago sumagot. "Hmm.” Sabi niya lang. “Hmm lang?” Tanong ko nang hindi ko narinig ang hinihintay kong sagot. “I… I love you, too.”             Hindi ko mapigilang mapaisip nang marinig ang sinabi niya.             “Boo, okay ka lang?” Tanong ko rito.             “Oo naman.” Katahimikan. “Sige na, tatawag nalang ulit ako kapag nandiyan na ko.”             “Hmm.” Ayan nalang ang nasagot ko bago niya tuluyang i-end ang call.             Bakit parang may mali?             Mabilis akong umiling at tinanggal ang mga katanungan sa isip ko saka muling naglakad papuntang guard house. Gutom na talaga ako. "Dumating ka rin." Pababa na ko ng hagdan nang parang may narinig akong nagsalita. Tumingin ako sa paligid ko pero wala akong nakitang tao. "Sino yan?" Kinakabahang tanong ko. Hindi kaya multo yun?             Pero nawala agad ang hinala ko nang lumabas ang apat na babae mula sa ilalim ng hagdan. Anong ginagawa nila doon?. Teka? Sila ang mga babae kanina, ah? Ang four MUGS (Make-up Girls)? "Oh, kayo pala! Bakit?" Parang hinihintay talaga nila ako. "May gana ka pang magtanong? Sa tingin mo ba papalampasin lang namin ang ginawa mo sakin kanina?” Tanong ni ateng natapunan ko kanina. So siya na si MUG no.4. Hehehe. "At ngumingiti ka pa? Di ka ba natatakot?" MUG no.3 Natatakot? Saan? Wait, baka nga multo talaga sila? Waaah! "Ganyan nga. Matakot ka samin dahil ipaparamdam namin sayo ang buhay sa impyerno!" MUG no.1 B-buhay sa i-impyerno? I-ibig sabihin sila si Kamatayan? WAAAA! "P-pero may g-gagawin pa ko, p-pwedeng bukas nalang?" Hindi pa ko pwedeng mamatay ngayon. May lunch date pa kami ni Rai. "Huwag kang mag alala, sandali lang naman to, eh." Ngumisi si MUG no. 2 tapos nag simula na silang kornerin ako. "A-aalis na k-ko." Sinubukan kong lumakad paalis pero pinigilan nila kaagad ako at kinalakadkad papunta sa CR ng mga babae. “Sandali! Saan niyo ba ko dadalhin?” "Kung nakatakas ka kanina, hindi ka na makakatakas ngayon." Nakangising sabi ni MUG no. 1 nang makapasok na kami sa CR.  “Anong kailangan niyo sakin?” Kinakabahan kong tanong. PAK! "B-bakit mo ko sinampal?" Hindi ko mapigilang magtanong. Ano bang problema ng mga ‘to? "Para yan sa pagtapon ng softdrinks sakin kanina. At hindi lang yan ang gagawin ko sayo.” Sabi ni MUG no. 4 saka ngumisi. “Girls, hawakan niyo siya!" Kinuha ng dalawang babae ang tig-isang braso ko tapos ang isang babae naman ay hawak-hawak ang buhok ko. "B-bitawan niyo ko! Pag nalaman ng boyfriend ko ang ginagawa niyo sakin, siya ang bubugbog sa inyo!" Pagbabanta ko sa kanila pero imbis na matakot, tinawanan lang nila ko. "Hahaha! Huwag ka ngang magpatawa!” Sabi ni MUG no. 4 at sinuntok naman ako sa tiyan. "Tama n-na!" Ngumisi lang siya saka sinampal ulit ako. "Please, tama na." Pagmamakaawa ko pero hindi pa rin sila nakikinig. Sipa, sampal, suntok. Ayaw niya talagang tumigil. Ang sakit na ng katawan ko. "Tama na." Lalo pang lumawak ang ngiti niya pagtapos ay sumenyas siya sa mga kasama niya na bitawan ako. Akala ko naman ay tapos na ngunit simula lang pala iyon ng sama-sama nilang pambubugbog sakin. Di ko na kaya. Sobrang sakit na. "TAMA NA SABI!" Sumigaw na ako pero imbis matakot, parang lalo pa silang nasiyahan sa ginawa ko. Mas lalo pa nilang nilakasan ang mga sipa, sampal at suntok nila sakin. Tama na. Tama na. T-tama na. Paulit-ulit lang yang sinasabi ng isip ko. Tama na. Tama na sabi eh. TAMA. NA. "I said enough." Bigla silang huminto sa pambubugbog sakin. Tinaas ko ang ulo kong nakayuko kanina at ngumisi. Nawala ang mga ngiti nila at takot naman ang gumuhit sa mga mukha nila. "Fhara." Nawala ang atensiyon ko sa kanila nang may marinig akong boses ng lalaki. Si Railei. ***   Railei’s POV Kanina pa ko dito sa guard house at unti nalang eh mapagkakamalan na kong guard dito pero di pa rin dumadating sina Fhara. "Hey, Ryle." May nagsalita sa likod ko. Ryle? Alam ko na kung sino ‘to. "Cheyene." Humarap na ako sa kanya, umaasa na kasama niya si Fhara pero siya lang ang nakita ko. "Nasaan si Fhara?" Nagkibit-balikat lang siya. "I don’t know. Sabi niya hihintayin niya daw ako dito." Ngumiti siya. "Baka naman umuwi na kasi nainip?" Umuwi? Imposible. Hindi yun aalis ng wala ako lalo pa't may usapan kami. Teka, parang bigla akong kinabahan. "Wait, saan ka pupunta?" Hinabol ako ni Cheyene nang bigla akong tumakbo. Hindi ko alam pero bigla akong kinutuban. Pumunta ko sa room nila. "Fhara?" Tinawag ko ang pangalan niya pero walang sumasagot. "Ryle. Ang bilis mong tumakbo!" Hinihingal na sabi ni Cheyene. "Saan pa kayo pumupunta ni Fhara?" Nag-aalalang tanong ko rito. "H-huh? Wala na kaming tinatambayan na iba.” Tsk. Nasaan ka ba, Fhara?” "Teka, Ryle! Aish!" Sigaw ni Cheyene nang tumakbo muli ako. "Fhara! Fhara!" Sigaw ko rin habang tumatakbo pero hindi ko pa rin makita si Fhara. Kung saan-saan na ko nakarating— sa canteen, sa teachers office, sa covered court, at ngayon papunta na ako sa CR. "TAMA NA SABI!" Teka, boses ni Fhara yun, ah? Lalo kong binilisan ang takbo papunta sa CR ng mga babae. Hindi ito nakasarado kaya nakita ko agad kung anong nangyayari sa loob. May apat na babae na pinagtutulungan na bugbugin ang isang babae. Tinitigan ko kung sino ang babae at nagalit ako sa nakita ko. S-si Fhara. Papasok na sana ako pero napahinto ako nang marinig kong magsalita si Fhara. "I said enough." Napahinto rin ang mga babae sa ginagawa nila. Kahit ako parang hindi makagalaw. Ang boses niya, sobrang lamig. Nakakatakot. Tinaas niya ang ulo niya na kanina ay nakayuko. Nakangisi na siya. Hindi lang yun simpleng ngisi. Isa ang ngisi na nakakapagpatayo ng balahibo ng kahit sino pang makakita nun. Parang pinapakita niya na kaya niyang gawin ang lahat at walang sinuman ang kayang pigilan siya. At ang titig niya? Parang papatay anumang oras. "Fhara." Wala sa sariling tawag ko sa kanya. Napatingin siya sakin. Pero ang mga mata niya, hindi pa rin nagbabago. "Fhara." Lumapit na ako sa kanya at niyakap siya pero hindi siya gumalaw. Kahit medyo natatakot ako sa inaasal niya, hindi pa rin ako bumitaw sa pagkakayakap sa kanya at hinigpitan pa lalo ang yakap ko. Tila naman natauhan na siya pagkaraan ng ilang segundo. "Rai." Yumakap din siya sakin ng mahigpit pero hindi siya umiyak. Sabagay, kailan ba siya umiyak? Ito ang kilala kong Fhara. Hindi ang kanina. "S-Sino ka? Bakit ka nakikialam sa away namin?" Tanong ng isang babae na bumugbog kay Fhara. Tsk. Muntikan ko na silang makalimutan. Tumayo ako at lumapit sa nagsalita at sinakal siya gamit ang kanang kamay ko. "Sino ako? I am Knife, leader ng Death Gang...." Nakita kong nagulat silang lahat pero di masiyadong makapagreact ang hawak ko dahil sakal-sakal ko siya. "…at boyfriend ng babaeng binugbog niyo." Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak sa Leeg niya. "K-knife. S-sorry, d-di ko a-alam na g-girlfriend mo s-siya. P-patawarin mo k-kami!" Sabi nung hawak ko. Pinipilit niyang makawala sa kamay ko pero hindi ko siya pinapakawalan. "Rai, tama na yan." Naramdaman kong yumakap sa bewang ko si Fhara. "Tara na." Dahan dahan niyang tinanggal anng kamay ko sa Leeg nung babae saka niya ko hinila paalis pero bago kami makalabas, nagsalita muna ko. "Saktan niyo pa ulit si Fhara, tutuluyan ko na kayo." ***   Naglalakad na kami ni Fhara palabas ng school. Nakakapanibago. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan kaseryoso. Parang may malalim siyang iniisip. "Fhara! Saan k aba nanggaling? Kanina ka pa naming hinahanap, ah?" Biglang sumulpot si Cheyene out of nowhere. Hindi sumagot si Fhara na ikinabigla naman ni Cheyene. "Hey Fhara—gosh! Bakit ang dami mong pasa?" Hahawakan sana ni Cheyene ang mga pasa niya pero umiwas si Fhara. Nagulat ulit si Cheyene sa inasal niya. "Rai, Che, pasensya na pero hindi na ko makakasama sa lunch. Wala na kong gana, eh. Uuwi nalang ako." Sabi ni Fhara ng walang pinapakitang emosyon, pero ang mga mata niya di na kasing lamig kanina. "Sasamahan na kita pag-uwi." Sabi ko. "No. Gusto ko munang mapag-isa. Alis na ko." And with that, naglakad na siya paalis. "What's the matter with Fhara? Saka bakit ang dami niyang bruises? Ano bang nangyari?" Tinitigan ko si Cheyene. Iba talaga 'tong babaeng 'to, galing umarte. "Pwede ba, huwag ka ng umarte. Wala na dito ang best friend mo." Binigyang diin ko talaga ang best friend. Napatingin siya sakin na kunwari’y nagtataka, pero maya-maya ay ngumiti rin. Psh. Napailing nalang ako at iniwan ko na siya doon para pumunta sa kotse ko. "Ryle! Wait!" Humabol pa siya sakin pero hindi ko na siya pinansin at pumasok sa kotse, ngunit nabigla ako nang sumakay din siya sa tabi ko. "Ano bang problema mo?!" Halos pasigaw ko ng sabi sa kanya pero nginitian niya lang ako. "Hatid mo ko sa bahay." Sagot nito na akala mo’y wala lang. "Bumaba ka na." Inilayo ko ang tingin ko sa kanya. "Huwag mo na kasing pigilan ang sarili mo, Ryle." Sabi nito saka iniharap muli ang mukha ko sa kanya saka ko hinalikan sa labi pero mabilis akong humiwalay sa kanuya. "Enough. Bumaba ka na." Ngumiti lang siya at hinalikan ako ulit. This time, its deeper. Shit. s**t. s**t! Bakit parang gustong-gusto ng labi ko ang ginagawa niya? Our lips parted for a while and she whispered something to me. "Admit it Ryle. You love me, right?" Fuck! Hindi na ko sumagot at hinalikan nalang siya ulit. Naramdaman ko namang ngumiti siya. Psh. Smile of victory.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD