Chapter 04

1046 Words
-Sienna- I felt like my heart wanted to explode at that very moment. Binasa ko ng paulit-ulit ang message niya dahil pakiramdam ko ay may mali. Ni hindi man lang tumawag para magsorry sa akin. Hindi man lang ako binati ng happy anniversary. “Miss, baka gusto mong pumunta sa isang bar and restaurant na bagong open lang ng anak ng kumpare ko.” sabi ng taxi driver at inabutan niya ako ng isang calling card. “Siguradong mag-eenjoy ka diyan, try mo. Para naman hindi ka na malungkot diyan. Nakakapangit ang pag-iyak. Ikaw din.” Inabot ko ang calling card at binasa ang nakasulat dito. La Fortuna Bar and Restaurant. Napataas ang kilay ko. Fortuna is the Roman goddess of fortune, luck, and fate. Baka suwertihin ako sa pagpunta ko dito. “Pwede kang magsama ng kaibigan mo diyan, iha.” nakangiting sabi ng driver. “Siguradong mag-eenjoy kayo diyan. Maniwala ka sa akin.” Bigla kong naalala si Valentina. Why not? Pwede naman akong mag-enjoy kahit hindi natuloy ang date namin ni Clyde. Agad kong idinial ang number ni Val, pero same as Clyde, hindi rin siya sumasagot. I decided to text her. “Val, hindi ako sinipot ni Clyde. Pwede mo ba akong samahan sa isang bagong bukas na bar and restaurant? Sagot ko, promise.” Dito ko na lang gagastusin ang perang nakalaan sana sa celebration namin ng anniversary ni Clyde. At least dito, mag-eenjoy pa ako. Naghintay ako ng ilang minuto, pero hindi pa rin nagtetext si Val. Ano kayang nangyayari sa mga taong malalapit sa akin? Bakit kung kailan kailangan ko sila, saka naman sila nawawala. At bigla kong naalala na may date nga din pala siya. Pano na yan? Wala akong makakasama ngayong gabi. Hindi pwedeng ako lang ang mag-iinom mag-isa, at baka pagtripan ako ng mga lasing. “Manong, pakihatid na lang po ulit ako sa apartment ko.” sabi ko sa driver habang pinupunasan ang mga luha sa mukha ko. “Naku, nandito na tayo, iha.” bigla namang huminto ang sasakyan, at pagtingin ko nga sa labas ay nakita ko ang nagkikislapan at makukulay na ilaw sa labas ng bar. At ang pangalan nitong La Fortuna Bar and Restaurant ay napapalibutan ng mga ilaw kaya kitang-kita ito sa itaas. Bumuntong-hininga ako ng malalim. Wala na akong choice kung hindi ang bumaba at ienjoy na lang ang gabing ito kaysa ang magmukmok ako sa bahay. Sigurado namang mag-iiyak lang ako doon kapag maiisip ko na inindiyan ako ni Clyde. Nagbayad na ako sa driver. “Salamat po, manong.” “Enjoy ka lang, iha. Mawawala din ‘yang pagkalungkot mo.” nakangiting sabi niya, at tango lang at isang matipid na ngiti ang isinagot ko, bago ko itulak pasara ang pinto ng taxi. I blew out a breath as I stood in front of the establishment. Siguraduhin mo lang na swerte ka La Fortuna, dahil kung malas ka, isusumpa ko talaga na malugi ka. Pumasok na ako sa loob at halos mabingi ako sa lakas ng dagundong ng music sa speaker. Dali-dali akong naglakad papunta sa bar habang isinisiksik ang sarili sa mga taong nagsasayaw at nag-iinuman. Mabuti na lang at may isa pang bakanteng upuan sa bar counter, at hindi ko na kailangan pang maghanap ng sarili kong mesa. Naupo ako dito, at hinintay na kunin ng bartender ang order ko. Busy pa siya sa pagtimpla ng alak para sa customer na kahanay ko. At habang naghihintay, lumingon ako sa dance floor at pinanood ang mga sumasayaw. Napangiti ako. Kung nandito lang sana si Val baka kanina pa kami nagwawala sa dance floor. At ngayon ko lang narealize na sobrang tagal din palang hindi ako nakalabas. Palagi na lang akong bahay-trabaho. Hindi naman palagi nag-aayang mag-date si Clyde dahil sobrang busy din niya sa office. His father was training him to become the next CEO of their company, at inip na inip na rin akong mangyari iyon. Gusto ko na din talagang magpakasal sa kanya. “What’s your order, Miss?” sa wakas ay tanong ng bartender sa akin at agad akong umikot para muling humarap sa kanya. “One negroni, please.” nakangiting sabi ko sa kanya, at pinanood ko siya habang tinitimpla ito. Once he was done mixing it, he slid the glass filled with alcohol towards me. “Thanks.” I took a sip of it, hanggang sa nakalahati ko na agad ang baso. Nakaramdam agad ako ng pagkahilo. Siguro dahil ang last na kain ko ay kanina pang umaga. Brunch siya actually, dahil eleven na ako nagising. Napuyat ako sa pagpepaint kagabi. Balak ko din sana itong ibenta bukas sa online dahil nakalaan ang sahod ko sa anniversary namin ni Clyde, at siguradong wala akong panggastos sa mga susunod na araw. Pero dahil hindi niya ako sinipot, eh di may extra akong pera. Itatabi ko na lang ito para kapag nangailangan ako ay may madudukot ako. I was looking forward to eating dinner with Clyde, but I ended up starving myself. Pero sa halip na kumain, andito ako at nag-iinom. Ang isang order ay nasundan pa ng pangalawa, pangatlo, hanggang sa naka-anim na baso ako. “Oh my God!” napayupyop ako sa mesa. Ramdam ko na, na parang nakalutang ako sa alapaap. Makakauwi pa ba ako nito? Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ko nang mapalitan ang music. Dahan-dahang akong tumayo at naglakad sa dance floor. Wala na akong pakialam sa iba. Bigay-todo akong sumayaw at gumigiling-giling sa gitna kahit na wala akong kapartner. “Woooah!” malakas na sigaw ko habang umiindak at gumigiling. May tatlong lalaking lumapit sa akin at pinaikutan nila ako. “Hi, Miss. What’s your name?” tanong ng pinakamatangkad, pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagsasayaw. Hanggang sa naramdaman ko ang paghawak niya sa bewang ko at nagsimulang ikiskis ang bukol niya sa likod ko. Malakas na nagtawanan naman ang mga kasama niya. Inis na itinulak ko siya palayo, pero dahil naliliyo na ako, muntik na akong matumba, pero agad akong sinalo ng kasamahan niya at niyakap ako ng mahigpit mula sa likod. “Tara, dalhin na natin ‘yan. Mukhang masarap. Mag-eenjoy tayo nito.” narinig kong sabi ng lalaking humawak sa bewang ko kanina, at bigla akong nagpanic.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD