Chapter 30

1721 Words
ALEXIS ALEJO Even though it has already been 3 weeks since those tragic things happened, I still feel the pain throb in my chest whenever I remember the two people I loved, my dad and Terrence. Kahit papaano ay unti-unti ko nang tinanggap sa sarili ko na wala na si Papa, subalit sa tuwing iisipin ko na pinatay siya at ang taong pumatay sa kanya ay pinatay rin parang gusto kong magwala, and yet wala akong magawa para hanapan ng hustisya ang ama ko. At si Terrence... Napatingin ako sa malawak na karagatan, naroon ako sa crash site. Tatlong katawan ang hindi pa rin nahahanap ng mga rescuer sa pangatlong araw nilang paghahanap hanggang tuluyan na nga silang sumuko. Subalit ako, hanggang wala akong nakikitang katawan ni Terrence, patuloy akong aasang buhay pa rin siya... Nasaan ka na, Terrence? Tanong ng aking isipan. "Ang sabi mo hindi mo ako iiwan..." nakaramdam ako ng pagbigat ng aking dibdib, kasabay ng pamumuno ng luha sa aking mga mata. "Ang sabi mo hindi mo ako papaiyakin... pero anong ginawa mo?!" malakas kong sigaw sa asul na karagatan! "AAHH!!!" tuluyan na ngang tumulo ang mga luha ko, parang tinarakan ng matalim ang puso ko! Darn it! Gusto kong magwala ngunit pakiramdam ko wala na akong sapat na lakas para gawin 'yon dahil sa ilang araw kong pag-iyak! Humugot ako ng malalim na buntong-hininga at pinahid ang mga luha ko. At sinamaan ng tingin ang karagatan! "Hoy Terrence Altamonte! Kung nasaan ka man! Magpakita ka na sa akin! Kapag hindi ka—" I paused as my chest started aching again. Pumikit ako upang kalmahin ang sarili ko kapagkuwan ay muling tumingin sa karagatan. "KAPAG HINDI KA AGAD BUMALIK MAGSISISI KA TALAGAAA! HINDI LANG HAMPAS AT BUGBUG ANG SASALUBONG SA 'YO! HOY IDIOT! HUWAG MO AKONG PAGHINTAYIN NG SOBRANG TAGAL!" malakas kong sigaw na nagdulot pa ng pag-echo sa paligid! Natahimik ako sandali. Pagkaraan ay kinuha ko ang bote na may laman ng mensahe ko. *FLASHBACK* "Naniniwala ka ba sa message in the bottle?" mayamaya ay tanong ni Terrence na ikinakunot ng noo ko. "Don't tell me naniniwala ka sa bagay na iyon, Terrence?" natatawang tanong ko. Kasi hindi naman ako nagpapaniwala sa ganyang bagay. "Psh! Oo naman!" nakasimangot niyang anas dahil alam niya na pinagtatawanan ko siya dahil naniniwala siya sa mga ganoong bagay. "Totoo kaya na kapag nagtapon ka ng bote na may lamang wish mo sa dagat na malayo sa dalampasigan tapos bumalik iyon sa buhanginan, your wish will definitely be granted!" Napailing ako na may nakakurbang ngiti sa labi. "No, I wouldn't believe that. Gawa-gawa lamang kasi 'yan ng mga tao, at kung na-grant nga 'yong wish nila ay baka nagkataon lang." I raised one brow and smile in mockery. "Tsk! Tsk! Akalain mo nga naman, si Terrence Altamonte ay naniniwala sa mga ganoong bagay na sa pagkakaalam ko ay tanging babae lamang ang naniniwala!" *END OF FLASHBACK* Natawa ako ng pagak habang nakatitig sa bote. "Kita mo nga naman. I really can't believe na gagawin ko 'to— pero wala namang mawawala sa akin kung humiling ako at maniwala," huminga ako ng malalim. "Please, make my wish come true," pagsusumamo kong bulong sa bote pagkaraan ay buong lakas ko iyong inihagis sa dagat. Sinundan ko pa iyon ng tingin hanggang sa tuluyan iyong bumagsak sa dagat at sumabay sa anod nito... Terrence... Alam ko... nararamdaman kong buhay ka. Hanggang patuloy ang puso ko sa pagtibok para sayo, maghihintay ako sa pagbabalik mo— kahit gaano pa iyon katagal abutin. Ang bulong ko sa aking sarili. Ngunit huwag ka sanang magtampo sa akin kung hindi ko na ipagpapatuloy ang paghahanap sa'yo pero sigurado naman akong hindi susuko si Gov. hanggang hindi ka nakikita ngunit sa ngayon—ah... I know you will understand me. Alam kong maiintindihan ako ni Terrence dahil sa tingin ko, ayaw niya rin na magmukmok ako sa isang tabi lamang. At tama rin si Gov. siguradong mas gugustuhin ni Terrence na ipagapatuloy ko ang buhay ko at magsimula uli habang wala siya. Naniniwala ako kay Gov na makikita nila si Terrence. Tiwala lang. TWO days later... Pumunta ako ng HQ upang magreport. Tapos na kasi ang suspension ko. Gulat na gulat ang mga kasamahan ko sa HQ ng makasalubong nila ako sa pagpasok. Agad kong nakita ang malalaki nilang mga ngiti. "Alex!" Pagkalingon na pagkalingon ko ay sumalubong ng mahigpit na yakap si Myka! It's been a while ng nawalan ako ng communication sa kanila— sa mga kaibigan ko because I also shut myself off from them... "Oh my God! I'm really happy to see you!" ang masayang-masayang anas niya ng kumalas siya sa akin. Tinitigan pa niya ako ng matagal. "Grabe, ang laki ng ikinapayat mo." "We missed you, Alex!" si Joyce na matamis na nakangiti. "Oo nga, Alex. Buti naman bumalik ka na!" masaya namang wika ni Dan. "Si Boss kasi, bigla-bigla ka nalang sinususpende. Tsk! Tsk!" palatak nito habang umiiling. "Yeah, but we're glad na tapos na ang suspension mo at balik ka na uli dito!" Nakangiti namang sabi ni Myka. "Hey Lex! Nice to see you again!" ang nakangiti namang bati ni JP na kakapasok lang! "Babalik ka na ba talaga?" agad na tanong nito, nagsipaglapitan naman ang iba pa. Napakamot ako ng pisngi. Talaga naman, pero bahagya akong ngumiti. To think na ganito nila ako sasalubungin. Nakaramdam ako ng tila gaan sa dibdib dahil sa pagsalubong nila! "Gagi, ano sa tingin mo gagawin ni Alex dito, makikipaghabulan kay Boss?" nakangusong sabat naman ni Karen na may yakap-yakap na mga folders. "Tsk! Nagtatanong lang, eh. Ano Alex?" balik tanong nito sa akin. "I think so. Actually, kakausapin ko pa muna si Boss Kevin. Though tapos na ang suspension ko, still, hindi ibig sabihin no'n ay pababalikin na agad ako ni Boss sa serbisyo. Kaya kailangan kong magreport muna sa kanya." ang tugon ko. Hindi naman ako nagsabi kay Boss na pupunta ako ngayon, biglaan lang talaga ito matapos kong makapag-isip isip. "That's good to hear!" ang sabi pa ni JP! "I think you should speak with him." Napakunot ang noo ko sa sinabing iyon ni JP kaya ay nagtatanong na mga mata ang ibinaling ko kay Myka. "Bakit anong meron?" taka kong tanong. Nagkibit-balikat lang si Myka. "Mas mabuti pa siya ang kausapin mo." Nagtataka man ay napatango nalang ako. Bigla tuloy akong nacurious. Anong meron? Matapos nang pag-uusap namin ni Boss that time wala naman itong ibang binanggit. Ahm—paano nga pala ito magsasalita kung ganoong ugali ang ipinakita ko sa kanya. Ilang sandali pa ay nasa harap na ako ng pintuan ng silid ni Boss Kevin. Ilang beses akong humugot ng buntong-hininga. I straighten my back then marahan akong kumatok ng tatlong beses. "Come in." ani ng boses mula sa kabilang bahagi ng pinto. Kaya naman ay ipinihit ko ang doorknob