-Sienna-
Ngayong gabi, nakaplano na akong isuko sa boyfriend kong si Clyde ang aking bataan. It was our second year anniversary at balak ko sana siyang sorpresahin. Palagi na lang kasing siya ang gumagastos sa amin tuwing may date kami, kaya ngayon ay ako naman. Babawi ako sa kanya, kaya ang buong sahod ko last month ay itinabi ko para sa okasyong ito.
Nagpareserve na ako sa isang restaurant, sa The Brinehouse para sa dinner namin mamaya, at pagkatapos namin doon ay didiretso kami sa apartment ko para ibigay ko na nga ang matagal na niyang inuungot sa akin. Ang aking v!rginity.
Sobrang excited na ako sa mangyayari mamaya. It was my first time doing it kaya nanonod ako ng mga porn movies kagabi para may idea ako kung ano ang gagawin. Ayoko namang magmukhang tanga kapag nagsesex na kami.
Last week ay bumili din ako ng adult toy at nagpractice kung paano sumubo nito. Sabi kasi nila, mas lalo kang mamahalin ng boyfriend mo kapag kinain mo siya.
I giggled as I stepped inside a famous underwear store. Dapat bago at maganda ang suot kong underwear mamayang gabi para mas ganahan siya. Although may konting takot at kaba akong nararamdaman, pilit kong inignora ito. Nangako naman siya na papakasalan niya ako after niyang makuha ang posisyon bilang CEO sa company nila kaya hindi ko na kailangang mag-worry pa.
Habang namimili ako kung anong kulay ang maganda, at anong style ang pinaka-seductive, biglang may tumawag ng pangalan ko, at kunot ang noong napalingon ako sa nagmamay-ari ng boses.
“Sienna!” mahigpit na niyakap ako ng bestfriend ko na si Valentina.
“Val…” tuwang-tuwa ako nang makita siya. Pwede niya akong tulungan sa pagpili ng undies na bibilhin ko. “Mabuti na lang at dumating ka. Matutulungan mo ako sa problema ko.”
“Problema?” nakataas ang kilay na tanong niya. “Tungkol saan? At saka bakit ka nga pala nandito sa tindahan ng mga undies? Mahal dito ah.”
Minsan ay may pagkataklesa din ang babaeng ito. Oo, hindi ako mayaman. Wala akong pera. Isa lang akong bank teller sa isang bangko na hindi masyadong kilala, at sa pagtitinda ng mga paintings ko online lang ako kumikita. Minsan naglalive selling ako kapag walang pasok.
Ang totoong mayaman ay ang pamilya ko, pero pinalayas nila ako dahil ako ang sinisisi nila sa pagkamatay ng Ate Peachy ko.
Si Valentina ay may kaya din sa buhay. Sila ang may-ari ng bangko na pinagtatrabahuhan ko, at acting manager siya doon. College pa lang kasi kami ay magbest friend na kami kaya walang nagbago sa relasyon namin kahit naging boss ko na siya ngayon.
“May konting ipon naman ako.” matipid ang ngiting pinakawalan ko, bago kinuha ang isang pares ng black lace underwear. Ito na lang. Ang ganda kasi. Pangsosyal ang datingan, at saka medyo daring. Siguradong magugustuhan ‘to ni Clyde, lalo na pag nakasuot sa akin. “At saka minsan lang ‘to. Regalo ko na lang sa sarili ko.”
“Regalo? Birthday mo ba?” tanong ulit ni Val, at nagsimulang tumingin-tingin sa mga nakasabit, pero natuon ang pansin niya sa hawak ko. “Oh my God! Ang ganda nito!”
Hinablot niya ito sa akin at saka inilapat sa katawan niya.
“Kukunin ko ‘to.” excited na sabi niya, at napanganga na lang ako. “Gusto mo ipili kita? Saan mo ba kasi gagamitin?”
Dumukwang ako at saka bumulong sa tenga niya. “Anniversary namin ngayon ni Clyde. Isusuko ko na ang bataan ko bilang regalo.” at saka ako malakas na napahagikgik.
Napatigil naman si Val at naniningkit ang mga matang tinignan ako. “Ano? Ibibigay mo na’yang virginity mo sa boyfriend mo? Nahihibang ka na ba?”
Nagulat ako sa reaksiyon niya. Hindi ba dapat masaya siya dahil sa wakas makukuha na ni Clyde ang gusto niya? Actually, tatlo kaming magkakaibigan noong college pa, pero nang ligawan ako ni Clyde, medyo dumistansiya si Val pero nag-uusap pa rin naman sila ng boyfriend ko. Casual na nga lang.
“Of course not! Matagal ko na itong pinag-isipan, kaya wala nang makakapigil pa sa akin na gawin ito.” sabi ko sabay hablot ng red na undies na kagaya din ng style nung black lace na kinuha niya. “Sabi naman niya, pakakasalan niya ako kaya walang magiging problema.”
“At naniwala ka naman?” pairap na sagot ni Val. “Alam mo ‘yang mga lalakeng ‘yan, pare-pareho lang sila. Kapag nakuha na nila ang gusto nila, iiwan ka lang ng mga ‘yan na parang basahan.”
Nagsimula na itong maglakad papunta sa cashier at sumunod naman ako sa kanya. “Hindi ganyan si Clyde. Mahal niya ako. At alam kong tutuparin niya ang pangako niyang pakakasalan ako. Nakatiis nga siya ng two years na hindi niya ako ginagalaw eh.”
“Sana nga, Sienna. Sana totoo ang mga sinasabi sa’yo ni Clyde.” Kibit-balikat nitong saad at saka nagbayad na ng inagaw niyang undies sa kamay ko. “Basta binalaan na kita. Kapag ikaw nasaktan, huwag kang iiyak-iyak sa akin.”
Hindi ko alam kung bestfriend ko ba talaga ‘to o kaaway. Sa halip na maging supportive siya sa akin, bakit parang dinidiscourage niya pa ako?
Nagbayad na rin ako at saka lumabas ng stall. “Ano nga palang ginagawa mo dito, Val?”
“Bibili din nito.” itinaas niya ang paperbag na hawak niya. “May date din kasi ako mamayang gabi.”
“Talaga? Sino?” excited na tanong ko. Ang alam ko kasi ay wala naman siyang boyfriend. Masyado kasi siyang pihikan.
“Ahm, nakilala ko lang sa isang dating app online.” iniiwas niya ang mga mata sa akin habang nagsasalita. “Gusto niya na daw akong ma-meet, so pagbibigyan ko na.”
“Oh tignan mo, ikaw! Nakilala mo lang siya sa online pero isusuko mo na kaagad ang bataan mo!” panenermon ko sa kanya.
“Eh sa akin, okay lang kasi wala naman nang mawawala.” sabi niya habang iniipit ang buhok sa likod ng kanyang tenga. “Gusto ko nang makatikim ulit. T!gang na t!gang na ako no!”
“Hay naku girl, ewan ko sa’yo! Sige na uuwi na ako.” sambit ko at saka tumingin sa relo ko. Malapit nang mag-six. Alas-siyete ang reservation ko sa isang seafood restaurant.
“Sige. Magkita na lang tayo sa bangko bukas. Balitaan mo ako kung anong mangyayari ha. Bye!” nagbeso pa kami bago nagkanya-kanya na ng uwi.