Chapter 18 Ang bagal ng takbo ng oras. Hanggang ngayon naiinis pa rin ako. Nawala na lahat ng takot ko sa panganib na haharapin namin. Nawala na yung bigat ng responsibilidad ko. Ang tanging nararamdaman ko na lang ngayon ay inis. Inis sa mga insulto na sinabi niya sa akin kanina. Pag ako gumanda, who you siya sa akin! Pag ako naging sexy, maglaway siya! Kanina pa ako nakasandal dito sa puno na malapit sa beach house. Ang tagal kasi ng mga kasama ko. Ang kukupad. "Ano? sinabi mo yun sa kaniya!?" Boses yun ni Filipino. Nanggagaling lang yun sa di kalayuan. I don't mean to eavesdrop pero.. masnanaig ang curiosity ko. "Bakit mo ininsulto si Lance? Fivo, alam mong boto kami sa'yo para sa kapatid namin. Pero sa pang-iinsulto mo sa kaniya, matitikman mo ang kamao ko." Galit yun na boses ni

