Chapter 44 Itinabi ko muna si Fivo sa isang malaking bato sa tabi ng ilog. Nilaru-laro ko yung mga daliri ko sa harap niya at wala siyang reaksyon. Nabulag nga talaga siya. Pagtritripan ko pa sana siya pero gutom na gutom na ako. Napaharap ako sa ilog. Kinuha ko yung panyo ko na may print ng mga fried chickens. Kinuha ko yung ballpen ko sa bag at nilagyan ng supot yung mga fried chickens. Tinapon ko ito sa ilog. Tinapon ko ito sa ilog Sana magwork. Please. Sana magwork. Ilang segundo pa ang lumipas ay nagsisulputan na ang mga totoong fried chickens na nakabalot sa plastic. Yes! Siguro ang ilog na to ay parte din ng Living River na pinuntahan namin ni Billy dati. Agad agad kong kinuha yung mga fried chickens sa ilog at nung nakuha ko na ay bumalik agad ako kay Fivo na mukhang takot n

