-Sienna-
Pagdating sa bahay, kaagad akong naligo. Kinuskos kong maigi ang buong katawan ko at saka nag-shave na rin ako. Sinigurado kong walang buhok na natira sa kahit na anong parte ng katawan ko. Sinigurado ko ding mabangong-mabango ako.
Habang nagpapahid ng lotion, panaka-naka akong sumusulyap sa phone ko. Tinitignan ko kung may text sa akin si Clyde. Hindi niya pa kasi ako binabati ng ‘happy anniversary.’
Ayoko namang ako ang maunang bumati. Gusto kong makasigurado na hindi siya nakalimot.
Tapos na akong magbihis. Isang black sleeveless dress na above the knee ang suot ko. Tinernuhan ko ito ng silver necklace na regalo ni Clyde sa akin noong first year anniversary namin, at black high heels naman ang sapin ko sa mga paa.
Naglagay lang ako ng manipis na make-up sa mukha ko at light red lipstick naman sa mga labi ko. Hinayaan ko lang na nakalugay ang mahaba at itim na itim kong buhok.
Paalis na ako pero wala pa ding text si Clyde. Nanlulumong napaupo ako sa kama. Nasaan ba kasi ang lalaking ‘yun?
Nag-book muna ako ng sasakyan ko papunta sa restaurant at hindi ko na napigilan ang sarili kong itext si Clyde. “Hon, happy second year anniversary! I love you so much. Pwede ba tayong magkita ng 7pm sa The Brinehouse. May importante akong sasabihin sa’yo.”
Naghintay ako ng reply, pero walang dumating hanggang sa narinig ko na ang pagbusina ng binook kong taxi sa harap ng apartment ko.
Nagmamadaling dinampot ko ang purse ko at lumabas na ako ng bahay.
Habang biyahe, patingin-tingin ako sa phone ko, pero hindi pa rin sumasagot si Clyde. Sinubukan kong idial ang number niya pero unattended naman ito. Pano na ‘to, masasayang na lang ba lahat ng effort ko?
Bigla akong kinabahan. Pano kung hindi siya dumating? Pano kung nakalimot siya, o kaya naman ay sobrang busy niya at wala na siyang time na icheck pa ang phone niya?
Pagdating sa restaurant ay agad na akong nagbayad sa driver at saka bumaba pagkatapos magpasalamat dito.
“Good evening ma’am. Do you have a reservation?” tanong ng isang waitress sa akin na tinignan pa ako mula ulo hanggang paa.
“Yes. Reservation for Sienna Rodriguez, please.” nang igiya niya ako papasok ay agad akong sumunod dito.
“Dito po, ma’am.” sa mesa malapit sa glass window niya ako pinaupo, at saka ako inabutan ng menu.
“Thank you.” nginitian ko siya. “Pero mamaya na ako oorder pagdating ng boyfriend ko.”
“Okay po.” sagot niya sa akin at umalis na. Maya-maya lamang ay dinalhan niya ako ng isang baso ng malamig na tubig.
I smiled at her gratefully, and then took a sip of my water. I checked my phone again to see if Clyde had already replied to my text, pero wala pa din.
I tried to call him again, and as usual, unattended pa rin ito. Don’t tell me, busy na naman siya dahil maraming pinapagawa ang daddy niya.
Ganoon palagi ang alibi niya. Maraming iniuutos ang daddy niya sa office kaya hindi siya nakakarating sa usapan namin. At kailangan niya daw sumunod para makuha niya na ang posisyon niya bilang CEO.
I didn’t mind waiting at him for the first hour dahil nag-eenjoy naman ako sa view ng madilim na dalampasigan na kumikislap sa iba’t ibang kulay ng mga ilaw sa labas.
Maganda pa rin ang mood ko at walang nagbago. Patuloy pa rin akong naghihintay sa kanya dahil naniniwala akong darating siya.
Baka natraffic lang o kaya naman naghanap pa ng mabibilhan ng bulaklak para isurprise ako.
Pero ang sumunod na isa pang oras na paghihintay ko ay nagsimula nang kumabog ang dibdib ko sa sobrang kaba at takot.
Nasaan na kaya siya? Pano kung may nangyaring hindi maganda sa kanya?
Nagtext ulit ako sa kanya at ipinaalalang nandito ako sa favorite restaurant namin at hinihintay siya para icelebrate ang aming second year anniversary.
It was already past nine in the evening at hindi lang ako ang naiinis kung hindi pati na rin ang waitress na pabalik-balik sa mesa ko at paulit-ulit na tinatanong kung oorder na ba ako.
“I’m sorry, Miss. Wala pa din kasi ang kasama ko. Mamaya na lang ako oorder.” paulit-ulit lang din ang sagot ko sa kanya, pero this time, mukhang naubos na rin ang pasensiya niya sa akin.
“Alam mo Miss, malapit na ang closing time namin. Iilan na lang kayong nandito, pero sila patapos nang kumain. Ikaw, hindi pa nakakaorder. Ano bang plano mo? Mukhang hindi na sisipot ang boyfriend mo.” inis na sabi niya sa akin. Iniwanan niya ako ng isang matalim na tingin bago siya tumalikod at umalis sa mesa ko.
Nanlulumong bumagsak ang mga balikat ko sa sobrang pagkadismaya. Hindi ko akalain na kayang gawin sa akin ni Clyde ito.
Sa sobrang hiya ko, tumayo na rin ako, pero nag-iwan ako ng tip na 100 pesos para sa waitress na nag-asikaso sa akin at inipit ito sa ilalim ng lagayan ng tissue.
Dali-dali na akong lumabas ng restaurant habang pigil-pigil ang luha kong malapit nang bumagsak.
Sakto namang may dumaang taxi paglabas ko kaya agad kong pinara ito. Pagpasok ko sa loob, biglang bumuhos ang malakas na ulan at napahagulgol na lang ako sa sobrang sama ng loob ko.
Pati ang panahon ay nakikisama sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
“Saan tayo, Miss?” tanong ng matandang driver.
“Fourth street po. Pasay.” matipid kong sagot, at nagsimula na siyang magdrive, pero mukhang may pagkamarites din ang driver, kaya tinanong niya ako nang makitang umiiyak ako.
“Iha, okay ka lang ba?” Mabilis na pinunasan ko ang luha sa aking mga mata. “Pwede mong sabihin ang problema mo sa akin, iha.”
Umiling ako. Hindi ako mahilig makipag-usap sa isang estranghero.
Nagpatuloy ako sa tahimik na pag-iyak, pero napatalon ako sa gulat nang bigla na lamang tumunog ang phone ko. Pagcheck ko ay agad nagliwanag ang mukha ko nang makitang sa wakas ay sumagot na si Clyde sa text ko.
“I’m sorry, but I can’t make it tonight. Ang daming pinapagawa ni daddy sa office.” At nagsend pa ito ng picture na nakaupo siya sa isang swivel chair sa loob ng office niya. May pahabol pang message. “Next time na lang tayo mag-celebrate ng anniversary natin.”