-Sienna- Dinala ako ni Tyler sa balcony, at doon ay nakasandal kami habang nakatingin sa madilim na kalangitan. “Wala man lang stars.” nakasimangot na saad ko. It would’ve been nice to go stargazing. “There’s one. Ayun!” Itinuro niya sa akin ang nag-iisang bituin na kumikislap sa may bandang kanang bahagi ng kalangitan. Napangiti ako. “The only star brave enough to keep the moon company.” “Yeah.” Tyler whispered. “I’m the only star who wants to stay with you.” Napalingon ako sa kanya. Unti-unting naglaho ang ngiti sa aking mga labi dahil sa matiim niyang pagtitig sa akin. “Thank you for listening to me, Tyler.” “Of course. Ikaw pa ba. Anytime na gusto mo ng kausap, nandito lang ako. Kahit walang s3x.” pagbibiro nya at natawa naman ako. Tumawa din sya, at sandaling nawala ang kanyan

