-Sienna- Habang nasa loob ng box ay sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Naririnig kong nagtatawanan at nagkakantahan na sila sa labas ng happy birthday, kaya alam kong ano mang oras ay ilalabas na nila ako dito. Ang sabi ni Dave, sasayawan ko lang daw si Mr. Anderson, pero pano ko malalaman kung sino sa kanila ang taong iyon? Wala naman siyang binanggit na pagkakakilanlan ko. Napatda ako sa kinauupuan ko nang marinig kong bumukas ang pinto sa guest room, at maya-maya nga ay naramdaman ko na ang paggalaw ng box. Itinutulak na nila ako papunta sa living room kung saan nagaganap ang party. “Sienna, be ready.” narinig kong sambit ni Dave, at panay ang dasal ko na sana walang makakilala sa akin dito. “Mr. Anderson, nandito na ang regalo namin sa’yo!” sigaw ni Dave, at malakas na naghiyawan a

