Episoe 10

1526 Words
Bigla na lang akong tumitigil at saka marahas na napapabuntong-hininga kapag daka ay bahagyang lilingon sa asotea kung nasaan na naman nakaupo si Senyora Juana. Nakapag desisyon na ako matapos nga ang pangyayaring naganap sa pagitan ko at pamilya ni Billy. Ilang araw na rin ang nakakalipas ngunit bantulot pa rin ako sa kung tutuloy ba ako o hindi. Nakapanghihinayang kung nabigay niya na sa iba ang pagkakataon na guminhawa ang buhay namin ng anak ko. Wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko. Muntik na akong mapatili ng muli kong paglingon sa Senyora ay nasa mismong likod ko na pala siya at mataman ng nakatingin sa akin. "Ilang araw na kitang napapanisn na tila may kailangan ka sa akin, Irene," saad niya sa akin kaya naman kinabahan ako. Nahahalata na pala niya na madalas ko siyang pagmasdan. "Magandang araw po, Senyora." Magalang kong pagbati at saka ko inayos ang aking sarili. "Tungkol ba ito sa inaalok ko sayo na trabaho?" aniya niya sa akin. Napatda ako ngunit bahagya ng tumango-tango. "Opo, Senyora. Nais ko po kayong makausap kung hindi pa ho nagbabago ang isip niyo," tugon ko. Tumango-tango ang Senyora. "Alam kong hindi ka na nakatira sa bahay ng tatay ng anak mo. At balita ko pa ng n pinagtulungan ka nilang palayasin sa pamamahay nila." Hindi ko alam kung paanong nalaman ni Senyora ang tungko sa akin ngunit sabi nga ay may tainga ang pader at may pakpak ang balita. Kahit naman kasi si Nanay Odet ay wala akong sinasabi sa nangyari sa akin. Ayoko siyang ma stress dahil aalalahanin niya ang tungkol sa amin ni Arthur. Sigurado rin ako na wala siyang alam dahil tiyak na kung meron siyang alam ay uusisain niya ko sa nangyari. "Nahuli ko po kasi na kinuha ng nanay ni Billy ng walang paalam ang iniipon-ipon ko po na pera para mapadalhan ko po ang pamily ko. Ang kaso po ay sa halip na ibalik sa akin ay siya pa ho ang nagalit at pinalayas kami ni Arthur." Kwento ko pa "Poor, Irene. Ang isang sugarol ay gagawin ang lahat para magkaroon lang ng pangsugal kahit pa siya ay magnanakaw. Kung bakit naman kasi ang tanga mo, iha? Alam mo ng ubod ng swapang ang biyenan momg hilaw ay nagagawa mo pang iwan ang mahalagang bagay sa bahay niya?" Napaguko na lamang ako sa sinasabi ni Senyora. Kung bakit ba hindi ko naisip ang tungkol doon? Hindi ko kasi akalain na pagnanakawan niya ako dahil marami naman siyang pera. "Lagi mo kasing gagmitin ang utak mo at hindi puso, Irene. Walang mangyayari sa buha mo kung panay puso ang pinapairal mo." Sabay turo pa ni Senyora sa kanyang ulo at sa tapat ng kanyang dibdib. "Bueno, nakapag desisyon ka na ba? Siguraduhin mo lang na buo ang loob mo sa anuman na pagpapasya mo. Ayokong maririnig na ayaw mo na, hindi mo kaya at suko ka na. Sumonod ka sa tanggapan ko." Utos ni Senyora Juana na kaya naman dali-dali akong tumango at taranta pa na ibinalik sa lagayan ang walis at dust oan na hawak ko. Wala si Arthur dahil pinaiwan na siya ni Ate Lala at siya na raw ang bahala sa anak ko dahil mabait naman ang bata. Isang mahabang buntong-hininga muna ang ginawa ko bago ako nagdesisyon na ihakbang ang mga paa ko. "Lord, kayo na po ang bahala sa akin," bulong ko pa at saka na nagtuloy sa loob ng bahay tungo sa tanggapan ni Senyora. Ilang sandali nga lang ay kaharap ko na si Senyora Juana na nakaupo na sa kanyang magandang bangko. Iyong tulad talaga sa mga nagtatrabaho sa opisina. "Anong plano mo, Irene? Kakalimutan mo na ba ang tatay ng anak mo o patuloy ko pa na magpapakanga?" untag agad ni Senyora. Umiling ako. "Nagdesisyon na po ako, Senyora. Ayoko na po ng buhay na ganito. Na naghihintay sa walang katiyakan." Sagot ko at diretso sa mga mata ng aking amo. Tumango-tango si Senyora sa kanyang narinig. "Alam mo ba kung bakit gusto ko ay hiwalayan mo na ng tuluyan ang tatay ng anak mo? At kung bakit nasabi ko na kapag pumayag ka sa nais ko ay giginhawa ang buhay mo at ng anak mo?" mga seryosong tanong ni Senyora. "Mayroon akong anak na lalaki. Nag-iisa kong anak at siya ang nakita mong nakaratay sa isa sa mga silid sa itaas ng bahay." Bahagya akong napatda ngunit hindi ako masyadong nagpahalata. "Kailan lang ay na aksidente siya ng dahil sa paghabol sa isang babae. Matindi ang aksidente na tinamo ng anak ko kung saan hanggang ngayon ay comatose siya. At ang sabi pa ng doktor, malamang raw na sa paggising niya ay baka hindi niya na ako maalala maging ang lahat sa nakaraan niya." Kwento pa ni Senyora sa malungkot na tinig. "Matanda na ako, Irene. Ilang taon na lamang ang ilalagi ko sa mundong ito kaya paano na lang ang anak ko kung mawawala ako? Sino na lamang ang lilingap sa kanya kapag namatay ako?" bahagya pa na nabasag ang boses ni Senyora. Hinaplos ang puso ko ng awa para sa isang nanay na nag-aalala para sa kapakanan ng kanyang anak na maiiwan kung sakaling mawawala na siya sa mundo. "Mahal na mahal ko ang anak ko, Irene. Mahal na mahal ko siya kaya sa kabila ng lahat ng mayroon ako ay bakit hindi ko magawa na maging masaya kahit kailan. Narito so Jeofferson ngunit hindi ko man lang siya makausap para masabi ko kung gaano ko siya kamahal." At saka bahagyang pinunasan ni Senyora Juana ang mga luha sa kanyang mga mata. Kahit sinong ina ay natatakot na iwan mag-isa ang kanyang supling sa mundo ito. Si Senyora ay nag-aalala sa kanyang may sakit na anak, paano pa kaya ako na kay musmos pa ni Arthur? Bahagyang tumigil si Senyora sa kanyang pagkwento. Ano naman ang kinalaman ng inaalok na trabaho sa akin ni Senyora? Ako kaya ang nais niya na mag-alaga sa kanyang anak? Sa akin niya ihahabilin kapalit ng malaking halaga? Ganun nga kaya? "Kaya nag-isip ako ng paraan para kung sakaling mawala ako ay hindi pa na ako masyadong mag-aalala pa kay Jeoff. Sa kapakanan ng anak ko. At ikaw nga ang napili ko, Irene. Kayo ng anak mo ang napili ko para mag-alaga sa kanya." Hayag pa ni Senyora. Tama nga ako. Pag-aalagain ako ni Senyora Juana ng kanyang anak. Ngunit anong kinalaman ni Billy? Pwede ko naman na alagaan ang may sakit kahit nariyan ang tatay ng anak ko. At bakit kasama si Arthur na mag-aalaga gayong kay bata pa ng aking anak? "Kung ganun po ba ay nais niyong alagaan ko po ang inyong anak na may sakit? Tanong ko lang po, Senyora. Bakit po kailangan kalimutan ko na si Billy at bakit kailangan ang anak ko na mag-alaga sa anak niyo?" usisa ko pa. "Dahil hindi lang naman basta pag-aalaga ang nais kong gawin mo, Irene. Hindi mo lang basta tinitingnan ang kalagayan ng anak ko. Ayoko na titingnan mo lang siya bilang pasyente. Dahil gusto kong ituring mo siya bilang asawa mo at ang tunay na tatay ng nag-iisa mong anak." Ano raw? Nagkamali ba ako ng dinig? Asawa? Tunay na tatay ng anak ko? Nawawala na ba ang Senyora Juana sa kanyang naging pahayag? "Tama ka ng pagkakarinig, Irene. Gusto kong pakasalan mo ang anak ko. Gusto ko na maging isang pamilya kayo kasama ng anak mo kaya unang-una ko ng sinabi na kalimutan mo na ang dati mong kinakasama. Gusto kong ipamulat mo sa anak mo na si Jeofferson ang kanyang tatay at wala ng iba pa." Kahit sino naman siguro ay mawawalan ng kibo kapag ganito ang naririnig mo sa kausap mo. "Hindi ba at pang habang-buhay na kaginhawan ang nais kong gawin mo, Irene? Hindi lang kita basta inaalok ng malaking halaga. Bagkus ang nais ko ay masigurado ang future ninyo ng anak mo kasama ng anak ko." Wala yata akong masabi. Bakit parang iba ang sitwasyon ko sa mga palasak na eksena sa mga palabas sa telebisyon at mga babasahin na tungkol sa pag-ibig. Kadalasan ay inaalok ng malaking halaga ang bidang babae kapalit ng paglayo nito sa bidang lalaki. Ngunit ako? Heto at hindi isang milyon o sampung milyon ang ibinibigay ni Senyora. "Sigurado po ba kayo, Senyora? Nais niyo po akong maging asawa ng anak niyo? Talaga po ba?" nagugulumihan kong tanong. "Oo, Irene. Nais kong samahan mo at ng anak mo si Jeofferson. Mahalin mo sinya ng gaya ng sa isang tunay na asawa at imulat mo sa anak mo na mahalin din ang anak ko. Alagaan niya at mahalin." Naiintindihan ko naman ang nais ni Senyora Juana at kung bakit niya ginagawa ito. Ngunit ang pagpapakasal ay mabigat na responsibilidad. Mahirap gawin lalo pa at hindi mo naman mahal gaya ng ganito. Inuutos lang na gawin ko. Kaya ko bang alagaan ang anak ni Senyora? Kaya ko na nga bang kalimutan si Billy at ipakilala ang anak ni Senyora kay Arthur bilang tunay niyang tatay? Wala na nga ba akong nararamdaman sa kanya o dala lang ng galit kaya ako ngakakaganito? Kaya ko nga bang magsakripisyo habang-buhay kapalit ng maginhawang buhay?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD