Episode 6

1573 Words
"Nay, ako na po ang gagaw niyan," agaw ko sa mga hinuhugasan na gulay at prutas ni Nanay Odet dito sa lababo sa kusina. Tapos na akong maglinis sa labas kaya narito na naman kami ni Arthur sa kusina at pagkatapos ko nga na mag-almusal ay tinulungan ko na si Nanay Odet sa pag-aasikaso sa kanyang mga trabaho. Napag-alaman kong wala na pa lang ibang kasambahay sa malaking bahay na ito kung hindi si Nanay Odet. Ayaw daw kasi ni Senyora Juana ng maraming estranghero na nakikita sa loob at labas ng kanyang bahay kaya iilan lang pala talaga kami na naglilingkod dito sa kanya. Kapag maglilinis daw ng bahay ay tumatawag na lang sila ng mga on-call na mga cleaners. Ang mahalaga raw ay may nagluluto ng pagkain, may guwardiya na nagbabantay sa gate at ako nga na nagpapanatili ng kalinisan sa labas ng bahay. Nagtataka nga ako at bakit may nurse na babae akong nakikita dito. Inisip ko na baka para may aalalay kay Senyora Juana ngunit lagi naman wala sa tabi ng aking amo ang nurse. Gusto kong magtanong ng magtanong kay Nanay Odet tungkol sa pamilyang ni senyora ngunit naisip kong hindi kaya maging katulad na ako ng mga tsismosa kong kalilala? Narito ako para magtrabaho hindi para mag-usisa sa buhay ng amo ko. Pauwi na sana kami ni Arthur ng makiusap si Nanay Odet na kung pwede ay tulungan ko siyang maglaba dahil hindi raw maganda ang pakiramdam niya. Gumawa na lang ako ng paraan para magkaroon ng duyan si Arthur at mapatulog ko na muna. Naghanap na lamang ako ng tali at lumang kumot na siyang ginamit ko. "Nay, huwag na po kayong tumayo. Magpahinga na lang po kayo diyan at ako na ang bahala sa mga labahin niyo," wika ko pa kay Nanay Odet na tumatayo pa sa kung saan siya nakaupo. "Nakakahiya naman, Irene. Hayaan mo at aabutan kita dahil ikaw na ang naglaba." Napapailing at napapangiti na lamang ako sa mga sinasabi ng matandang babae na hawak ang tali ng duyan ng anak kong tulog na tulog na sa kanyang duyan habang inuugoy. "Nay, maliit na bagay po itong ginagawa ko kumpara sa tulong nagawa niyo sa akin. Hindi na po umiiyak ang anak ko dahil wala siyang gatas. Nabayaran ko pa ho ang mga utang ko dahil nagkaroon ako ng magandang trabaho ng dahil po sa inyo ni Ate Belen." Habang-buhay kong tatanawin na malaking utang na loob na nakapagtrabaho ako dito sa loob ng Villa ng dahila sa mag-ina na tumulong sa akin. Si Ate Belen ay Nanay Odet nga "Irene, katulong lang din ako na sinasahuran. Masipag ka at malinis magtrabaho ayon kay Belen kaya ikaw ang napili ko lalo pa at nalaman ko ang kwento tungkol sa nakakaawa mong kalagayan doon sa mayabang na pamilya ni Lumen," saad naman ni Nanay Odet. Mas nakikita ko pa nga ang pagmamalasakit ni Nanay Odet sa anak kong si Arthur kaysa sa tunay na Lola ng anak ko. Wala akong naalala na kinarga man lang ni Nanay Lumen ang apo niya. Nagkwento si Nanay Odet tungkol sa pinagdaanan niya sa buhay lalo pa noong maliliit ang mga anak niya na siya na lang pala ang nagtaguyod dahil maagang nawala ang kanyang asawa. Kaya nga raw ako rin ang pinili niya sa mga nag-apply na maglinis-linis sa villa ay dahil nga rin sa mga nalaman niya tungkol sa akin. Mga kumot, punda ng mga unan, bedheet at mga kurtina ang mga nilalabhan ko na ayaw na ayaw daw nilalabhan sa washing ni Senyora Juana. Kaya naman mano-mano ang laba ko. May mga tuyong damit pa ang nakasampay sa mga bakal na sampayan kay isinilong ko muna. Laking pagtataka ko na may makita na damit panloob ng lalaki at may mga damit din. "Baka kay Manong guard?" tanong ko sa aki g sarili ngunit ako mismo ay hindi kumbinsido. Hindi naman sa pangmamata ngunit branded ang lahat ng mga kasuotan na isinilong ko. May kakayahan naman siguro na mamili ng branded si Manong guard pero dahil kapareho ko lang siya dukha kaya malamang na mas uunahin niya ang bumili ng pagkain kaysa sa mamahalin na mga damit. "Nay, saan ko po ito ilalagay?" tanong ko na hindi ko alam kung saan ko ilalapag ang mga isnilong ko. "Ilagay mo sa hamper na kulay itim. Kailangan pang plantsiyahin ang mga damit bago iakyat sa itaas at ilagay sa mga cabinet. Tinapos ko na rin ang mga nilalabhan ko ngunit hindi pa rin bumubuti ang lagay ni Nanay Odet kaya ako na rin ang nagpresinta na iplantsa ang mga sinilong kong mga damit. Nakatulog na rin si Nanay Odet sa bangko kung saan siya nakaupo kaya naman hindi ko na inabala pa. Ngunit maya-maya ay may narinig kong tila tumatawag mula sa itaas ng bahay sa pamagitan ng tunog ng isang bell. Si Senyora Juana ang tumatawag kaya pinatay ko muna ang plantsa at ako na ang nagdesisyon na umakyat sa itaas hanggat tulog pa rin si Arthur. Urong-sulong man sa pag-akyat ay itaas ay umakyat pa rin ako at baka may importanteng sasabihin o ipagagawa si Senyora Juana. Napakaluwag din ng espasyo sa ikalawang palapag. Kahit dito sa itaas ay may malaking sala. Ngunit naalala ko na hindi ko naman alam kung saan ang silid ni Senyora. Ilang beses na akong umiikot-ikot ngunit wala pa rin akong makita na kahit ano o kung sino. Langitngit ng pagbukas ng pinto ang nagpalingon sa akin sa isang silid. May lumabas na babae na naka suot ng uniporme ng isang nurse. Ngunit bago niya pa naisara ng tuluyan ang pinto ay nakita ko kung ano ang nasa loob ng silid. Hindi normal na silid para sa isang bahay dahil kung susuriin ay para bang nasa ospital. May oxygen tank akong nakita at mga aparato na bukod tanging sa loob lamang ng ospital matatagpuan. At higit sa lahat, may pasyente na nakahiga sa kama. Hindi ko lang alam kong lalaki ba o babae ang tahimik na nakahiga sa kama. Nang magtagpo ang aming mga mata ng nurse ay tumango lamang siya sa akin at ngumiti at saka na muling pumasok sa silid. May itinapon lang pala siya sa trash can. "At anong ginagawa mo rito sa taas ng pamamahay ko, Tont?!" Tila yata nawala ang kaluluwa ko sa katawan ng marinig ang mabalasik na tinig mula sa aking likuran. Sinalakay ng kaba ang aking dibdib at dali-daling humarap kay Seyora Juana. "Pasensya na po, Senyora. Narinig ko po kasi na tinatawag niyo si Nanay Odet. Masama po kasi ang pakiramdam ni Nanay kaya po nakiusap sa akin na mamaya na po kami umuwi ng anak ko. Nakaidlip na po kasi si Nanay ng tumatawag na po kayo kaya ako na po ang nagtungo." Paliwanag ko. "Bakit? Napano ba si Odet?" untag ng aking amo na nag-iba ang timbreng boses ng malaman na masama ang pakiramdam ng kanyang kasambahay. "Nahihilo raw po kasi siya, Senyora." Tugon ko pa. Matapos marinig ang sagot ko ay nagtungo sa ibaba si Senyor Juana na agad kong sinundan. Itinuro ko kung nasaan nagpapahinga si Nanay Odet na naabutan pa rin naming natutulog gaya ng anak ko. Pinagmasdan naman ni Senyora ang paligid. Ang anak kong kumot ang duyan. Ang mga nilabhan ko at maging ang hindi pa tapos kong plantsahin. "Napagod siguro ng husto si Odet sa paglalaba at pagpapalantsa ng mga damit kaya nahilo." Komento pa ni Senyora. Ngunit sabi ni Nanay ay baka raw nagpapabago na ang kanyang salamin sa mata kaya siy nahihilo. "Nahihilo na po si Nanay mula pa ho kahapon. Nagpapatulong nga po siyang maglaba ngunit hindi ko na po siya pinayagan at baka po mapaano siya." Kwento ko. "What do you mean? Ikaw ang naglaba ng lahat ng mga yan?" usisa ng aking amo. "Opo, senyora. Huwag po kayong mag-alala, hindi ko po sinalanv sa washing. Mano-mano ko pong nilabahan. At marunong din po akong mamalantsa. Kaya ako na rin po dito sa mga plantsahin para po wala ng masyadong gagawin si Nay Odet," sambit ko pa. Nilapitan ni Senyora Juana ang mga nilabhan ko at pinagmasdan. Gayundin ang mga natapos kong plantsahin. Lalo akong kinabahan at baka hindi niya magustuhan ang paglalaba at plantsa ko. "Marami ka naman pa lang alam na gawin kaya hindi kayo magugutom ng anak mo. Ngunit hanggat hindi ka umaalis sa poder ng pamilya ng anak mo ay mananatili kang isang tonta sa paningin ko." Natigilan lang ako sa narinig at bahagyang nagyuko ng ulo. "Bakit ka magtitiis gayong mas marami ka pang alam na trabaho sa tatay ng anak mo? At huwag mo akong sasagutin na kaya ka nagtitiis ay dahil mahal mo? Dahil masasabunutan kita ng hindi oras kahit hindi rin kita kaanu-ano." Napaka prangka talaga ni Senyora Juana. Sasabihin niya ang kanyang nais na sabihin. "Itabi mo na muna ang mga plantsahin na yan at saka na lang gawin. Marami namang malinis na damit. Magluto ka ng makakain sa kusina." utos ni Senyora at saka na ako tinalikuran. Ngunit nakaka ilang hakbang pa lamang siya ng muli akong balingan. "And one more thing, anuman ang nakita mo sa loob ng silid sa itaas ng bahay ay hanggang doon lang. Ayoko na malalaman ko na may sinasabi ka ibang tao tungkol sa kung anong nakikita mo sa loob ng pamamahay ko. Maliwanag ba?" Napatuwid ako ng tayo. "Opo, Senyora. Makakaasa po kayo." Natataranta man ay hindi naman ako nautal sa pagtugon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD