Chapter 8

2030 Words
Chapter 8 I am thirty minutes earlier sa call time. I was a watch. I value time and I hate those people who waste it. Sobrang luma na nitong academy. Yung malaking FIER SCHOOL na nakasulat sa taas ay nalaglag na yung ibang mga letters. Kaya it reads as F___ ___OOL. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala sina Angela at Tery. Nandito kami sa labas ng academy. Ngayon na kami papasok. "Ale—Science, bakit parang desididong desidido ka na sirain talaga ang academy?" "Natrap na kasi ako diyan dati." Angela gasped beside me. "Talaga!? Oh My Gosh! Gaano katagal? Paano ka nakalabas?" "May nakasama akong lalaki na natrap din doon at nagtulungan kami para makalabas." "Yay! Sweet. Ganun yung mga nagkakatuluyan sa mga pelikula diba? Your knight in shining armor." Sabi ni Angela na nagdedaydream. "Nasaan na yung lalaki na yun? May communication pa ba kayo?" Tanong ni Tery. "Yup. Meron pa. Ex ko na nga siya ngayon eh." "Si Fivo!?" Sabay nilang sigaw sa akin. Ano bang nakakagulat sa sinabi ko? Sa huli di ko na lang sila pinansin, manloloko na naman yang mga yan. "At pagkalabas ko sa academy, nalaman ko na.. sinundan pala ..ako ni Papa sa loob." May luha na tumulo sa pisngi ko pero pinunasan ko ito agad. I hate to talk about this. Because every time I talk about a certain sad story, the exact feeling I felt when the memories happened, I'm feeling it all over again. But these two people deserve my honesty. Kahit ngayon lang. Eto lang ang honesty na maibibigay ko sa kanila sa kabila ng mga kasinungalingan ko. "Pinilit kong pumasok ulit pero hindi na ko pinayagan ng mga kapatid at Mama ko. Araw-araw akong naghintay sa academy, hinihintay na makalabas siya. Matapang na lalaki si Papa. Malakas siya. Alam ko na.. alam ko na dadating ang araw na makakalabas din siya doon. Halos hindi na ko kumakain. Naghihintay lang ako sa labas ng academy. Naghihintay lang ako sa pagbabalik niya. Hanggang napagdesisyunan ng pamilya ko na magmove na kami sa West. Tingin nila ay yun lang ang paraan para makalimot ako. Nagkaroon din ng family business sina Fivo sa West kaya nagmove din sila doon. And now that I found a way to enter this academy, I grabbed it. I will grab any open door to enter this place again. Yung handa na ko. Yung ready na." Muli kong pinunasan ang mga luha ko. Tahimik lang silang dalawa sa tabi ko na ipinagpasalamat ko. I want silence right now. Masakit pa rin pala. Those experiences are still wounds, not yet scars. Tumingin ako ng diretso sa academy. Habang tinitignan ko ito, hindi takot ang nararamdaman ko, kung hindi pag-asa. Pag-asa na baka hindi naman talaga namatay si Papa sa loob, baka buhay pa siya at natrap lang. Ito ang rason ko kung bakit gustong gusto ko ang misyon na ito. Akala ng lahat, gusto ko itong sirain para mabigyan ng justice si Papa. Iyon ang alam ng mga kapatid ko. Iyon ang alam ni Fivo. Iyon ang alam ng lahat. Tanggap na kasi nila na patay na si Papa, pero hindi ko pa tanggap. Siguro dahil alam ko na ako ang rason kung bakit siya nawala. Ako ang rason kung bakit ulila na kami ngayon. O siguro dahil umaasa pa rin ako na buhay pa siya. Hindi ko masabi sa kanila ang tunay kong plano, dahil hindi sila papayag. Para sa kanila, imposibleng tumagal ang isang tao ng ilang taon sa academy at mabuhay siya. Gusto nilang sirain ang academy para hindi na maulit sa ibang pamilya ang nangyari sa pamilya namin. At naiintindihan ko naman sila. Mahirap naman umasa na buhay pa si Papa. Kami lang din ang masasaktan. Pero gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mahanap siya. Hintayin mo ko, Papa. "Ui, Angela. Bakit natulala na si Science? Kausapin mo nga. Baka nasaniban." