-Sienna- It was twelve noon when I woke up dahil sa malakas na pagring ng phone ko. Tumatawag si Clyde. “What do you want?” naiinis na sagot ko. Kung hindi niya ako iniwanan kagabi sa La Fortuna, sana wala ulit nangyari sa amin ni Tyler. “Be ready. Aattend tayo sa birthday party ni ninong later. Susunduin kita.” dahan-dahan akong bumangon at sumandal sa headboard. “Ayokong sumama.” I snapped, and I heard him growl. “Hon, sorry na. Hindi talaga ako makahindi sa utos ni daddy kagabi. Ang tagal mo kasing lumabas eh.” hindi ko maringgan ng sinseridad ang boses niya, kaya napaismid ako. “Kaya basta mo na lang ako iniwan? Kasalanan ko ba kung mahaba ang pila sa cr?” pagsisinungaling ko. “Sorry na, okay. I promise, babawi ako.” pangako na naman. Puro pangako. Pero wala naman itong tinupad

