Chapter 43 Unang lumabas si Filipino, tapos si Ate AP. Sumunod si Kuya Math. Lalabas na rin sana ako nang huminto ako. Only a step away from the door. I can see the place outside the open door. Nakikita ko na yung gate ng academy, si Angela na nakalupasay sa lupa at ginagamot na ngayon ng isang doktor. Nakikita ko na rin yung mga trycicles at kotse na dumadaan sa harap nitong academy. Nakapark nga doon yung trycicle ni Mang Berting na karagkarag. Alarm clock ko nga iyan tuwing umaga. Naamoy ko na rin yung usok galing doon sa calenderia ni Aling Ising. My home. How I miss my home. Kapag lumabas na ako ng pintong ito, babalik na sa dati ang buhay ko. Magiging normal na rin ang lahat. Just one step. Isang hakbang na lang magiging ligtas na ko. But I step back. Tinalikuran ko ang pinto a