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Tery. "Ayoko nga noh! Ikaw na lang. Natatakot ako. Bigla-bigla na lang natutulala." "Kayong dalawa diyan, tumigil nga kayo! Nasa tabi niyo lang kaya ako. Naririnig ko ang mga panlalait niyo." May pumaradang kotse sa tabi namin at lumabas doon ang mga kapatid ko. They are three minutes earlier before eight. "Ate Science, wala pa ba si Kuya Fivo?" Tanong sa'kin ni Filipino. "Fivo? Sino yun?" "Sus. Ang bitter mo naman Lance." Panloloko sa'kin ni Kuya Math at inirapan ko na lang siya. "Kailan dadating si Fivo?" "Ate AP, bakit ba ako ang tinatanong niyo pagdating sa lalaking yun!?" "Duh!? Science, I'm just asking you because you were a watch? You know WHEN will he come. Bakit ba kasi iba ang pumapasok diyan sa isip mo?" Napabuga na lang ako sa hangin. Nakalayo nga ako sa gang na mahilig manloko, pinalitan naman ng mga kapatid ko. "In ten seconds, he'll be here." Tumingin ako sa gate ng academy. Hindi ko ginamit ang kapangyarihan ko. I don't know what's with the ten-seconds-he-will-come-here thing. Well, old habits die hard. "10..9..8..7..6..5..4..3..2..1" Right after I said number one, pumasok si Fivo sa gate ng academy na nagmamadali. Kinaskas ko yung mga palad ko. Ito na, papasok na kami sa academy. Tahimik kaming lahat. Alam kong kinakabahan din sila. Protect us, Lord. "Let's go." Sinundan nila ang lead ko hanggang nasa harapan na ako ng isang pinto. There's no turning back. Huminga muna ako nang malalim at pinihit ang doorknob. And together, we enter a place where no one dared to enter. ~~ Pagkapasok namin sa loob, nawala na yung pinto kung saan kami nanggaling at napunta kami sa isang zoo. Bakit sa zoo!? Nakakakita na naman ako ng mga kalahi ni Fivo. Hindi makapaniwala yung ekspresyon ni Angela. "Wow! This is so incredible!" "Ugly." I interjected. "Uh.. ah.. yeah. Incredibly ugly." Biglang nagkagulo lahat ng mga tao. Tumatakbo sila sa iba't ibang direksyon. Sumisigaw lang silang lahat ng tulong. Huh? Bakit? Huli na nang malaman ko nakawala yung mga leon sa kulungan nila dahil hinahabol na ako ng isa. Bad trip! Masmabilis siya sa'kin! Kung hindi ako makakatakas, Makakagat niya na ang binti ko. Tumatakbo ako palayo sa zoo pero nararamdaman ko pa rin yung leon sa likod ko. Naririnig ko pa rin yung ungal ng leon na gutom na gutom. Nanginig ang buong katawan ko sa takot. Masbinilisan ko pa ang pagtakbo, hindi ako makapag-isip nang matino. Nasa likod ko pa rin yung leon. Nanghina na yung mga tuhod ko sa sobrang pagod. Napasigaw ako nang kagatin ng leon yung binti ko. "Ah! Get off me!" "Sshhh.. Science. Shh.." Natigilan ako nang makita ko si Fivo na hawak yung binti ko. Sa likuran niya ay patay na leon. Punong puno ng karayom yung katawan ng leon, paniguradong kagagawan to ni Filipino. At may nakapalibot na yarn sa katawan ng hayop na nanggaling kay Ate AP. Nakahinga ako ng maluwag, akala ko talaga mamamatay na ko. "That was too close. Okay ka lang ba Science? Don't do that again! Papatayin mo ko sa kaba." Bigla akong kinabig ni Fivo sa isang yakap. He squeezed me, hard. "Fivo.." Hinaplos niya yung buhok ko. A part of me is telling me to push him. Another part is telling me to.. not let him go. Hindi ako makagalaw. "Don't scare me please. I thought I will lose you again." Patuloy pa rin niyang hinahaplos yung buhok ko. "Sorry." Yun lang ang nasabi ko at humiwalay na sa yakap niya. I feel disappointed in what I've done. Parang biglang lumamig yung paligid nang nawala ako sa yakap niya. "Lance, if you want, magpahinga muna tayo." "Thanks for the suggestion Kuya Math. But I'm fine. Wala tayong dapat sayangin na oras. Kaya mo bang ituro sa amin kung nasaan ang Two Rivers Club ngayon? Doon tayo makakahanap ng sagot." Sagot kung nasaan si Papa. "Compass at your service!" Sumaludo pa si Kuya Math. Pumikit siya sandali at nagconcentrate. "Malayo pa dito ang Two Rivers Club. Aabutin pa siguro tayo ng ilang mga linggo. Wala akong makitang shortcut." "Ayos lang Matthew. Follow the lead at susundan ka namin." Mahilig kaming tawagin ni Ate AP sa buong pangalan namin pero ayaw niya yung buong pangalan niya. Hindi ko siya masisisi. Apple Pie? Pfft. Kainin ko siya diyan