Episode 5

1518 Words
Aaminin kong medyo natakot ako sa pinakitang ugali ni Senyora Juana sa akin noong una kaming nagtagpo sa kanyang malakawak na bakuran na aking na aking winawalisan. Ngunit gaya nga rin ng sabi ko, natitiis ko nga ang murahin ako ng pamilya ni Billy kahit hindi naman nila ako palamunin ay ang ugali pa kaya ng taong dahilan kung bakit maayos ko ng nabibili ng gatas at iba pang mga pangangailangan si Arthur? Ayos naman ang kalagayan ko sa Villa kaya hanggat hindi naman ako pinapaalis ay doon lamang ako magtatrabaho. Hindi ko na rin naman nakausap ang aking amo simula ng araw na iyon bagamat lagi ko naman siyang nakikita na asotea ng kanyang malaking bahay na nakaupo lamang mag-isa at tila kay lalim lagi ng kanyang iniisip. Kaya ang una ko talagang nililinisan ay ang harap bahay. Sinisiguro ko na walang kahit isang tuyong dahon ng mga puno at halaman ang makakaligtas sa aking paningin. Pasalamat nga ako at marunong makisama si Arthur at hindi nasusumpungan na umiyak kahit gising siya habang ako sa ay nagwawalis o kaya naman ay nag-bubunot ng mga d**o sa kapaligiran. Iniiwasan ko talaga na makabulahaw ang anak ko lalo na kapag namamataan ko ang amo namin na nasa paborito niyang lugar kung saan siya nagmumuni-muni. Mahirap ng mapagsabihan muli at matawag na tonta. Kahit hindi naman ako college graduate ay alam ko kung ano ang ibig sabihin ng salitang yon. Ngunit sa kabilang banda ay tama a may punto naman talaga si Senyora Juana sa lahat ng sinabi niya tungkol sa akin. Siyempre, hinndi lang naman siya ang nagsabi na tanga ako. Maraming tao na ang nagsabi sa akin na tanga ako at nagpapakamartir sa pamilya ni Billy na wala namang respeto sa akin bilang nanay ng anak ko na kadugo nila. Alam mong sobra na ngunit mas pinipili ko na lang talaga ang manahimik at magpakumbaba alang-ala sa tatay ng anak ko. "Irene, magmeryenda ka na muna doon sa likod-bahay. Tama na muna ang pagbubublnot mo ng mga d**o at hindi naman tatakbo ang mga yan," yakag sa akin ni Nanay Odet at saka pa nilapitan si Arthur at inabutan ng matigas na biscuit. "Itabi ko lang po itong mga gamit ko, Nay. Sunod na po kami ni Arthur." Tugon ko sa matanda na siyang nagpasok sa akin dito. Heto pa ang nagustuhan ko dito sa Villa ay nalilibre kami sa pagkain ni Arthur. Ang sarap ng mga pagkain dito at talagang hindi kayang bilhin ng isang dukha na gaya ko. Pakiramdam ko nga ay tumaba na ako sa loob lamang ng dalawang linggo na pagtatrabaho ko. Alam kasi ni Nanay Odet ang kalagayan ko sa pamilya ni Billy dahil na kwento na sa kanya ni Ate Belen na kanyang anak. Si Nanay Odet pa nga ang nagsasabi na ubusin ko na ang lahat ng kaya kong ubusin na pagkain para huwag na ilagay sa refrigerator dahil hindi na rin kakainin pa ng aming mga amo. "Irene, mukhang nagkakalaman ka na? Hindi gaya dati noong una tayong nagkita. Humpak na humpak ang pisngi mo at mukha kang pagod na pagod." Komento ni Nanay Odet ng bigyan ako ng isang baso ng mainit na gatas. Nilunok ko na muna ang masarap na tinapay na may espesyal na palaman bago ako nagsalita. "Talaga po ba, Nay? Napansin ko nga rin po," wika ko pa. Natuwa talaga ako nagbabago na ang timbang ng katawan ko. Sobrang saya ko sa nalaman na unti-unti ng nagbabago ang dati kong pangangatawan. Dati naman na hindi ako ganito kapayat. Simula ng manganak ako at napilitan nga na maghanap-buhay para sa amin ni Arthur ay labis na ang ikinabagsak ng katawan ko. Idagdag pa na wala naman talaga akong makain. "Ikaw naman kasing bata ka, ano ba ang nakita mo sa Billy na yon at sumama ka? Tapos kahit pinagmamalupitan ka ng pamily niya ay hindi ka pa rin umaalis sa bahay na yon? Ano ka ba, balak mo bang maging isa sa tatlong paring martir o magpapabaril ka rin sa Luneta?" untag ni Nanay Odet sa akin na nginitian ko lang "Nay, si Billy at Arthur lang po ang mahalaga sa akin ngayon. Kung iintindihin ko po ang nanay, mga kapatid at mga kamag-anak niya po ay baka may makaaway lang ako. Kaya hinahayaan ko na lamang po sila. Wala naman po akong mapapala." Pahayag ko pa. "Tonta!" Naudlot ang sana ay pag-inom ko ng gatas sa narinig na tinig. Madali akong tumayo at inayos ang aking sarili. Pinunasan ko rin ang aking bibig para alisin kung may dumi man. Maging si Nanay Odet ay tumabi at tumahimik ng makita ang Senyora Juana na narito na pala sa kusina. Lumapit sa akin si Senyora kaya naman napayuko ako at halos hindi makahinga sa kanyang matapang na aking amo. "Magandang umaga po, Senyora Juana," ang natataranta kong pagbati. Hindi siya sumagot at mataman akong tinitigan. "At anong akala mo na pag-uugali mong yan ay pupurihin ka ng madla? Inaakala mo ba na babait at magiging mabuti sayo ang pamilya ng kinakasama mo dahil ikaw ay nagpapakadalubhasa sa pagiging martir? Isa kang dakilang tanga, iha. Isa kang tunay na boba! Iyon ang tamang itawag sayo at hindi ka kahanga-hanga kung iyan ang nais mong isipin ng mga tao sa paligid mo," sermon sa akin ng aking amo. Bagamat nawiwindang ako sa kanyang mga sinasabi ay nananatili lang akong nakahalukipkip at hawak ang hawakan ng stroller ng aking anak. "Kapag ganyan ka ng ganyan ay patuloy ka nilang aapihin. Tatapakan at aalimurahin na mas masahol pa sa hayop. Ganyan din ba ang nais mong gawin nila sa anak mo? Ang alipustahin gaya ng pagyurak nila sayong pagkatao? Kung ganyan ka kahina ay wala kang karapatan na magi g isang ina ng anak mo. Paano ipagtatangol sa lahat ang anak mo gayong ang sarili mo ay hinahayaan mo lang na isadlak ng wala rin namang mga kwentang tao, ganun ba ang nais mo?" Hindi ko alam kung bakit tila nararamdaman kong may kung ano sa tinig ni Senyora Juana habang pinagsasalitaan ako. "Patuloy ka nilang aapihin kung hindi ka lalaban ngayon din. Huwag kang duwag, huwag kang bobo at huwag kang tanga sa pesteng pag-ibig na nararamdaman mo sa tatay ng anak mo. Hindi na uso ang ganyang karakter sa panahon ngayon. Ang uso ngayon ay hindi na bidang api kung hindi bida na nang-aapi." Tumango ako ng sunod-sunod. "Opo, Senyora," sa pagkataranta ay naging sagot ko. Tiningan pa ako ni Senyora Juana mula ulo hanggang mga paa. Paulit-ulit niyang ginawa at saka ako inikutan. "Maganda ka pa naman sana, tanga nga lang," sambit pa ng Senyora bago umalis at lumabas na ng kusina. Ilang sandali pa ang dumaan bago ako nakahing ng maayos. Nagkatinginan kami ni Nanay Odet sa nangyari. "Maging sa ating amo ay nakatanggap ka ng matinding sermon, Irene. Pagpasyensiyahan mo na ang Senyora sa mga naging salita niya. Nais ka lamang niya sigurong gisingin sa katotohanan tungkol diyan sa pagtitiis mo sa pamilya ng kinakasama mo. Ang totoo ay wala naman akong makapang galit sa mga maanghang na salita galing sa aming amo. Dama ko rin na concern siya sa akin lalo na sa anak ko. Tama naman ang mga sermon niya bagamat gumamit siya ng hindi katanggap-tanggap na mga salita. Ngunit ano rin naman ang magagawa ko kung iyon ang tamang salita para sa akin? "Huwag ka sanang magdaramdam, Irene. Isipin mo ang buhay niyo nitong kaawa-awa mong anak," pag-alala pa ni Nanay Odet. Iniisip niya siguro na isa akong balat-sibuyas na agad ng iiyak at aalis sa trabaho dahil nakatanggap lang ng hindi magandang komento galing sa ibang tao. Umiling ako kay Nanay at saka ngumiti. "Nay, kung maririnig niyo lang po kung paano ako pagsabihan at murahin sa bahay ay baka kayo mismo ay hindi niyo masikmura." Sagot ko pa. Halos lahat yata ng hindi magandang salita ay narinig ko na at may kasama pang p*******t sa akin. "Ewan ko sayo, Irene. Huwag mong sayangin ang panahon mo anak. Gaya ng huwag mong buruhin ang kagandahan mo sa pamilyang yan habang naghihintay ka kamo na balikan ka ni Billy. Magising ka naman sa katotohanan hanggat hindi pa nila nagagawang saktan ang anak mo. Dahil kung nagagawa ka nilang ganyanin ay malamang ganun din ang anak mo na sila na nga mismo ang nagsasabing hindi nila kadugo, hindi ba?" Hindi naman nila sinasaktan ang anak ko dahil hindi naman nila nilalapitan. Kahit nga ang pabalat-bung na makipaglaro kay Arthur ay hindi nila nagagawa. Pero huwag naman sanang umabot sa maging ang anak ko ngang si Arthur ay pagbuhatan nila ng kamay. Hindi ko alam ang magagawa ko sa pagkakataong iyon. Hinahayaan ko na nga sila na natitiis kaming gutumin dahil kaya ko naman gumawa ng paraan at dumiskarte para makakain kami. Hinahayaan ko sila na ipagkalat ang tsismis na hindi naman anak ni Billy si Arthur dahil hindi naman totoo. Walang katotohanan kaya kahit nasasaktan ako ay pilit pa rin akong nagpapakalmado. Huwag lang nilang kakantiin kahit hibla ng buhok ni Arthur. Dahil tinitiyak ko at nakakatiyak ako, na maghahalo ang balat sa tinalupan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD