-Tyler- Dalawa lang ang nanonood sa live nya, at umalis pa ang isa, kaya ako na lang ang natira. “Jeff, how to make an account here.” I asked Jeff, handing him my phone. “Po? Bakit sir, bibili kayo diyan?” nagtatakang tanong ni Jeff na kinuha ang phone ko at nag-install ng black app. “Tumitingin lang ako ng mga alahas dito sir. Ipangreregalo ko sana sa girlfriend ko. First year anniversary kasi namin next week.” “Oh really? Just choose what you want and I’ll buy it for you.” I told him. “Talaga po, sir? Naku,thank you po! Birthday nyo, pero kayo ang magreregalo sa akin. Napakabait mo talaga, sir!” tuwang-tuwang sabi ni Jeff. “Eh kayo po?” “Me?” tanong ko na itinuro ang sarili ko. “Yeah, I want to buy some items here also. Mukhang magaganda eh.” of course, ang tinutukoy ko ay si Sienn

