Chapter 6

1258 Words
Chapter 6 "Ka..kanina pa ba .. kayo diyan?" Napatingin ako kay Fivo and he just gives me an encouraging nod. A nod saying that I should end all these lies. "Sino si Scidea Lance Pearson?" Tanong ulit ni Tery. Napahinga na lang ako nang malalim. "Ako si Scidea Lance Pearson." "Hahaha!! Aleah Diaz, wag ka ngang nagjojoke diyan." Tumawa silang lahat sa sinabi ni Angela. "Hindi ako nagbibiro." Natahimik silang lahat at naghihintay ng susunod kong sasabihin. "I am not Aleah Diaz. I am never her. The agency just gave me that name. I am Scidea Lance Pearson, an agent. Lumipat lang ako dito para imbestigahan ang academy. As soon as natapos ang pakay ko dito, babalik na ko sa West Torniquo." Nilabas ko yung ID ko at ipinakita sa kanila. Nakalagay doon ang pangalan ko Nakalagay doon ang pangalan ko. Scidea Lance Pearson. Gulat pa rin ang mga ekspresyon nila at hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko. Sinubukan kong pagaanin yung atmosphere. "Masyado bang mahaba ang Scidea Lance? You can call me Science. Nickname ko yun. Haha." Pero unti-unting napalitan ang ekpresyon nila ng pagkagalit. "Hanggang kailan mo pa kami niloloko?" Mariin na tanong sa akin ni Rake. "Rake, intindihin natin ang sitwasyon niya." Inaawat ni Cyker si Rake. Napayuko na lang ako. Naiintindihan ko naman kung nagagalit sila sa akin ngayon. Kasalanan ko rin naman to. "Akala ko pa naman kaibigan ka namin." Napatingin ako kay Atum. "Kaibigan niyo ko Atum." "Meron bang kaibigan na sinungaling?" Doon na bumuhos ang luha ko. "If I'll publish all your lies, how thick your book will be? Huh, Aleah? Oh, I mean Scidea." Pati si Firey, galit sa'kin. "Is this your birthday gift to me?" "Guys, pakinggan niyo naman si Al—Science. I was also an agent before. May rason siya kaya tinago niya ang tunay na pagkatao niya sa'tin." Hinawakan ni Fivo yung kamay ko. Pilit ko tong inaalis pero mahigpit yung pagkakahawak niya. "Kung natanggap natin si Aleah. Hindi ba natin kayang tanggapin si Science?" "I'm sorry." Yun lang ang mga salitang lumabas sa bibig ko kahit ang rami kong gustong ipaliwanag. "Sorry, yun lang? After all the lies? Sorry lang?" Lalapit na sana ako kay Firey pero natigilan ako sa sampal ni Angela. Tila ba nabingi ang tenga ko. Lahat kami natahimik. Hindi ko.. hindi ko inaakalang masasampal niya ko. "That's too much!" Hinila ni Fivo ang kamay ko tinago niya ako sa kaniyang likuran. "Too much? Kulang pa nga yun. Wag ka nang magpapakita sa amin Aleah, Science o kung sino ka man. Wag na wag ka nang magpapakita sa'min!" Walang nagsasalita sa amin hanggang.. Hanggang tumawa silang lahat. Tumawa? Huh? Bakit sila tumawa? "Sorry na Science. Medyo nadala ako sa acting ko eh. Okay na ba yung pisngi mo?" Nilapitan ako ni Angela at hinaplos yung pisngi ko na sinampal niya. "That's too much, Angela." Pagalit na sabi ni Fivo sa kaniya. "Sorry na." "Ang tagal na kitang gustong tawagin sa totoo mong pangalan, Science. Haha!" "Sorry hah. Gusto ka lang talaga naming pagtripan." "Ikaw kasi, ang tagal mo pa bago umamin." Natigilan ako sa mga pinagsasabi sabi nila. Alam nila? Paano? "Hindi kayo galit? Paano niyo nalaman?" Nabunutan ako ng napakalaking tinik sa lalamunan. Sa wakas, hindi ko na kailangang magsinungaling sa kanila. Tanggap nila kung sino ako. "Sinabi sa amin ni Fivo ang lahat. Actually, nung una ka palang niya makita kwinento ka na niya sa akin. Nagulat nga kami na Aleah Diaz ang pakilala mo sa amin eh. Bukambibig ka kasi talaga noon ni Fivo." Namula ang pisngi ko sa sinabi ni Atum. Fivo is talking about me? Napatingin ako sa kaniya na nag-iiwas ng tingin. Papasalamatan ko na sana siya pero biglang nagring ang phone ko. Lumayo muna ako sa kanila bago sinagot ang tawag ni Sir Loki Lumayo muna ako sa kanila bago sinagot ang tawag ni Sir Loki. (Nakumbinsi mo na ba si Fivo?) Eto ang unang beses na tinanong to sa akin ni Sir Loki at napangiti ako. "Nakumbinsi ko na." Proud kong sabi sa kaniya and I'm preparing myself to hear his compliments. (We will start the operation by tomorrow morning.) "WHAT!? Are you kidding me? Bukas na agad? Ni hindi ko pa nga naeexplain kay Fivo! Hindi pa nga natin nalalaman kung sinu-sino pa yung mga agents na isasama sa mission na to. Tell me you're kidding, Sir Loki." I feel my cheeks burn. Kahit ilang months ko na ginugol yung sarili ko para dito, hindi pa rin ako handang pumasok ulit sa academy. (Ako na ang bahala sa iba pang mga agents na sasama. Do you know the Dimaculangan siblings?) "Yeah Billy and Barbie." Billy was my long time suitor at kapatid niya si Barbie. From her name, Barbie was a barbie doll in her past life. Pretty face, sexy body and long straight hair. Sikat siya dahil sa malamodel niyang mukha. (May nakakita sa kanila. Pumasok daw sila ng academy kanina at hanggang ngayon, hindi pa sila nakakabalik. Kung idedelay pa natin tong misyon, baka masmarami pa ang mapahamak. Papunta na ko diyan sa Central. Pupuntahan kita sa bahay ko na pinahiram ko sa'yo.) This should be my mission, to destroy the academy. But I have another plan. I'm sorry, Sir Loki. "Okay. Pupunta kami doon five minutes before your arrival." Pinuntahan ko kaagad si Fivo na nakikipag-usap sa mga kaibigan ko. "Fivo. We need to go." Nagulat silang lahat sa pag-aaya ko kay Fivo. "Uii.. sabi ko na nga ba, nagkabalikan na kayo." Panloloko ni Atum pero wala ako sa mood na makipaglokohan ngayon. "Kasama ko siya sa pag-iimbestiga sa academy. Nagkaroon ng emergency. Bukas na namin sisimulan ang operasyon at kailangan naming mag-usap-usap para doon. I'm sorry Angela but we need to go." "Then let's go!" What? Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin. "Ang rami na nating pinagsamahan Science. Handa akong tumulong sa'yo. Bakasyon naman, maiintindihan ng mga magulang ko kung mawawala ako." "Pero Angela, hindi ako papayag. Mapanganib ito. Paano na ang mga magulang mo kung may mangyaring masama sa'yo?" "Birthday gift mo na sa'kin ito Science." "Ako rin sasama." Nagulat ako kay Tery. Halos maiyak na rin ako. What did I do to deserve friends like them? When what I do is just lie. "I'm sorry Science, hindi ko kasi pwedeng iwan si Grandpa." Paumanhin ni Rake at naiintindihan ko yun. Ulila na si Rake, katulad ko. At ang lolo na lang niya ang kasama niya sa bahay. "Sorry din Science, walang mag-aalaga kay Terrence kapag umalis ako." Patay na rin ang nanay ni Cyker. Yung tatay niya nabaliw. At siya na lang ang mag-isa na nag-aalaga sa kapatid niya. "Guys, okay lang talaga. Huwag niyo kong alalahanin. Promise. Napakalaking tulong na nga na sasama sina Angela at Tery. Salamat talaga. Pero we need to go. Marami pa kong gustong ipaliwanag sa inyo pero, we're running out of time." Tumango sila at naiintindihan naman nila iyon. Niyakap ko sila isa-isa. Pero may isang tao akong hindi niyakap. Alam niyo na kung sino yun. Sumakay na kami sa kotse ko. Wala kasi silang sasakyan. "Hindi ako makapaniwala Science. Sa wakas, hindi mo na kailangang magtago sa amin." Napangiti ako sa sinabi Angela. Hindi ako makapaniwala na tinanggap nila ako agad. Kung ako ang nasa posisyon nila, magagalit ako. Madali akong mawalan ng tiwala at mahirap akong magpatawad. I don't deserve these great people around me. "Ako rin Angela. Sa wakas, hindi ko na kailangang magsinungaling sa inyo." But I know deep down, I still have many lies to spit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD