Chapter 17 Inayos ko na lahat ng mga kailangan kong dalin sa bagpack ko. Parang may nakalimutan ako.. pero hindi ko maalala. "Ready to go. Scidea Lance?" "Yes Ate AP." Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. "Stay alive." "Hunger Games' Haymitch, ikaw ba yan? Haha! Of course. Hindi ko na sasabihin sa'yo na Stay Alive cause I know you will. Ikaw pa." "Masmalaki nga ang chance mo na mabuhay kaysa sa akin noh." Kumunot ang noo ni Ate AP sa akin. Pinag-aralan ako ng mga mata niya katulad ng lagi niyang ginagawa kapag binabasa niya ang ekspresyon ko. "May I know why?" "Ate AP, you were a yarn. Kaya mong sakalin ang mga kalaban mo sa pamamagitan lang ng yarn ng walang kahirap-hirap. Eh ako? Watch? Ano lang yung kaya kong gawin? Sabihin kung anong oras na? Tanghali na, kain na! Umaga na, gi

