Episode 8

2066 Words
Gusto ko man na iwaglit sa isipan ko ang tungkol sa naging pag-uusap namin ni Senyora Juana noong mag-usap kaming dalawa ay ewan ko ba at hindi maalis-alis sa isip ko ang tungkol sa inaalok niyang trabaho na giginhawa raw ang buhay naming mag-ina. Siyempre, iniisip ko na baka kapag tinanggap ko ang alok ay baka makaipon ako ng mas malaking halaga ng pera kung saan pwede akong makabili ng kahit maliit na lupa at itatayo ko ang pangarap kong bah Baka mabilhan ko na ng mamahaling gatas si Arthur at mabilhan ko na rin naman ng magagandang damit. Lahat halos ng damit ng anak ko ay bigay lang ng mga kapitbahay. Balak kona ngang isingit na bilhan siya ng bago sa susunod na sumahod ako. Bibilhan ko rin siya ng sapatos at tsinelas kahit mumurahin lang. Makakatulong na ako sa mga magulang ko,sa mga kapatid at sa buong pamilya namin kapag nagkaroon ako ng mas mataas na sahod. Kaya nga siguro lagi ko pa rin iniisip ang tungkol sa sinabi ni Seyora Juana ay dahil may bahagi talaga sa utak ko na tanggapin ang alok na trabaho kahit wala akong ideya kong anong gagawin ko. Hindi naman siguro ako aalukin ng masama ni Senyora Juana dahil kahit masungit at mataray siyang tingnan at magsalit ay may puso pa rin siya dahil hindi magtatagal si Nanay Odet na manilbihan sa kanya kung masama ang ugali niya. Ngunit may kondisyon kaya para akong nag-aalinlangan. At talagang nagdadalawang-isip ako dahil kailangan kong iwan at kalimutan si Billy. Hindi ko alam kong bakit kailangan na masali sa usapan ang tatay ng anak ko sa kung anong ipagagawa sa akin ni Senyora Juana. Sa pag-iisip ay hindi ko na namalayan na nakauwi na pala kami ni Arthur mula sa villa. Matutulog na lang kaming mag-ina dahil busog na rin naman kami at mamaya ng gabi muling magluluto. Gaya ng araw-araw ko nadadatnan ay sobramg dumi at kalat na naman ng bahay. Malamang na nakahiga lamang ang mga kapatid ni Billy habang abala sa kanya-kanya nilang mga cellphone na hindi man lang ako magawang mapahiram para makausap ko ang kuya nila. Kahit uurin o bahayan pa ng ahas ang loob ng bahay dahil sa sobrang kalat nila ay wala silang pakialam. Basta lahat sila ay kain at tulog lamang. Punong-puno rin ng hugasan ang lababo at nilalanggam ang lamesa dahil hindi man lang pinunasan ng sino man na mga kumain. Mamaya na lang ako maglilinis kapag nakapagpahinga na ako. Hindi ko kasi matiis na hindi linisin dahil nga pumapasok din ang mga langaw at mga ipis. At isa pa, mabaho ang amoy na hindi mo alam kung malansa o ano. Itataas ko na sana ang kurtina ng nagsisilbing harang sa maliit na espasyo na ginawa kong silid ng magkagulatan kami ni Nanay Lumen. Nanlaki ang mga mata niya ng mabungaran ako at saka agad niyang binulsa sa suot niyang short ang hawak niya sa kanyang kanang kamay. Napalingon ako sa ibabaw ng hinihigaan namin ng anak ko ng makitang nakalabas ang wallet ko kung saan nakatago ang lahat ng ipon ko. "Nay, bakit narito po kayo sa loob ng silid namin at bakit nakalabas ang wallet ko?" tanong ko na hindi umaalis sa pagkakaharamg sa pinto para hindi siya makaalis. "Anong silid namin? At kailan ka pa nagkaroon ng pag-aari sa bahay ko? At iyong pera sa wallet mo, hihiramin ko muna at ibabalik ko rin naman," sagot niya at aakma ng akong lalampasan pero humarang pa rin ako. "Ibalik niyo po ang pera dahil may pinaglalaanan ako para diyan." Sabay palad ko ng aking kamay. Iniipon ko ang mga pera para nga may madudukot sa oras ng emergency at may mapapadala ako sa mga magulang ko. "Hihiramin ko nga muna at ibabalik ko rin kapag nanalo ako. Tumabi ka na nga at baka ma huli pa ako sa klase namin. Hinihintay na ak ng mga kaklase ko." Giit pa ng biyenan kong hilaw na ang tinutukoy niyang klase at mg kaklase ay ang sugalan at kanyang mga kasugal. "At paano niyo naman maibabalik kapag natalo kayo? Bakit ba kailangan niyo na magsugal kong wala naman kayong pera? " tanong ko pa dahil pati pera na pinaghirapan ko ay kinuha niya ng walang paalam para ipangsugal lamang. "Huwag ka ngang malas! Sinabi kong ibabalik ko hindi ba?! Bakit ba ang damot mo gayong hinihiram mo lang naman ang kakarampot mong ipon!" sarkastiko pa na asik sa akin ni Nanay Lumen. "Ibabalik? Naka ilang hiram na kayo ng pera sa akin pero kahit piso ay walang bumalik kaya paano akong maniniwala na ibabalik niyo ang perang pinaghihirapan kong ipunin at itabi dahil wala naman kayong naibibigay sa amin ng anak ko kapag nawalan siya gatas! Kaya nga nagpapa alila ako sa iba ay para may hawak akonsa oras na umiyak anak ko na wala naman kayong pakialam at nagagalit pa kayo kapag naiingayan kayonsa iyak niya!" napalakas pa ang boses ko sa pagkakataong yon. "At ang lakas na ng loob mo na sumagot-sagot sa aking sampid ka! Ano ba ang ipinagmamalaki mo ngayon, Irene? Iyang may trabaho ka kaya kinakayankayanan mo na ako? Baka nakakalimutan mong nasa loob ka ng pamamahay ko? Baka gusto mong palayasin ko kayo ng anak mo total mga wala naman kayong silbi at pampasikip lang dito sa pamamahay ko!" sindak pa ng Nanay ni Billy sa akin. "Hindi ko nakakalimutan na narito po ako sa pamamahay niyo pero hindi ako papayag na kunin niyo na lang basta ang ipon ko na may pinaglalaanan ako. Kaya ibigay niyo na dahil ayokong ipahiram sa inyo dahil sa masama niyo lang naman dadalhin! Huwag niyong sabihin na naubos niyo na ang padala sa inyo ni Billy gayong wala pang isang linggo ng magpadala siya sa inyo?" Hindi ko alam kung anong demonyo ang sumapi sa akin ng mga oras na ito na nagawa kong tumutol sa nais na pagkuha ni Nanay Lumen sa mga ipon ko. At nabanggit ko pa ang tungkol sa perang padala ng kanyang anak. Hindi bale sana kong gagamitin niya sa tama ang pera tulad ni Nanay Odet na kailangan na magpa-doktor. "Ano ba at pati perang padala ng anak ko ay pinapakialam mong babar ka!" sabay tulak sa akin ng nanay ni Billy dahil pilit kong kinukuha sa bulsa niya ang pera. Mabuti na lang talaga at lagi lang nasa stroller ang anak ko at hindi ko karga dahil kung nagkataon ay baka nabitawan ko si Arthur sa lakas ng pagkakatulak sa akin ng kanyang Lola. "Huwag ka ngang madamot, atribida ka! Ngayon na may pinagkakakitaan ka lang ay akala mo na kung sino ka ng umasta. Nagawa mo pa talaga akong sigawan! At nagagawa mo na rin akong hanapan ng pera? Anong pakialam mo sa pera ng a anak ko gayong hindi ka naman namin kaano-ano? Lahat ng mga ginawa mo sa akin ngayon ay itatawag at sasabihin kong lahat kay Billy. Bait-baitan ka lang talaga sa harap ng anak ko at sa ibang tao para makakuha ka ng papabor sayo! Pero ang totoo ay ubod ng sama ang ugali mo. Napakadamot mo pa at lumalaban sa mas matanda sayo!" sigaw pa sa akin ni Nanay Lumen. Ako masama ang ugali? Madamot? Nais kong matawa. Ako na nga itong nagawang pagnakawan ay ako pa yata ang lumalabas n siyang may mali at sala. "Mabuti pa palayasin mo na ang mag nanay na yan dito sa bahay, Ma. Ang lakas ng loob na sigawan kayo gayong nakikituloy lamang sila dito sa bahay natin. Hindi pa siya magpasalamat na kahit hindi tayo naniniwala na anak ni Kuya ang anak niya ay kinupkop pa rin natin sila," sulsol ng sumunod na babae kay Billy na mas matanda pa sa akin ngunit daig pa ang isip bata sa pagkilos. Sobrang salahula pa sa mga gamit at sa katawan niya. Nagngitngit ang kalooban ko sa narinig at talagang walang hiya ng pinamukha sa akin ang tungkol sa anak ko at sa pagpapatuloy nila dito sa amin. "Tama! Lumayas ka na rito, Irene! Hindi ka kailangan sa pamamahay na ito! Lumayas kayo ng anak dahil baka hindi na talaga kita matantiya na babae ka! Wala kang utang na loob! Matapos ng pagmamagandang-loob namin ay ganyan ka pa! Tataasan mo pa ako ng boses na akala mo ay kung sino ka na!" galit na galit akong dinuduro pa ng nanay ni Billy. "Pagmamagandang-loob? Anong sinasabi niyong pagmamagandang-loob niyo sa amin ng anak ko gayong hindi niyo na nga kami itinuring bilang pamilya ng anak niyo ay mas masahol pa sa hayop kong pakitunguhan niyo kami?!" asik ko. Lahat ng tatlong babaeng anak ni Nanay Lumen ay nasa kanyang tabi at pinanlilisikan ako ng mga mata. "Naging mabuti ako sa inyong lahat kahit hindi niyo ako tinatrato bilang tao. Lahat pa ng mga gawaing bahay ako na ang gumagawa para lang wala kayong masabi pero dahil masama ang mga ugali niyo kaya hindi pa rin kayo nagbago ng turing sa amin ni Arthur. Halos sa loob ng isang taon na mahigit akong narito sa bahay niyo ay wala akong natandaan na inalok niyo ako kahit uminom lang ng tubig kahit pabalat-bunga lang. Kaya anong sinasabi niyong pagmamagandang-loob na ginawa niyo?" untag ko sa kanilang apat habang isa-isa ko pang tiningnan sa kanilang mga mata. "Ang daming mong satsat na babae ka! Lumayas ka dahil hindi ka namin kailangan dito! Lumayas ka dahil wala kang utang na loob!" at saka na naman ako tinulak ni Nanay Lumen kasama pa ang kanyang tatlong mga anak. Nang makalabas kami ng bahay ni Arthur ay marami ng mga kapit-bahay ang nakatingin sa amin at nakikiisyuso na sa nangyayaring g**o sa loob nga bahay. "Hayan ang mga basura niyo ng anak mo! Lumayas kayong mag-ina sa pamamahay ko dahil wala kayong mga utang na loob!" sabay hagis ng mga damit namin ni Arthur sa labas ng bahay ng pamily ng tatay ng anak ko. "Huwag niyong patutuluyin sa bahay niyo ang mag-inang yan dahil mga walang utang na loob! Ang lakas ng loob na labanan ako sa sarili kong pamamahay!" sigaw pa ng nanay ni Billy sa mga kapitabahay. "Kayo ang mga walang utang na loob! Magnanakaw ka pa!" naging sigaw ko rin sa sobrang galit na nararamdaman ko. Alam kong mali ako sa ginagawa kong paglaban at pagsagot pero nakuha ko ng mapuno. "At ano naman ang utang na loob ko sayong hayop ka?! Wala kang maipagmamalaki na kahit ano kaya lumayas ka na! Dalhin mo ang basura mo at huwag na huwag na kayong babalik pa sa bahay na ito lalo na sa buhay namin!" sabay malakas na pagsara ng pinto ang ginawa ng biyenan kong hilaw. Nanlilisik ang mga mata na nakatingin ako sa pinto ng bahay habang marahas na taas-baba ang dibdib ko sa sobrang galit na nararamdaman. Kinuha ko sa kanyang stroller si Arthur dahil umiiyak na ang kaawa-awa kong anak. "Huwag mong panghinayangan na pinalayas ka nila, Irene. Mas maganda nga para maalis na kayo ng anak mo sa loob ng impyernong bahay na yan," wika ng isa naming kapitbahay na babae at isa-isang pinupulot ang mga damit naming mag-ina. Maging ang iba kong mga kilala ay nakipulot na rin sa mga nagkalat naming damit ni Arthur at masinop pa na inilagay sa bag na galing din sa kanila. "Dapat lang na lumaban ka sa kanila, Irene. Sobra kang naging mabait sa kanila sa loob din ng halos dalawang taon pero wala silang iginanti na kabutihan sayo. Kaya tama lang na sila ang sabihan mo ng walang mga utang na loob," saad naman ng isang matandang babae na nagmamalasakit din sa amim ni Arthur. "Tiyak na gaganda na ang takbo ng buhay mo, Ineng. Nakaalis ka na sa bwesit na bahay ni Lumen na ubod ng yabang porke nakapunta lang ng ibang bansa ang anak." Pilit akong ngumiti kay Tatang kong tawagin ko. Galit siya sa pamilya ng asawa ko ng ipabarangay siya dahil lang sa naingayan sa tahol ng kanyang aso ang Lola ni Arthur. "Maraming salamat po," sabi ko na lamang. May mga nag-alok na sa kanila na ako magpalipas ng gabi dahil mahamog na para sa anak ko ngunit naisip ko na lang na kay Ate Lala makituloy kahit ilang araw lang. Heto na nga siguro ang panahon para umuwi na ako sa pamily ko at iwan na nga ang buhay na ito at kalimutan na si Billy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD