Episode 14

1503 Words

"Goodmorning, anak. Kamusta ang tulog mo?" tanong ko kay Uno na kagigising lamang. Kung ang ibang mga bata ay umiiyak kapag bagong gising, iba ang anak ko. Agad na siyang babangon at titingin sa akin. At kapag nagtagpo ang mga mata namin ay awtomatiko na siyang tatawa at may kasama pang palakpak. Malaki ang higaan namin ni Uno na napapalibutan ng mga harang para nga hindi siya mahulog kahit pa malikot siya matulog o kaya ay magising siya sa kalagitnaan ng pagtulog ko. "Ano, nak? Hindi ka na pinapapak sa kagat ng mga lamok? Hindi na rin mainit kaya masarap ang tulog mo kaya tulo laway ka pa." Sabay turo ko sa nakabakas na gatas o laway sa gilid ng bibig ni Uno. Wala ng kahit anong insekto dito sa bago naming tahanan ng anak ko. Kaya wala ng kahit anong bakas ng kagat ng lamok o langgam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD