Chapter 4

1320 Words
Chapter 4 Nagkulong lang ako sa kwarto ko hanggang sa makaalis na sila. Kinakatok nila ako kanina pero hindi ko na lang sila pinapansin. I don't want what I did, but I need to do it. There are times that you need to destroy bridges, to stop yourself from crossing them again. I need to destroy the bridge between me and him. Nang nakasiguro na kong umalis na sila, lumabas ako ng bahay at kinalkal yung basurahan. Hindi ko ma-sense kung ilang minuto ko mahahanap yung singsing. Imposible. I was a watch in my past life. Isa lang ang ibig sabihin nito, wala na ang singsing sa basurahan. O di kaya'y lampas sa isang araw ko pa ito mahahanap. It can't be. Pwede ko naman itong baguhin. The time of things are changeable. Hindi ito permanente. Ikaw pa rin ang magdedesisyon kung kailan mo gagawin ang mga bagay na dapat mong gawin. Kinalkal ko pa rin yung basurahan. Wala akong pakialam kung pinagbubulung-bulungan na ko ng mga taong dumadaan. Wala rin akong pakialam kung ang baho-baho ko na. Kailangan kong mahanap yung singsing. "Eto ba ang hinahanap mo?" Napalingon ako sa lalaking nagsalita sa likuran ko. Billy. "Billy akin na yan." Aabutin ko sana yung kahon pero nilayo niya ito sa'kin. "Kanina pa ko dito sa labas ng bahay mo. Nakita ko to na tinapon mo. Bakit mo kukunin ulit?" Stalker talaga tong isang to. Inabot ko pa yung kahon pero nilayo na naman niya ito sa'kin. Ang papansin niya lang. "Ibigay mo na lang sa'kin yan Billy." "Sa isang kondisyon." "Ano naman yun?" "Be my girlfriend." Naubo ako sa sinabi niya kahit wala naman akong iniinom. Ano raw? Girlfriend? Niloloko niya ba ko? "Ayos ka lang ba Aleah?" Lumapit siya sa'kin at hinaplos yung likod ko. Masnilakasan ko pa yung pag-ubo ko. Nung nakita ko na wala na siya sa konsentrasyon, inagaw ko sa kamay niya yung maliit na kahon ng singsing ko at tinadyakan ko yung tuhod niya. Hinila ko yung buhok niya at binagsak ko yung mukha niya sa basurahan. "Don't you dare mess with me again, Billy." Pumasok na ko sa bahay at iniwan ang mukha niya na hinahalikan ang mga basura sa basurahan. Kung mang-uuto siya, wag ako. Hindi ako uto-uto. ~~ Buong maghapon nandito lang ako sa backyard, nagsasanay akong gumamit ng espada. Nang magpahinga ako, napatingin lang ako sa bahay niya na katapat ng bahay ko. Kanina pa ko nakikipagtalo sa sarili ko kung pupunatahan ko ba siya o hindi. As if he will welcome me after what I did to him. Pinahiya ko lang naman siya sa harap ng mga kaibigan namin. How cruel of me. Biglang tumunog ang cellphone ko at sinagot ko ito agad nang makita ko na si Sir Loki ang tumatawag. "Sir Loki." (Nagawa mo na ba yung pinapagawa ko sa'yo?) Napapikit ako sa sinabi niya. Lagot. "Sir, hindi ko pa siya nakakausap. Paniguradong galit siya sa akin ngayon. Hindi siya papayag sa—" (I don't care. Kukumbinsihin mo si Fivo o mag-aassign ako ng ibang tao para sa misyon na to. Pili.) Napabuga ako ng hangin sa hamon niya. Nakakainis, wala akong choice. Ang tagal ko nang pinag-aaralan ang misyon na to. Lumipat pa nga ako sa village na ito dahil malapit dito ang Fier Academy. (Huwag mong kalimutan ang lahat ng mga sakripisyo mo para lang sa misyon na to. Ang tagal na nating nagsasanay. Itatapon mo na lang ba to lahat sa wala?) "Fine! Kakausapin ko na si Fivo!" Pinatay ko na yung tawag at huminga nang malalim. Kinakabahan ako. I don't want to talk to Fivo right now. I don't to talk to him anytime, period. Lumabas na ako ng gate at naglakad sa tapat ng gate nila. Nagdoorbell ako at binuksan ito ni Aling Maring. "Good moring po Aling Maring. Kakausapin ko lang po sana si.. Fivo." I tried so hard to look okay infront of her. Pero ang totoo ay hindi ko na magawang ngumiti sa kaba. Lalapitan ko ngayon ang isang tao na ako mismo ang gumagawa ng paraan para mapalayo sa kaniya. "Osige, puntahan mo na lang siya doon sa sala. Nanonood lang siya doon." "Salamat po." Huminga ako ng malalim at tinahak ang daan papunta sa sala nila. Naninigas ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung saan ko nakuha yung lakas na maglakad. Nakita ko siya na nakaupo sa sofa. Bumilis na naman ang t***k ng puso ko. He's wearing a white shirt and jersey shorts. Messy hair. His black eyes were fixed on the television. Tumikhim ako para maagaw ang atensyon niya pero hindi niya ako pinansin. Tumikhim pa ako nang masmalakas pero parang wala siyang narinig. Nawalan ako ng pasensya kaya tinawag ko na ang pangalan niya. "Fivo." Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay. Pagkatapos ay ibinalik na rin niya ang tingin sa TV. Ang kapal ng pagmumukha niya. Akala niya ba gusto ko talaga siyang puntahan dito? Akala niya ba susuyuin ko siya? Aalis na sana ako pero naalala ko kung ano talaga ang sadya ko dito. Hindi ako pwedeng umalis dito na hindi ko siya nakukumbinsi. Umupo ako sa sofa na nasa gilid niya kahit hindi naman niya ako pinapaupo. "Fivo, kausapin mo nga ako. Hindi ka na nakakatuwa." Pero parang wala siyang narinig at tinuon pa rin niya ang pansin sa TV. Nauubos na ang pasensya ko. Tumayo ako at pinatay ang TV tsaka ko siya hinarap. There, nakuha ko rin ang atensyon niya. "Ano bang problema mong babae ka hah? Bored ka ba sa bahay niyo kaya ka pumunta dito?" Pasigaw niyang tanong sa'kin pero hindi ko siya pinansin at naupo ulit ako sa tabi niya. "I have a deal for you." "I thought you don't want any deal involving me?" Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. Iba ang pakay ko sa pagpunta dito. "The agency wants to take down Fier Academy. Gusto ni Sir Loki na bumalik ka sa agency. Mas effective ang team kapag kasama ka." "So.. pinuntahan mo ko kasi may kailangan ka sa akin? Hindi dahil gusto mo akong makita?" Nanunuyo ang lalamunan ko. His jaw tightens. His fist clenched. Alam kong nagagalit siya ngayon pero muli, hindi ko na lang iyon pinansin. "Ilang residents na sa Torniquo ang pumasok doon at hindi na nakalabas. People say na haunted iyon pero iba ang sinabi sa'kin ni Rake. At tayo mismo alam natin kung ano ang nasa loob nun. Kailangan nating imbestigahan ang lugar na yun. Tayo mismo ang papasok doon at aalamin kung—" "Sagutin mo ang tanong ko. Pumunta ka lang dito dahil may kailangan ka sa'kin?" Nakakatakot yung tono niya. Kinakabahan ako sa aura niya ngayon pero hindi ako magpapatinag. Hindi ko na lang ulit ito pinansin. "Sir Loki wants you back. Sweswelduhan naman niya tayo if ever na naging successful ang misyon—" "JUST ANSWER MY QUESTION! MAHIRAP BA YUN? Nandito ka lang ba dahil may kailangan ka sa'kin? Sagutin mo ko." Galit na galit ang mga mata niya. If stare could kill, I will be dead by now. Lumunok ako bago siya sinagot. Kinakabahan na ako. Pero kahit hindi na ako makapagsalita dahil sa kaba, I answer his question with honesty. "Oo. Nandito lang ako dahil may kailangan ako sa'yo." Pagkatapos kong sabihin yun, napapikit siya. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya, it shouldn't be my business. Ipinagpatuloy ko na lang ang sinasabi ko kanina. "You see, Fivo. Delikado ang misyon na to pero sweswelduhan naman tayo ni Sir Loki ng malaking halaga. Makaka—" "Get out." Halata sa boses niya na nagtitimpi siya. "No Fivo." "Get out." Mariin niyang sabi. "I said no—" "GET OUT! Mahirap bang intindihin yun o hindi ka lang nakakaintindi?" Padabog siyang umakyat ng hagdanan at padabog na pumasok sa kwarto niya. Napapikit na lang ako, napasandal sa sofa at napasabunot ng buhok. You're making this hard for me, huh? Fivo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD