-Sienna- Narinig ko ang malakas na pagbuntong-hininga ni Tyler bago siya tumayo mula sa kama at binuksan ang pinto. Pigil ang aking hininga habang mahigpit ang pagkakakuyom ko sa tela ng kumot. Kinakabahan ako at baka bigla na lamang itong humulagpos mula sa pagkakahawak ko at makita ako ni Clyde dito mismo sa kama ng kanyang ninong. “Ninong, sibat na ako.” narinig kong sabi niya nang buksan ni Tyler ang pinto. “Ihahatid ko pa si Val sa kanila. Hindi siya pwedeng gabihin. May pasok pa kami bukas.” Hindi sinabi sa akin ni Clyde na si Val ang isasama nya dito sa birthday ng ninong niya, at wala ding binanggit sa akin si Val. Bakit kailangan nilang ilihim sa akin ito? “Okay. Pasensya na kung hindi ko na kayo naasikaso.” Tyler said, making Clyde laugh. “We understand you, ninong. Alam n

