-Sienna- “Clyde, naririnig mo ba yang sarili mo?” galit na tanong ko sa kanya. “Of course!” he answered casually with a shrug of the shoulders. Hindi man lang nabahala sa galit ko. “Tinulungan mo na sila dati, at hanggang ngayon nagbibigay ka pa rin sa kanila, right?” Oo, tama siya. But not always. Kapag malaki ang sahod ko, dumadalaw ako sa kanila para magbigay ng groceries. Yun lang naman ang kaya kong itulong. But lately, dahil tumataas ang mga bilihin at lumalaki ang gastos, ilang buwan na rin akong hindi nakakapunta sa bahay nina tita Gina. “Clyde, sila lang ang tumulong sa akin noong kailangan ko nang matitirhan. Pinatuloy nila ako sa bahay nila nang walang hinihinging kapalit.” garalgal na ang boses ko nang muli akong magsalita. Inaasahan ko noon na tutulungan ako ni Clyde at

