Chapter 3
Sabi ni Fivo hintayin ko raw siya sa corridor pero ang tagal naman niya. Tumingin ako sa langit at nagbilang ng ten seconds. I know he'll be here in ten seconds. Hindi ko ginamit ang kapangyarihan ko. Wala ring kinalaman ang pagiging watch ko sa past life ko. Basta pag si Fivo, alam kong ten seconds lang, pupunta na siya sa'kin. Malakas lang ang kutob ko na hindi niya ko bibiguin.
10 9 8 7 6 5 4 3 2 1..
"Waiting for me?" Napangiti ako sa boses niya na nagmula sa likuran ko. I told you it only takes ten seconds.
"Hindi kaya noh." Tsaka ko siya hinarap at nagulat sa dala niyang tulips at donuts.
"Wow! Para sa'kin tong donuts at tulips, Fivo?"
"Yup."
"Alam na alam mo talaga ang mga favorites ko. Thank you. Bait mo tal--"
"I love you." Napatigil ako sa pagsasalita at napatingin sa mga mata niyang malalambing.
"Fivo.."
"I love you." Bigla siyang lumuhod sa harapan ko at naglabas ng singsing.
"Will you be my girl?"
"Yes."
Napabangon ako sa kama ko at naramdaman kong basa na naman ng luha ang unan ko. Pati ba naman sa panaginip, hindi niya ko tinatantanan.
~~
Naglilinis ako ng kwarto ko nung napahinto ako. Napatingin ako sa nakabukas na maliit na box ng singsing na nakalagay sa bed side table ko. Kinuha ko ito kaninang napanaginipan ko na naman siya. Kapag kasi katabi ko tong matulog, my dreams are peaceful. Pero pagnawala na ang singsing sa tabi ko, my nightmares about him keep on hunting me. Wala akong choice kung hindi itabi sa'kin ang singsing na to. I sit on my bed, glancing at the ring that person gave me. I want to throw it, sell it to the pawnshop, anything to keep me away from it. But I know even if I throw it away, it will never truly go. It will always stay in my memory. It will not let me escape. It will always remind me of the happiest day of my life. It will always remind me of him.
Sunud-sunod na naman na doorbell ang narinig ko.
"Aleah! Lumabas ka na diyan, magbayad ka na ng utang mo! Wag mo kong takasan!"
"Aleah! Miss ka na raw ni Fivo mo! Labas ka na!"
"Aleah! Labas ka na! Makikipagbalikan na raw si Fivo!"
"Aleah! Kiss me! Kiss me! Mwah! Mwah!" Ahh.. This one is Cyker's voice.
Bakit nandito na naman yung mga yun!? Porket ba bakasyon eh liwaliw talaga tong mga lakwatsera't lakwatsero na mga to! Ako pa ang inistorbo!
Agad ko silang pinagbuksan ng pinto.
"Bakit ako na naman ang inistorbo niyo?!" Pagtataray ko sa kanila.
"Nice to see you too, Aleah." Note the sarcasm in Atum's voice. At pumasok na sila sa bahay ko kahit hindi ko pa sila pinapapasok.
"Sorry na bored kasi kami—Ui! May family picture ka pala dito." Tsaka pinuntahan ni Tery yung picture naming magkakapatid.
"Sino tong mga to, Aleah?" Tanong ni Angela.
"Etong babae na short hair, si Ate Apple Pie. AP for short. Eto naman, si Kuya Matthew. But you can call him Math. Eto si Philip Niño. Filipino ang nick name niya. Masbata ng dalawang taon sa'kin."
Tinuro ni Firey yung picture ko.
"Eh, eto? Sino to?" Bago ko pa siya sagutin, sinagot na ni Tery yung tanong niya.
"Yan yung ex ni Fivo diba?"
"Ha-ha. Nakakatawa Tery." Tsaka ko siya inirapan.
"Pero Aleah bakit puro subjects yata yung pangalan ng mga kapatid mo. Bakit pangalan mo lang yung naiiba?" Natuyo yung lalamunan ko sa tanong ni Angela. Hindi ko alam kung paano sasagutin.
"Ah.. eh.. kasi..ano eh.."
"Baka naman kasi hindi talaga Aleah ang pangalan niya." Nabigla ako sa biglaang pagsagot ni Fivo. We are the only ones who know my real name. Pinaplano niya ba na ibuking ang sikreto ko sa harap ng mga kaibigan namin?
"Rake, pakisabi nga diyan sa katabi mo hindi siya ang tinatanong. Maghanap siya ng kausap niya."
"Fivo, maghanap ka raw ng sarili mong kausap."
"Pakisabi nga rin sa babaeng yun Rake na nagsasabi lang naman ako ng conclusion doon. Anong problema niya?"
"Aleah, nagsasabi lang daw siya ng conclusion niya. Ano raw problema mo?" Pagpapasa na naman ni Rake ng mensahe sa akin ni Fivo.
"Siya ang problema ko. Pakisabi nga iyon."
"Ikaw daw ang problema niya Fivo--Sandali nga lang! Kayo na lang kaya mag-usap! I was not a telephone in my past life for goodness sake." Padabog na lang akong umupo sa sofa na hindi inuupuan ni Fivo. Nakakainis.
"Alam niyo, kayong dalawa ayus-ayusin niyo na nga yang relasyon niyo. Napaghahalata kayo na gustong gusto niyong balikan ang isa't isa." Panloloko ni Cyker.
"Hindi namin gustong balikan ang isa't isa!" Sabay naming sigaw ng kumag.
"Gustong balikan ba ang nasabi ko? Sasabihin ko sana ayaw nang balikan. Sorry nagkamali." Nantritrip na naman sila. Buti na lang at iniba ni Angela yung topic.
"Ang laki ng bahay mo Aleah. Tara, tagu-taguan tayo!"
"Sa taba mong yan, panigurado madali kang mahahanap." Piningot naman ni Angela si Tery sa sinabi niya. Angela was a pig in her past life so don't be surprise for her weight and eating abilities. Nagiging pink din ang kulay niya pag nakakaramdam ng matitinding emosyon. Tery was a water. He can control water. Kaya niya ring maglabas ng tubig by just pointing his forefinger. Nag-iisip na nga siya kung magpapatayo na ba siya ng sarili niyang water station.
Pinayagan ko na rin silang magtagu-taguan sa bahay. I want to enjoy being with them for now. Cause I know that once I enter the academy, the real danger begins. The real adventures start. At kapag natapos ko na yung misyon ko, I will go back to West. I will already leave them.
"Maiba taya!" Nag-alis konti kami hanggang si Atum ang mataya. Atum was a dolphin in her past life. She can hear upto 160 kHz. Paniguradong maririnig niya ang mga yapak namin at mahahanap kami agad. Ayoko munang gamitin ang kapangyarihan ko sa oras. Malalaman ko kung kailan ako matataya. Wala ng thrill pagganon.
Nagtago ako sa ilalim ng lababo. Buti na lang may kurtina na nakatakip dito. Naririnig ko na yung mga yapak ni Atum. Napatakip ako sa bibig ko para hindi ako makagawa ng ingay. Muntikan na kong mapasigaw sa gulat nang marinig ko ang boses niya.
"Boom Cyker! Save!"
"Kaasar naman."
"Ang galaw mo kasi sa pinagtataguan mo. Narinig tuloy kita."
"What!? Halos na estatwa na nga ako dun. Narinig mo pa!?" Rinig kong pagrereklamo ni Cyker.
"Boom Firey at Tery! Save!"
"Boom Angela! Save!"
"Boom Rake! Save!"
Halos lahat na nakita ni Atum maliban sa amin ni Fivo. Nangangawit na ko sa pwesto ko. Narinig ko yung boses at yapak ni Atum na papalapit sa akin. Bigla akong kinabahan. Ayoko pang mataya.
"Saan na ba nagtatago si Aleah at Fivo? Baka nagtanan na yung dalawang yun ah. Haha!" Uminit ang pisngi ko sa biro ni Rake. Sana hindi nakikinig si Fivo ngayon.
"Ano ba talaga ang nangyari sa dalawang yun? Halata namang apektado pa rin sila sa isa't isa."
"Napapansin niyo ba yung palihim na pagsulyap ni Fivo kapag hindi nakatingin si Aleah? Sabihin niyo nga sa akin kung walang kahulugan iyon." Mga tsismoso! Nandito lang kaya ang pinag-uusapan niyo.
Palapit pa nang palapit ang hakbang ni Atum hanggang sa may nakita akong anino ng mga paa sa kurtina. Patay.
Akala ko hahawiin niya yung kurtina pero binuksan lang pala niya yung poset sa sink. Kung minamalas ka nga naman oh, may butas yung tubo sa ilalim ng lababo kaya natutuluan ako ng tubig. Sakto pa sa tungki ng ilong ko.
Keep quiet, self. Baka marinig ka ni Atum.
"Maghuhugas lang ako ng kamay ah." Rinig kong sigaw ni Atum at masnilakasan niya yung poset. Maslumakas pa yung tulo ng tubig at pumusitsit sa butas ng ilong ko. Lumabas na ko sa pinagtataguan ko na halos barado ang ilong. Humanda ka, Atum.
"Boom Aleah! Save! Bakit ka naman diyan nagtago?"
"Aren't you going to ask me if I'm okay?" Instead na tulungan ako, tinawanan lang nila ako. Basang basa na kaya yung mukha ko. Medyo nabasa na rin yung shirt ko.
"Sorry. Pumunta ka na lang muna sa kwarto mo at magbihis ng shirt. Ayaw pang magpahanap ni Fivo."
Saan naman kaya nagtago yung Cipriano na yun at ayaw niya pang magpahanap? Umakyat ako sa kwarto ko. Pagkabukas ko ng pinto, nanigas ang buong katawan ko. Tila ba nasimento ako sa kinatatayuan ko.
Fivo is sitting on my bed, holding the little box of my ring on the bedside table. The ring he gave me years ago.
"Nasa sa'yo pa rin pala ito." Nakatingin pa rin siya sa singsing pero alam kong ako yung kinakausap niya. Pinuntahan ko siya at inagaw sa kaniya yung singsing.
"Lumabas ka na sa kwarto ko. Hinihintay ka na nila sa labas."
"Bakit nasa'yo pa rin yan?" Napapikit ako sa tanong niya. Wala akong sagot na mabibigay sa kaniya. Yan din ang tanong ko sa sarili ko, Fivo.
"Lumabas ka na Fivo. Hinihintay ka na nila doon." Tsaka ko tinuro yung pinto pero laking gulat ko na nadoon na silang lahat.
"Guys, okay lang ba kayo?" Concern na tanong ni Angela.
"Oo. Ayos lang kami. Lalabas na si Fivo." Tsaka ko binalingan ng tingin ang lalaking katapat ko ngayon.
"I will never get out of this room if you won't answer my question." Pinagpapawisan na ko nang malamig at napahigpit yung kapit ko sa maliit na kahon na hawak ko.
How can I answer you if I don't know the answer myself, Fivo?
"Lumabas ka na lang Fivo." Mariin kong sabi sa kaniya habang iniiwas ko ang tingin sa mga mata niya.
"Do you still love me?" Nanunuyo na naman yung lalamunan ko. Hindi ako makapagsalita. Bakit niya ba ko pinahihirapan ng ganito?
"Do you still love me Sci—"
"No." I said.. doubtfully. Hindi ko na nga namalayan na muntikan niya kong tawagin sa tunay kong pangalan.
"Prove it." Napatingin ako nang diretso sa mga mata niya dahil sa sinabi niya. Hinahamon ba talaga niya ko? Fine. Eto ang hininga niya, ibibigay ko lang ito sa kaniya.
"Follow me." Lumabas ako ng bahay at sumunod silang lahat sa akin. Nakita ko yung basurahan sa gilid ng gate. Hindi ko alam kung pagsisisihan ko tong gagawin ko. Bahala na. Lumapit ako sa basurahan at tinapon doon ang singsing. Gulat silang lahat sa ginagawa ko. Nanahimik sila at napatulala. Matapang kong hinarap si Fivo kahit unti-unti nang namumuo ang luha sa mga mata ko. Nagulat siya sa ginawa ko. Nakatingin lang siya sa basurahan na parang wala sa sarili.
"Okay na ba Fivo? Napatunayan ko na ba sa'yo?"
"Ba..bakit mo.. bakit mo tinapon sa basurahan?"
"Saan ba tinatapon ang mga basura?" Tinalikuran ko na sila at pumasok na ako sa bahay kahit tinatawag nila ang pangalan ko. Hindi ko na sila nilingon dahil ayokong makita nila ang luha ko.