-Sienna- “Oh my God!” hindi makapaniwalang bulalas ni Dave habang tinititigan ako sa salamin. The make-up artist he’d hired had clearly worked wonders on me. “You’re so beautiful! Is that really you?” Ang oa lang. Wala namang nagbago. Medyo makapal lang ang make-up na nilagay sa mukha ko, pero kahit sinong kakilala ko na makakakita sa akin ay siguradong makikilala pa rin ako. Bago lumipat sa kabilang bahay ay idineposit na ni Dave sa account ko ang bayad na one-hundred twenty thousand pesos, at walang pagsidlan ang tuwa ko. Finally, makakaipon na rin ako at siguradong hindi na mashoshort. But at the same time, hindi ko maiwasang kabahan. Hindi ako sanay sa mga ganitong eksena, at hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko mamaya. Bago mag-seven ng gabi ay lumipat na kami sa kabilang ba

