-Sienna- It was six in the morning. Naghahanda na ako pagpasok nang biglang may biglang kumatok sa pinto. Pagbukas ko, nabungaran ko si Karla, ang pinsan ko sa mother side. “Ate Sienna…” umiiyak na niyakap nya ako na sadyang ikinagulat ko. “Karla, anong nangyari?” tanong ko habang hinahaplos ang likod nya. Karla was only fifteen years old when I stayed in their house. Noong pinalayas ako nina mommy at daddy, sa kanila muna ako tumira pansamantala. Naging mabait sa akin ang pamilya niya, lalong-lalo na si tita Gina na kapatid ng mommy ko. Hindi sila mayaman. Si tito Vergel ay isa lamang tricycle driver, at si tita Gina naman ay nagtitinda lang ng ulam sa harap ng bahay nila. Nairaraos naman nila ang kanilang pang araw-araw na pangangailangan kahit papaano. Dalawa lang naman kasi ang an