at pumasok sa loob. Nakita kong nakatayo sa harap ng bintana si Boss. Matapos kong isara ang pinto ay lumapit ako sa may desk niya. Pormal ang mukha niyang tumingin sa akin kapagkuwan ay ngumiti. "I'm glad you came back. And that means our agent, Alexis Alejo, came back from the dead," nakangiting ani ni Boss. Nagulat man ay bahagya akong ngumiti. "Yes, Boss. Pasensya na po kung matagal bago ako natauhan-" "Ah, no. You shouldn't be. Nauunawaan ko naman ang pinagdadaanan mo. Isa pa ako ang dapat humingi ng dispensa sa huling pag-uusap natin. Subalit alam mo kung ano ang batas natin dito sa agency and also when it comes to cases such as yours. Alam kong nais mo mabigyan ng katarungan ang iyong ama, but because it would involve emotion, baka imbes na mapadali mo ang kaso ay mas lalo lamang itong maging mahirap and eventually, it could hurt you. And I'm fully aware that your heart and mind are not prepared to handle your father's case." mahabang pahayag ni Boss. Napabuntong-hininga ako. "Nauunawaan ko naman po iyon, Boss. To be honest, I got mad, but eventually I realized why you didn't want me to handle my father's case. At tama kayo, kahit naman hawakan ko ang kasong iyon, mahihirapan lang akong resolbahin iyon dahil sa nangyari kay papa at kay Terrence. Masyadong magulo ang isip ko ng mga panahong iyon that made me lost my track and made my family worried," nakayuko kong saad. "Dahil sarili kong emosyon ay hindi ko magawang kontrolin and I really need time and space... well..." napakamot ako ng ulo. "A good piece of advice from those around me to wake me up from the darkness I've been in." Tumingala ako upang direktang tumingin kay Boss. "Jeez, hindi ko akalaing aabutin ng tatlong linggo ang pagmumukmok ko, Boss. Though paunti-unti ay natatanggap ko ng wala na si papa, ngunit si Terrence— I know Gov. will find him soon." Napangiti at nagpatango-tango si Boss. "I know he will be back. Alam kong ayaw niya rin akong nagmumukmok ng ganito. I want to welcome him back with my old self— that Alex he met before." Lumapit si Boss sa akin sabay tapik sa aking balikat. "That's the Agent Alex I know. Malaki ang tiwala kong marerealize mo ang kailangan mong gawin, even if it takes three weeks. And yeah, siguradong magiging masaya si Terrence kapag nalaman niyang hindi mo pinabayaan ang iyong sarili. Don't worry, katuwang ni Gov. ang ating ahensiya sa paghahanap kay Terrence." Tumango ako at ngumiti. Masaya ako sa aking narinig. Bumalik na si Boss sa pag-upo sa upuan niya. "Anyway, change the topic. Since you are already here, does that mean you are ready for your next mission?" Muli akong tumango. "Yes, Boss." I paused, then continued. "But before that Boss— pasensiya na if I cross a boundary again, but I want to know if may update na po ba sa imbestigasyon sa kaso ni papa?" I hope there's an improvement in the case. "Well, Alex, may bagay na hindi ako nasabi sa 'yo that time dahil na rin sa nakita kong emosyon mo," naging seryoso ang tono ng kanyang boses na ikipinagtaka ko. "Ano 'yon, Boss?" "You know me and Nuviez talked the day before he was killed, right?" Napakunot ang noo ko at biglang naging interesado sa kanyang sasabihin. Eto 'yong nais kong malaman! Kung ano ang ikinonfes ni Ninong Hans kay Boss Kevin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD