Episode 38

2208 Words

Pakiramdam ko taon ang itinagal ni Senyora Juana sa loob ng operating room. Ngunit sulit naman dahil matagumpay ang naging operasyon sa kanya at kasalukuyan na siyang nasa recovery room. Nang mga oras na makita ko na humihinga pa ay tila gusto kong magtatalon sa saya. Wala akong tigil sa pagbulong ng pasasalamat sa Maykapal. Kasabay din naman ng pagiging masaya ko ay ang naramdaman ko ng tila bibigay na ang katawang lupa ko. Naupo muna ako sa isang silya malapit sa silid kung nasaan si Mama. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog pero nagising ako sa pagkalam ng sikmura ko. Sinilip kong muli si Mama. Napangiti ako ng walang buhay ngunit sa kaibuturan ng puso ko ay masayang-masaya ako na okay na siya. Nangapa ako ng pera sa bulsa ng suot kong short na mabuti naman at mayroo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD