Chapter 7
Dumiretso agad kami sa conference room ng bahay. Nagpaalam si Fivo na pupunta muna sa CR. Like what I said, after 5 minutes, dumating na rin si Sir Loki. Nagulat siya sa presensya nina Angela at Tery.
"Sir Loki. This is Angela. This is Tery. They will be a part of this mission."
"But.."
"Don't worry. They will be my responsibility."
"Okay. If that's what you want. And.. kasama ko ngayon ang mga makakasama mong agents for this mission. Guys! Come in!" Tawag ni Sir Loki sa labas at isa-isang pumasok ang tatlong taong iyon. Literal na nahulog ang panga ko.
"Ate AP? Kuya Math? Filipino? Oh my gosh!" Patakbo akong lumapit sa kanila at niyakap silang tatlo. Halos isang buwan ko na silang hindi nakakasama. Words can't express how happy I am to see them.
"Surprise Lance?" Ngising tanong sa akin ni Kuya Math. Mahilig kaming tawagin ni Kuya Math sa second name namin, palibhasa siya lang ang walang second name sa aming apat.
"Of course! Gosh! Hindi niyo man lang ako ininform!" Tsaka ko sinuntok yung braso niya.
"It's not a surprise if we inform you." Pangangatwiran ni Ate AP. Tsaka niya ako pinalo sa pwet.
"Well, I'm sorry to disturb your family reunion, pero kailangan na nating magsimula. Science, take the floor."
Nadisappoint ako sa sinabi ni Sir Loki. Pero kapag oras ng trabaho, oras dapat ng trabaho. Humiwalay muna ako sa mga kapatid ko at umupo kami sa mga upuan na nakapalibot sa isang malaking round table. Nagsimula na kong mag-explain.
"We all know na hindi ordinaryong paaralan ang Fier Academy. Halos lahat ng nakakapasok doon ay hindi na nakakalabas. Ako mismo, muntikan ng.. ma.. matrap sa loob nun." Huminga ako nang malalim at napapikit. Ayoko nang maalala. Bakit ko pa kasi nasabi? "Kapag nakapasok ka doon, hindi chairs and blackboards ang sasalubong sa'yo. Para bang, mapupunta ka sa ibang mundo."
Hindi pa ko tapos mag salita ay pumasok na si Fivo sa loob at naupo sa tabi ni Filipino. Bigla akong kinabahan. Bigla akong naconscious. Bakit ganito yung epekto niya sa akin?
"A-ang goal n-natin.. d-doon ay p-para m-makita.. ng p-paraan n-na .. m-mawasak a-ang .. a-academy." Bad trip bakit ako nabubulol? Bakit ganito na lang ang epekto ng presensya niya?
"Fivo, ikaw na ba yan?" Tanong ni Ate AP nung nakita niya si Fivo.
"Ate AP? Nice to see you again. Maslalo kang gumanda." Lumapit si Fivo kay Ate AP at nagyakapan sila.
"Bro, laro ulit tayo ng basketball next time." Tsaka nagfist bump sila ni Kuya Math at ni Filipino. Sa bahay kasi mismo nanligaw si Fivo dati, kaya wag na kayong magtaka kung close sila. Huminga ako nang malalim at tinuloy na lang ang pagsasalita.
"M-mapanganib a-ang a-academy.." Bakit nabubulol na naman ako? Bakit ako kinakabahan at natatakot? Ano naman kung nakikinig siya sa akin ngayon? Ginagawa naman na namin ito dati. Nakasama ko naman na siya sa agency dati.
Then it hits me.
Gagawin namin yung mga dati naming ginagawa. Babalik yung dati. Natatakot ako na baka hindi lang yung trabaho namin ang babalik. Kinakabahan ako na baka bumalik yung dati kong pagtingin--- Stop it, Science.
Umiling na lang ako at kinompose ang sarili ko. Ano ba tong iniisip ko?
Just explain, mouth. And please don't stutter. Understood, mouth?
"Sabi ni Rake, enchantment ang bumabalot sa lugar. Natural enchantment din ang makakawasak doon. At noong natrap si Rake sa loob ng academy, meron silang naencounter na bar, Two Rivers Club. Sabi niya pwede tayong makahingi ng sagot doon."
"So kung nakita natin yung Two Rivers Club, for sure tatanungin natin doon kung paano mawawasak ang academy?" Tanong sa akin ni Filipino. Yes, that's the thing that we should do. But I have other plans. I'm sorry brother for betraying you in the near future.
"Yes. Yun ang gagawin natin. Pero pwede bang ako ang magtanong sa Two Rivers Club?"
"Sure Scidea Lance, ikaw ang nagpakahirap sa misyong ito. You deserve the honors." Nakangiting sabi sa akin ni Ate AP.
"Salamat Ate. And also remember guys, kapag nasa loob tayo, please walang hihiwalay. I've been investigating that place for 2 months. At napag-alaman ko na merong 20 doors ang academy. Wala ring signal sa loob so please, wag na kayong mag-abala na magdala ng gadgets. Yun lang ang sasabihin ko." Pagkatapos kong magsalita, si Sir Loki na ang nagdiscuss.
"Sorry kung biglaan. May pumasok kasing magkapatid sa academy at hindi pa sila nakakalabas. I think kung bibilisan natin ang operasyon, baka marescue pa sila. By the way, their names are Billy Dimaculangan and Barbie Dimaculangan."
"Barbie? Yun ba yung nagkaka-crush sa'yo Fivo?" Tanong ni Angela at naningkit naman ang mga mata ko. May nagkakacrush sa kaniya? Bakit hindi ko alam? Well, wala naman akong pakialam.
"So as I was saying, rescue those kids if you can. Pero mas-iprioritize niyo ang pagwawasak sa academy. We will go here not because of our personal motives, but for Torniquo." Natamaan ako sa sinabi ni Sir. "Ibibigay ko ito sa inyo as your communication device. Itong earpiece ilagay niyo sa tainga niyo. At eto namang microphone iipit niyo sa neckline ng shirt niyo." Yung microphone na binigay niya sa amin ay maliit lang. kasing liit ng kuko ko at color black. Microphone ba talaga ang tawag dito? Hmmm.. hindi ko alam.
"Example, nagkahiwalay si Science at si Fivo." Naningkit ang mga mata ko kay Sir Loki. Anong ibig niyang sabihin? "Wag mo kong tignan ng ganyan Science. Hindi yung break up ang tinutukoy ko. I mean if ever na nagkahiwalay kayo sa loob ng Fier Academy at gusto mong tawagan si Fivo.."
"Ayoko siyang tawagan."
"If ever lang. Sasabihin mo lang sa microphone ang pangalan niya at tutunog ang earpiece ni Fivo. Pipindutin lang ni Fivo yung button sa earpiece para sagutin ang tawag ni Science. Para i-end ang relationship.. I mean i-end ang call, pipindutin lang ulit yung button." Nagpipigil ng tawa yung mga kasama ko. Ako na naman ang napagtripan, bad trip.
"Eto naman jacket. Bulletproof yan at ipress niyo lang yung button sa gilid ng zipper, magiging life vest siya."
"Magiging lifevest? Bakit marami bang dagat dun?" Tanong ni Fivo at kahit itago niya pa, alam kong natatakot siya. May aquaphobia kasi siya. Takot siya sa tubig. Napangisi ako at ako ang sumagot sa tanong niya.
"Yes. Actually there is a big chance na may sampung dagat tayo na maeencounter, limang ilog, dalawang falls at tatlong lawa. Ganoon karaming anyong tubig ang pwede nating maencounter sa loob ng academy." Nakita ko ang paglunok ni Fivo. Hindi naman talaga totoo ang mga sinabi ko. Gusto ko lang siyang takutin. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para magpigil ng tawa habang tinuloy na ni Sir Loki ang pagdidiscuss niya.
"Nireport sa akin ni Science na iba-iba ang maeencounter niyo dun. Maganda na ang handa. So dahil ngayon palang kayo nagkakilala, gusto ko na magpakilala kayo sa isa't isa. Lalo na ang mga abilities niyo."
"Hello! I'm Angela Oink. I was a pig in my past life. Wala akong masyadong skills pero marunong akong maghanap ng pagkain. Alam ko yung mga hayop na dapat kainin sa hindi, alam ko yung mga plants na pwedeng kainin sa hindi. Sana wag niyo akong lechunin kung magugutom tayo doon."
"I'm Tery. I was a water in my past life. Kaya kong kontrolin ang tubig. Kaya ko ring magproduce ng tubig by just pointing my forefinger."
"Angela is good at food and you're good at water. Bagay." Panloloko ni Kuya Math at biglang uminit ang ...ulo ng dalawa.
"Excuse me I already have a boyfriend/Firey is my girlfriend." Sabay na sabi nila at binawalan kami ni Sir Loki.
"We're running out of time. Fivo, continue."
"I'm Fivo Cipriano. I was a calculator in my past life. I can compute everything within a second. Magaling din ako sa anggulo and of course, numbers."
"Ako nga pala si Philip Niño Pearson. Pero Filipino na lang ang itawag niyo sa akin. Labing anim na taong gulang. Ako ay isang karayom sa nakaraan ko. Kaya kong maglabas ng mga karayom na pwedeng umatake kapag nagkaroon tayo ng mga kalaban." Hindi niyo talaga maririnig si Filipino na magsalita ng English.
"Matthew Pearson over here. Pero Math na lang. 22 years old. I was a compass in my past life. Kaya maaasahan niyo ako sa direksyon."
"I'm Apple Pie Pearson. You can call me AP. 23 years old. I am the oldest of the Pearson siblings. I was a yarn in my past life. Kaya kong kumontrol at maglabas ng yarn sa katawan ko." Pagkatapos nilang mag-introduce ay humarap silang lahat sa akin. Akala ko hindi na ko magpapakilala dahil kilala naman nila akong lahat.
"I'm Scidea Lance Pearson. You can call me Science. I was a watch in my past life. I can determine time. Pero.. may mga bagay na hindi ko nadedetermine kung kailan mangyayari. I can only determine time in a span of 24 hours."
"Including ten seconds?" Naningkit ang mga mata ko kay Fivo. Why brought that up?
"Yes. Like ten seconds." Hindi ko binitawan ang tingin ko sa kaniya.