eh. Sinundan lang namin si Kuya Math hanggang sa mapunta kami sa harap ng isang building. Pumasok kami sa loob at parang may audition. "Anong meron?" Tanong ni Angela sa tabi ko. "Lapit tayo para malaman natin." Suggest ni Tery kaya lumapit kami. Nanlaki ang mga mata ko sa nakikita ko. Yung cast ng Hunger Games nakaupo at nakapalibot sa long table. Gosh! Fan ako ng mga to eh! "Oh my gosh! Si Katniss yun oh! Si Peeta! Magpapa-autograph ako! Yung cast ng Hunger Games! Nakita ko na sila sa personal!" Tumili-tili ako pero pinitik lang ni Kuya Math yung ilong ko. "Nasa loob ka lang ng academy. Hindi sila ang totoong cast ng Hunger Games. Spell lang ang lahat ng ito Science." "Kahit na pa.." Tinitigan ko lang si Jennifer Lawrence na gumaganap as Katniss Everdeen, ang ganda talaga niya. Kaya ko siya naging girlcrush eh. Napakafunny niya pa at napakadown to earth. Pag ako naging lalaki, lilipad ako sa Hollywood at papakasalan siya. Yay! Ang ganda-- "Ang pangit ni Jennifer Lawrence." Doon nawala lahat ng pagdedaydream ko. Alam na alam talaga ni Fivo kung paano sirain ang araw ko. "Ano bang problema mo kay Jennifer Lawrence?" Mahinahon kong tanong sa kaniya at tinignan siya nang masama. Naagaw ni Effie Trinket ang atensyon namin nung pumunta siya sa harap. "Happy Audition Day! And may the odds be ever in your favor!" Tsaka niya inexplain ang mga dapat naming gagawin. Mag-o-audition kami para sa isang film. Bibigyan kami ng iba't ibang scripts at mag-aact sa harap ng cast. Isang boy at isang girl ang kailangan. Kung sino ang makukuha, may premyong trip sa Moonshade Island. "That is what we need!" Sigaw ni Kuya Math sa tabi ko. "Kuya, wala tayong panahong magbakasyon. Kailangan nating makakita ng paraan para mawasak ang paaralang ito." Pangangatwiran ni Filipino. "Diba sabi ko sa inyo ilang linggo pa bago natin mahanap yung Two Rivers Club." "Pero hindi ibig sabihin nun ay maglilibang na lang tayo Kuya. Maging responsable ka nga! Masmatanda ka sa'kin pero masbatang isip ka!" Pagalit na bulyaw ni Filipino. "Patapusin ninyo muna kasi ako. Katulad ng sinasabi ko, ilang linggo pa bago natin mahanap yung Two Rivers Club. Pero kung bibigyan nila tayo ng free ride papunta sa Moonshade Island, it will serve as our shortcut. Makakarating tayo sa Two Rivers Club in just a few days. Think about it." Napahiya si Filipino. Tatawanan ko sana pero baka masmapahiya si Bunso. May point si Kuya Math. Well, siya ang compass sa amin. Siya ang masnakakaalam. Humingi kami ng script kay Effie Trinket. Tumili pa ko nung nilapitan ko siya. Sana nagbaon ako ng camera. "So the question is.. sino ang mag-o-audition? I'm not good at acting. Sorry." Tsaka tinaas ni Ate AP yung mga kamay niya as if saying Do-this-by-yourself-bye. Napatingin ako sa cast. Mapapansin ako ni Jennifer Lawrence kung sakaling mag-aact ako. Pagkakataon ko na to. "I volunteer!" Ginaya ko pa yung tono ni Katniss Everdeen. Excited na talaga ako pero nawala yung excitement ko nung may nagsalita na kumag. "Good decision. You're a good liar. You can act. You can pretend." "Alam mo, kung wala kang magandang sasabihin. Pwede tumahimik ka na lang?" Tsaka ko inirapan si Fivo. "Kuya Math, samahan mo ko. Tayong dalawa na lang yung mag-act. Nag-aact ka naman sa mga play niyo sa school dati." "Okay.. depende sa role. Kung magboyfriend tayo diyan, I will NEVER accept the role. Kapatid kita and that's gross." "Call. Ganito na lang kung sino ang may pinakamalapit ang personality niya sa role, siya ang mag-aact. Call?" "Call." Sabay-sabay silang pumayag. Binuksan ko na yung script. Sana talaga magkapatid ang role ng dalawang characters. Paniguradong panalo na kami ni Kuya Math pag ganon. O kaya pwede ring makata, para effortless na si Filipino. Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko sa script. Halos mabitawan ko na yung script. "What!? Bakit mag-ex yung dalawang characters!?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD