Episode 7

1602 Words
E7 "Salamat, sa paggawa sa mga gawain ko, Irene. Pasensya ka na at naabala pa kita. Dapat ay kanina ka pa kayo nakauso ni Arthur pero heto at pinagluto mo pa ako ng herbal," saad ni Nanay Odet habang iniino na ang nilagang dahon ng tanglad na niluto ko nga para sa kanya. Naisip ko kasi na baka mataas ang presyon ng dugo niya kaya humanap ako agad ng tanglad na nakahanap naman ako agad sa bakuran ng villa. Madalas ko kasing makita na umiinom ang mga magulang ko ng ganitong herbal kapag sa wari nila ay highblood sila. "Wala pong anuman, Nay. Huwag niyo po sanang binabalewala ang nararamdaman niyo lalo na po at may edad na kayo. Kapag po may pagkakataon ay magpatingin na muna kayo sa doktor. Kung kulang po ang inyong pera ay may natabi na po ako. Pahihiram ko muna po sa inyo," wika ko naman. Napangiti si Nanay Odet. "Talaga ka namang bata ka. Nangangailangan ka rin ngunit heto at inaalok mo pa ako na hiramin ang pera mong nakatabi. "Nabilhan ko na po kasi ng gatas, diaper at iba pang pangangailangan si Arthur kaya wala na po akong dapat na bilhin. Dito rin naman po ako kumakain ng almusal at tanghalian. May bigas na po at konting de lata akong nabili. Sapat lo ang lahat ng mga iyon hanggang sa sumapit na po ang sahod ko. Kaya pwede ko pong ipahiram sa inyo ang naitatabi kong pera." Paliwanag ko pa. "Mabuti pa ay magpa-check up ka na agad, Odet. Ako na ang bahala sa gagastusin mo." Si Senyora. Mahilig yata talaga na manggulat ang aming amo dahil hindi ko na naman namalayan na narito na pala siya sa kusina at mukhang narinig ang pinag-uusapan namin ni Nanay. "Salamat po, Senyora." Tugon naman ni Nanay sa aming amo. "Irene, sumunod ka sa akin at may pag-uusapan tayo." Pagbaling naman ng Senyora sa akin. Bahagya akong kinabahan. May nagawa ba akong mali at hindi nagustuhan ni Senyora? Tungkol ba ito sa aksidente kong nakita na may tila pasyente sa isa sa mga silid sa itaas ng bahay? Paalisin niya na siguro ako dahil nalaman ko ang hindi ko dapat makita at malaman. Napatingin tuloy ako kay Nanay Odet. "Sumunod ka na kay Senyora, Irene. Ako na muna ang bahala kay Arthur. Unang pinto sa kaliwang bahagi ng bahay ang kanyang tanggapan," sambit pa Nanay Odet. Kung bakit naman kasi umakyat pa ko sa itaas ng bahay? Dapat kasi ay ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko at nagbingi-bingihan na lang na hindi ko naririnig ang tunog ng bell. Wala sa loob na sumunod na ako kay Senyora kahit mabigat ang aking paghakbang. Umuusal ako ng panalangin na huwag niya naman sana akong tanggalin sa trabaho. Babalik na naman ako sa pakikipaglabada at kung kani-kaniono nangungutang maraos lang ang pambili ng gatas ni Arthur. Nagbuga muna ako ng hangin bago ko itinaas ang aking kanang kamay para tangkain ng kumatok sa pinto na siyang sinasabing ni Nanay Odet na tanggapan ni Senyora Juana. "Come in." Kinabahan ako lalo ng marinig na ang kanyang boses. Iniisip ko kung paano ako makikiusap o magmamakaawa na huwag niya akong paalisin. Na maasahan niya ako na wala akong anuman na sasabihan sa kung anong natuklasan ko sa itaas ng bahay. "Sit down, Irene," alok ni Senyora Juana at itinuro pa ang bangko kung saan ako dapat na maupo. Nakaupo naman si Senyora sa bangko na nagsisilbing kanyang trono silid na ito katapat ng kanyang working table. "Sinabi mo sa akin na sa pagbalik ng tatay ng anak mula sa ilang taon na pagtatrabaho sa ibang bansa ay doon pa lamang kayo magpapakasal. Bukod doon ay nalaman kong hindi pa pala nakarehistro sa sa munisipyo ang anak mo. Wala pa siyang birhtcertificate bilang mamamayan." Panimulang mga salita ni Senyora. Nagtataka naman ako kung bakit tila tungkol sa mga nalalaman niya sa akin ang takbo ng aming usap. Ayoko kasi na nakikialam sa mga problema o isyu ng ibang tao kaya mapagkakatiwalaan niya ako na wala akong pagsasabihan tungkol sa mga nalalaman ko sa bahay na ito. Kaya naman ganun din ang nais kong mangyari. Iyong trabaho lang ang usapan at labas ang personal na buhay. "Opo, sa pag-uwi po ni Billy ay saka po kami magpapakasal para na rin po maparehistro namin si Arthur bilang legal niya po na anak. Sa ngayon po ay tiis muna kami para makaipon po siya ng sapat na pera para ng po sa pag-uwi niya ay makapag-umpisa kami ng bagong buhay." Paliwanag ko naman. "Talaga ba, Irene? May nakuha rin akong impormasyon na lulong pala sa sugalan ang nanay ng kinakasama mo. Maluho na wala sa lugar ang mga kapatid niya. At lahat ng padala ng tatay ng anak mo ay sa biyenan mong babae ang bagsak." Ano ba talaga ang nais na sabihin ni Senyora at pati ang kwento sa pamilya ni Billy ay nasasambit niya sa akin? "Kay nanay Lumen po talaga nagpapadala si Billy. Hindi pa raw po kasi kami mag-asawa kaya wala raw po akong karapatan na makialam sa sahod niya sabi ng nanay niya at mga kamag-anak. At isa pa po, nagbabayad pa ho ng utang ang biyenan ko sa mga nagamit na pera sa pag-aapply ng anak niya patungo nga po ng Japan. Kaya halos wala pong sobra ay dahil hindi pa ho sapat ang pinapadala ni Billy para sa lahat ng mga gastusin sa bahay gaya nga po ng mga bills at mga utang." Napataas kilay si Senyora sa mga narinig. "At naniniwala ka talaga sa kanila, Irene? Hindi isyu kung malit o malaki. Kung sobra o kulang ang sahod ng kinakasama mo. Bagkus ay kung talagang itinuturi ka niya bilang kanyang makakasama habang-buhay ay sana man lang ay hindi niya kayo hinahayaan na magutom ng anak mo. Hindi niya hinahayaan na hindi ka niya nakakausap o hindi nakikita ang anak niyo, Irene." Hayag pa ng aking amo na hindi ko talaga mawari kung bakit tungkol sa akin ang pinag-uusapan namin. Hindi rin naman talaga labing-limang piso ang buwanan na padala ni Billy gaya ng sinasabi sa akin ng kanyang Nanay. Madalas na makita ko ang nakakalat na resibo ng remittance sa loob ng bahay dahil ako lang naman ang araw-araw na naglilinis doon. Malayo ang nakasulat na halaga ng pera sa resibo sa halagang idinedeklara ng aking biyenan na pinapadala ng kanyang anak. Madalas nga ay magdamag sa sugalan si Nanay Lumen. Ang mga kapatid na babae ni Billy ay nagpapaligsahan sa pag-order ng mga kung anu-anong mga gamit dahil walang araw na hindi titigil ang delievery rider sa tapat ng bahay at tinatawg sila para sa kanilang mga order sa mga online shop. "Senyora, mawalang galang na ho, ngunit ano ho ba ang nais niyong sabihin sa akin?" untag ko na. Nais ko na kasi na ako ay kanyang diretsahin sa anuman na kanyang nais sabihin. At saka, ayoko na sinasabi sa iba ang tungkol sa pamilya ni Billy. Pamilya ko na rin sila kaya kailangan ko silang galangin. "May nais sana akong ialok sayo na dapat mong gawin na siguradong makapkapagpabago ng buhay mo at ng anak mo ngunit mukhang hindi ka pa talag natatauhan sa pagiging martir mo." Tugon ng aking amo na sumandal pa sa sandalan ng kanyang bangko ay ipinatong pa ang kanyang mga kamay sa ibabaw ng lamesa. "Ano ho ba ang dapat kong gawin? Bago ho ba na trabaho para sa akin? Sigurado po na kaya ko yan dahil inalok niyo po ako?" usisa ko pa. "Trabaho? Maaaring ganun na nga. Kaya mo siyang gawin pero dahil mukha hindi mo kayang iwan ang tatay ng anak mo at umaasa ka sa pangako niya na pakakasalan ka at magsasama kayo kasama ng anak mo pag-uwi niya. Hindi mo pa rin kaya na umalis sa poder ng pamilya niya kahit masyado ka ng inaapi at pinagmumukhang tanga." Lalo akong nag-isip kong ano bang klase ng trabaho ang nais na gawin ko ng Senyora. At bakit kailangan kong iwan si Billy at umalis sa bahay nila? Kawawa si Arthur kapag umalis kami sa bahay ng tatay niya. Lalaki ang anak ko na walang ama. "Ano ho bang kasin mg trabaho, Senyora?" untag ko pa. "Sasabihin ko lang sayo sa oras na magdesisyon kang kalimutan na ang tatay ng anak mo at ang buong pamilya niya, Irene. Isa lang ang masisiguro ko sayo, giginhawa ang buhay mo at ng anak mo. Hindi na magkakapaltos ang mga palad mo sa paghawak ng walis. Hindi ka na makikipaglabada o makikikain pa sa ibang tao maibsan lang ang kumakalam mong sikmura. Hindi mo na po-problemahin ang gatas at pagkain ng anak mo. Maging ang kinabukasan niya ay masisiguro mo na. Kaya mag-isip ka na habang maaga pa, iha. Madali akong mainip at naka ialok ko na sa ibang babae ang pagkakataon na umahon sa kahirapan. Mamili ka, impyernong buhay kasama ng tatay ng anak moo maginhawang buhay na pwedeng mangyari sa oras na iwan muna ang buhay mo ngayon?" Nagulumihan ako. Hindi ako bibiruin ni Senyora tungkol sa maginhawang buhay dahil napakayaman niya naman talaga. At ano naman ang dahilan niya para biruin at pasakayin lamang ako mga sinasabi niya kung wala naman itong katotohanan na tutuparin niya? Ngunit ano ba ang trabaho na nais niyang gawin ko at may kondisyon pa na dapat ko ng iwan at talikuran ang buhay na pinagtitiisan ko para sa walang katiyakan na pangako ni Billy? Ano kaya ang dapat kong gawin? Ano ang dapat kong unahin? Ang buong pamilya para sa anak ko o ang pangarap kong magandang buhay para sa kanya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD