Episode 9

1519 Words
Sa bahay ni Ate Lala kami nakituloy ng anak mo. Galit na galit nga ang kaibigan ko at gusto niyang samahan ako na magtungo sa barangay at ireklamo ang buong pamilya ni Billy. Ngunit tumanggi na ako dahil ayoko ng magsayang pa ng oras lalo pa at kasa-kasama ko ang anak ko na mahimbing na natutulog na sa tabi ko. Para bang napagod din ang anak ko sa nangyari sa aming buhay ngayon. Sigurado na nakapagsukbong na ang mag-iina na yon kay Billy. Sigurado na nasiraan na nila ako gamit ang mga kung anu-anong salita na pwede nilang ibato sa akin. Nakita pa ni Ate Lala ang pasa sa aking kanang braso dahil talagang mahigpit akong hinawakan ng byenan ng nanay ni Billy para nga mapalabas ng bahay. Masakit din ang balakang ko dulot ng pagkakabagsak ko rin kanina dahil sa malakas na pagkakatulak ng Lola ng anak ko. "Mabuti naman at lumaban ka, Irene. Kung nagkataon na naroon ako at nabalitaan ko na hindi mo man lang pinagtanggol ang sarili mo ay baka nainis ako sayo ng sobra at hindi ko kayo pinatuloy dito na mag-ina," saad ni Ate Lala habang sabay kaming nagkakape at pinag-uusapan nga ang nangyari sa pagitan namin ng pamilya ni Billy. "Grabe talaga si Aling Lumen! Napakaliit na nga ng iniipon mong pera na galing pagpapa-alila mo sa ibang tao ay ganyan pa talaga ang igaganti sayo? Pinagnakawan ka na tapos nagalit ng mahuli mo at pinalayas ka pa kahit gabi na at may kasama ka pang bata." Halata sa boses ni Ate Lala ang galit lalo na kanin ng pagbuksan niya ako ng pinto ng kanyang bahay na magulo ang damit, buhok habang bitbit ko ang ilang mga damit na tinapon ng pamilya ni Billy sa daan. "Ewan ko rin, te. Ewan ko kung bakit ganun sila kasama sa akin gayong wala naman akong ginagawang masama sa kanila. Lahat ng uri ng pakikisama ay ginawa ko sa kanila ngunit wala pa rin," malungkot kong saad. "Masama kasi mga ugali nila kaya kahit na anong gawin mong pagpapakita ng kabutihan ay hindi nila sinusuklian. Makakapal ang mga mukha ng mga taong yan kaya mabuti at sila na mismo ang nagpa-alis sayo at kay Arthur sa bahay nila. Magsumikap ka, Irene. Alama kong kaya mo na buhayin na mag-isa ang anak mo dahil ikaw naman talaga ang bumubuhay sa anak mo mula ng ipanganak mo siya," wika pa ni Ate Lala. "Sigurado lang na nagsumbong na sila kay Billy. Gumawa na sila ng mga kasinungalingan para lumabas akong masama." Walang gana kong sambit. "Irene, gising! Huwag mong panghinayangan si Billy. Na sa kanya na kung maniniwala siya sa pamilya niya gayong siya ang mas nakakakilala sa mga yon. At saka, matauhan ko na rin na. Kaya nangyayari sa buhay mo ang pagsubok na tulad nito ay dahil may dahilan. Malamang na nais nasa Itaas na ilayo ka na habang maaga sa mga nagbibigay ng stress sayo. At yang si Billy ay kalimutan mo na. Irene, saan ka naman nakakita na may iniwan siyang babaeng pakakasalan at ang isang anak dito sa bansa ay hindi siya gumagaw ng paraan para makausap ka? Dinig ko sa labas at kwento na rin ng mayabang na si Aling Lumen na kwarenta mil ang buwanang padala sa kanya ni Billy. Sa laki pala ng sinasahod niya ay bakit hindi man lang niya mabilin na ibili ka ng kahit mumurahin na cellphone para may contact siya sa inyong mag-ina. Kapag gusto may paraan at kapag ayaw ay may dahikan. Kaya malamang na may tinatago yang si Billy sayo. Pwedeng wala na talaga siyang pakialam sa inyo ni Arthur dahil baka may iba na siyang babae na kinakasama. Isang taon na siya mahigit sa ibang bansa, Irene. Hindi ka man lang ba kinutuban na mayroon na posibleng may iba na siyang gusto?" tanong ni Ate Lala. Kapag mahal mo raw ang isang tao ay malalaman mo kung may dinaramdam siya o wala kahit malayo pa siya. Sa totoo lang parang hindi ko na alam kung paano ko ba minahal o nagustuhan ang tatay ng anak ko. Hindi ko na alam ang itsura niya sa aking balintataw kahit pa may litrato nama. kaming dalawa na magkasama. Parang naging estranghero na siya sa isip ko at maging yata sa puso ko. Sinasabi ko na nagtitiis ako sa bahay nila dahil nga sa anak namin na mawawalan ng tatay sa oras na sumuko na ako sa pahihitay sa kanyang ama. "Huwag na nga nating pag-usapan yang tungkol sa mga masasamang ugali na pamilyang yon! Nakukua lang na magtaas ng dugo ko!" bulalas pa ng mabait ko rin na amo at naging matalik ko na rin na kaibigan. "Kamusta naman ang bago mong amo? Okay pa rin ba ang pagtatrabaho mo doon? Hindi ka ba pinagmamalupitan?" Eksaheradang tanong pa ng kausap ko. Umiling ako. "Hindi, ate. Masungit tingnan si Senyora Juana dahi nga sa kanyang itsura at tono ng pananalita ngunit mabait siya. Hindi siya pakitang tao kung tutuusin." Sagot ko naman. "Natural yata talaga sa may kaya sa buhay ang nakaka intimidate dahil nga tsinelas lang na kanilang pambahay ay nagsusumigaw na mahal ang halaga." Lahat yata ng gamit sa bahay ni Senyora Juana ay nakakatakot na galawin dahil baka mabasag at kulang na kulang ang sahod ko para bayaran. "Gaya nga ng kwento ko ay nakakaipon ako dahil doon na kami kumakain ni Arthur ng almusal at tanghalian." Kwento ko pa. "Ipon na ninakaw naman ni Aling Lumen para may puhunan sa sugal. Ikaw na tipid na tipid pero minsan lang ninakaw ng sugarol na adik sa sugal. Ay bakit ba nababalik sa pamilyan yon ang kwentuhan natin?" naiirita pa si Ate Lala ng mabanggit na naman ang tungkol sa ipon ko na kinuha ng walang paalam. Dahil nga napunta kay Senyora ang usapan ay naisip ko na naman ang tungkol sa kanyang nais na ialok sa akin ngunit hindi ko naman alam. "Alam mo, te. Kailan lang ay kinauspa ako ni Senyora Juana. May nais sana siya ialok na trabaho sa akin na sa oras daw na tinanggap ko ay magbabago ang buhay naming mag-ina. Giginhawa raw ang buhay namin ni Arthur." Kwento ko na kay Ate Lala. "Talaga? ano raw na klaseng trabaho?" untag ni Ate. "Iyon nga ang hindi ko alam, te. Sasabihin niya lang daw kapag pumayag na ako." tugon ko. "Ha? Paano yon? Paano mo malalaman kung gusto mo o kaya mo ang trabaho kung hindi mo alam?" Kahit naman ako ay ganun ang reaskyon noong una kong marinig gaya ng reaksyon ni Ate Lala. "Pero gigihawa kamo ang buhay niyong mag-ina, sabi niya?" Tumango ako bilang sagot kay Ate. "Bakit hindi mo pa tanggapin? Hindi ka naman siguro lolokohin ni Senyora Juana. Baka naawa rin ang matanda sa kalagayan mo at ng anak mo kaya binibigy ka ng pagkakataon na mabago mo na ang kapalaran niyong mag-ina." Payo ni Ate Lala. Naisip ko nga na maaring ito na ang sagot. Itong pangyayari na ito ang tugon para sa nalilito kong isip at puso. Kaya mismong pamilya ni Billy ang s*******n na kaming pinalayas ay para nga masagot ko na si Senyora Juana. "Sa yaman ni Senyora Juana ay hindi niya naman ako bibiruin. At ano naman ang mapapala niya?/Kaya laging gumugulo sa isip ko kung ano nga bang klase ng trabaho ang nais niyang gawin ko?" ani ko pa. "Kaya nga i-grab mo na para malaman mo kung anong trabaho at guminhawa na ang buhayniyo ni Arthur." Napatingin ako sa mukha ni ate. "May kondisyon, te," saad ko. "Anong kondisyon?" kunot-noo tanong ng kausap ko. "Kailangan kapav pumayag ako ay wala ng urungan. At kailangan din na kalimutan ko na ang tatay ng anak ko." Paliwanag ko. "Wow! Timing naman pala ang alok ni Senyora. Hayan at wala ka na bahay ni Billy. Kaya kalimutan mo na ang lalaking yon at nakalimutan na kayo ng anak mo. Piliin mo ang magandang buhay kaysa sa impyern, Irene. Sundin mo ang utak mo kaysa sa dikta ng puso mo. Chance mo na yan. Binibigay na sayo ang pagkakataon na makalaya at guminhawa. Narinig na ng Panginoon ang panalangin ng mga taong nagmamahal sayo at kay Arthur." Pahayag pa ni Ate Lala. Tumango at tipid na ngumiti. Naguguluhan ako at hirap pumili. Ag heto na nga siguro ang tugon sa pagdadalawang isip ko. "Hay naku, Irene! Kahit ako ay excited ng malaman kong anong bago mong trabaho. Huwag mo sana akong kalimutan kapag yumaman ka na." Biro pa ni Ate Lala. Handa ko na ba talagang itapon ang pangarap ko na isang buong pamilya para kay Arthur? Kalimutan ko na lang talaga ba si Billy? Handa na nga ba ako sa pagtanggap sa anuman na trabaho na ibibigay ni Senyora? Yayaman ng ba ako? Mababago na nga kaya ang buhay namin ni Arthur? Ang anak kong mula ng ipanganak ko ay puro paghihirap na lang din naranasan. Sa musmos niyang isip ay danas niya ang pagkalam ng sikmura dulot ng kahirapan namin sa buhay. Kung si Senyora Juana na nga ang sagot sa panalangin ko ay sana nga. Sana nga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD