-Sienna- “Mas nadadagdagan lang ang kasalanan natin kay Clyde kung patuloy tayong magkikita.” mahinang sagot ko, but deep inside me, iba ang sinasabi ng utak ko. “Nag-usap na tayo last time. Huli na ang pagkikita natin na iyon, hindi ba?” “But fate brought us together again.” sabi nya sa tila nagmamakaawang mga mata, at napaisimid ako. “Fate? Naniniwala ka talaga doon?” nakataas ang kilay na tanong ko. Well, I can’t blame him. Siya nga pala si lucky. Ang lalaking swerte sa lahat ng pagkakataon. “This is purely coincidence, Tyler. Not fate, not destiny, or whatever you want to call this. At nandito din si Clyde. Sa tingin mo, fate din na mahuhuli niya tayo kapag hindi tayo nag-ingat?” “Yeah. That’s how fate works. Ilalayo ka niya sa maling tao, at ilalapit sa…” “Hah? Anong gusto mong p

