ALEXIS ALEJO
One week and 5 days have passed....
Bigo pa rin akong makahanap ng ebidensiya sa pagkamatay nina papa at ninong Hans. I even contacted all my informant but failed. Nakibalita ako sa mga ka-agents ko na may hawak ng kaso subalit tikom ang kanilang bibig tungkol sa kaso ni Ninong Hans dahil oras na may ilabas silang info sa akin, they will be suspended too. Kahit sina Myka ay wala ring masabi dahil ginawang Class S ang confidentiality ng kaso.
And for the past 3 days, nakakulong lamang ako sa aking silid with the lights dimmed and the curtains drawn over the windows. It's just that I felt disappointed in myself because I'm such a failure.
And I lost everything— My job... my father.... and...
Terrence... bulong ko sa aking sarili.
Almost 2 weeks na pero hindi pa rin ito nahahanap. Nakaramdam ako nang bigat sa aking puso sa isiping iyon.
"Kung kelan kailangan kita, doon ka pa mawawala," tila baliw na nagsalita ako mag-isa. "Kung kelan kailangan ko ng k-karamay, saka ka w-wala," napapiyok ako.
Nang maramdaman ko na ang pagtulo ng mga luha ko, I bend and hug my knees. Napasubsob ako sa tuhod ko at muling umiyak.
"Idiot, nasaan ka na ba? K-kailangan kita, please c-come—back." Ang umiiyak kong bulong sa aking sarili.
Sana... sana bumalik na si Terrence.
Kinabukasan ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Gov. Altamonte, may nais daw itong sabihin ng personal. Kaya naman ay agad akong kumilos upang mag-ayos. Ilang sandali pa ay tinatahak na ng motor ko ang daan patungo sa Mansion ng mga Altamonte.
Pagkaraan pa ng ilang minuto'y nasa harap na ako ng gate ng mansion.
Agad naman akong pinagbuksan ng guard. Subalit napahinto ako sa paghakbang pagkapasok ko sa pintuan ng mansion. I felt my heart squeeze so hard as those memories comes like a flashback!
*FLASHBACK*
"Anong nangyayari dito?" si Governor.
"Wala namang kwenta 'yang hinire mong bodyguard, dad!" ang galit na boses ni Terrence ang ikinataas kong isang kilay ng muli ko siyang balingan and his pointing one finger at me. "May taong nakapasok sa kwarto ko, buti na lang nagising ako dahil kung hindi, baka pinaglalamayan niyo na ako ngayon!" gigil na sabi nito na matatalim ang tinging pinukol sa akin.
Masyado namang exagg 'tong lalaking 'to. Para namang may ginawa ako sa kanya. Lol! Kahit rap*st hindi magtatangkang masama sa'yo! Ang sa loob-loob ko.
"You're supposed to be my bodyguard pero mas masarap pa yata ang tulog mo kaysa sa akin at hindi mo nabantayan ang pagpasok ng taong iyon sa kwarto ko!"
Nagpanting naman ang tenga ko. Say what?! Bodyguard po ako, pero hindi ibig sabihin 24/7 akong dilat! Hindi na lang ako kumibo dahil una kasalanan ko rin dahil nagpabaya ako at pangalawa hindi ko siya pwede barahin dahil nasa harap kami ni Governor, baka isipin pa niya na wala akong modo.
"Pasensiya na. Hindi na ito mauulit." I said it directly looking at his eyes.
-------------------------------
"Di ba sabi ko, d'yan ka lang!" ang angil niya sa akin na ikasingkit ng mata ko. "I mean, just stay there. Kukuhanan kasi tayo ni Kenneth ng picture."
"Bakit mo namang naisip na magpapicture kasama ako?" pasarkastiko kong tanong saka nagcross arms pero pinapakiramdaman ko ang paligid.
No way na mahuhulog ako sa pambatang prank na 'to.
"Ah... as a thank you souvenir ko para sa'yo dahil sa ginawa mo para sa akin at sa pagtanggap ko sa'yo bilang bodyguard ko. We have a deal yesterday, remember?" ang sabi niya habang nakangiti pa rin.
"Ok fine." ang sabi ko kunyari saka ngumiti na rin.
Tumabi si Terrence but not that close ha, may konting space sa pagitan namin, as-in nasa labas lang siya ng bilog. Souvenir na picture? Hah! With this space? Para ka namang nandidiri sa akin niyan. I notice him looking at them and nod. Agad nahulli ng mga mata ko na may tinignan ang isang kaibigan ni Terrence sa itaas namin, kaya napaangat ako ng tingin saktong may baldeng nahulog direkta kay Terrence ng bigla ko siyang hilahin sa loob ng bilog.
-------------------------------
"Tss. Eh ano ngayon kung inlove ako sa'yo?"
-------------------------------
"Buti naman dumating ka na! Ang akala ko bangkay na ako kapag inabutan mo! Kung alam mo lang kung paano ako umiwas at nakipagpatentero sa mga lumilipad na bala para lang makontak ka! Tsk! Kung hindi mo ako iniwan hindi ko sana sasapitin 'to!... Naiintindihan ko na nag-aalala ka kay Nathan pero dapat inisip mo, ako ang responsibilidad mo at hindi siya! Sige, isipin mo nang nagseselos ako pero oo, nagseselos nga ako!"
"Kaya sa susunod mag-isip ka muna bago mo ako iwan! Tss! Bodyguard kita pero mas inuuna mo ang iba keysa sa akin!"
-------------------------------
"Alex, ayokong maulit muli ang nangyari noon," ang sabi niya at bumuntong hininga. "The past trauma I experienced... I never wanted it to happen again, especially to the woman I truly loved. That's why I was so afraid for your safety. At alam ko na naging masyado akong pakialamero sa mga ginagawa mo, I am sorry. I know wala ako sa lugar dahil wala naman talagang tayo, but I want to take my chances. Ikaw ang kauna-unahang babaeng minahal ko ng ganito, Alex."
"Alex... Hindi ko alam kung paniniwalaan mo ako, but this is the first time I fell in love. Oo, marami akong naging girlfriends but nothing serious," ang tila nahihiya niyang wika sabay kamot sa kanyang batok. "Napagtanto ko, that the first time you fall in love with the only person who your heart cherishes the most, it changes your life forever.... at kahit ano pang gawin ko, the feeling never goes away. Dahil kahit anong pilit kong ignorahin ang nararamdaman ko para sa iyo bandang-huli na-realize ko na pinapahirapan ko lang pala ang sarili ko dahil habang tumatagal, ang akala kong paghanga lang ay isa na palang love. Love na alam kong hindi matutugunan kahit anong gawin kong pagkuha sa atensyon mo."
"Alex, bigyan mo sana ako ng pagkakataong iparamdam sayo na mahal kita. At kung... dumating man ang time na hindi mo talaga ako kayang mahalin. Sa tingin ko iyon na ang hudyat ko upang sumuko at ako mismo ang kusang lalayo sa 'yo, Alex. I won't push myself to you any longer," habang sinasabi iyon ay humaplos ang kanyang palad sa pisngi ko.
"I love you, Ms. Bodyguard." and he hugged me gently. "I love you, Alex." he gently whispered in my ear almost like a hush.
*END OF FLASHBACK*
"Alex, iha."
Napaigtad ako nang marinig ko ang boses na iyon ni Gov. Altamonte. Napakurap ako matapos maalala ang mga bagay na iyon.
"I'm glad you're here." ang nakangiti niyang sabi nang makalapit siya sa akin.
"Kumusta po, Gov.?" ang bating tanong ko naman. Pinilit kong maging pormal.
He just released a sigh. "I'm fine, iha. Come, let's talk in my study room." ang aya niya sa akin saka nagpatiunang humakbang patungo sa study room habang ako naman ay nakasunod.
Umupo kami sa sofa na naroon. Pumasok doon si manang.
"Iha, anong gusto mong inumin?" tanong niya.
"Ayos na po sa akin ang juice," sagot ko.
Lumingon siya kay manang. "Manang, pakidalhan mo ako ng kape at juice para kay Alex."
"Sige po, Gov." agad namang tumalima ang matanda.
Matapos nitong maisara ang pinto ay muli akong binalingan ni Gov. Ano kayang gusto niyang pag-usapan?
"Alexis, hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. I heard about your situation from your mom." panimula niya na ikinamaang ko.
"Actually, ilang beses akong tumatawag sa'yo this past few days pero hindi ka sumasagot kaya naman ay naisipan kong kumustahin ka sa iyong ina.
Huh? Oo nga pala. Since I'm not in a mood for these past days, wala akong ginawa kundi magmukmok sa loob ng kwarto ko. Tila tumigil ang ikot ng oras sa mundo ko.
"I know you've been on a very difficult and painful road right now at nalulungkot ako dahil kaming nasa paligid mo ay walang magawa para maibsan ang bigat na nararamdaman mo. Terrence is missing, your father is gone, you've been suspended from your job and you're still in the midst of finding the truth about your father's case, but to no avail. Alam ko na sunod-sunod ang dagok na dumating ngayon sa buhay mo."
Napatungo ako at naikuyom ang kamao upang supilin ang damdamin kong unti-unti na namang umaahon.
"Minsan dumadating sa buhay natin ang mga ganyan and then due to what happened— we lost track. Hindi mo na alam kung ano ang uunahin at ang tamang desisyon— if you would go back to where you started or continue and move forward. But Alex—" he paused, and I looked up to him. "If you would not make a step backward nor forward, it is likely that you will find yourself trapped in your current position. And that mean— hindi mo magagawa ang mga bagay na dapat sa simula ay nagawa mo na. Hindi mo makakamit ang isang bagay kung hindi ka kikilos at magdedesisyon.It is better to suffer the pain as long as you're also moving and seeing the end of the road than to just suffer the pain without doing anything. It will make the pain more unbearable."
Hindi ako nakakibo because I know the governor has a point.
"Iha, ayokong nakikita kang ganito. I'd love to see the strong woman that I hired as my son's bodyguard. The woman my son falls for." hinawakan niya ang aking kanang kamay kaya napatitig ako sa kanya. "Alexis, iha, kaming nasa paligid mo ay nais na bumalik ka sa dating ikaw. Si Agent Alexis na matapang— na kahit anong pagsubok 'yan ay nakakayang harapin na may ngiti sa labi. Iha, I know even your dad won't be happy in heaven if he sees you like this sapagkat hinahayaan mo ang iyong sariling talunin ng pagsubok. And I know, kahit si Terrence ay hindi rin makakapayag. I may not be your father who can give you fatherly advice, alam kong hindi ko matutumbasan ang mga payo niya ngunit para na rin kitang anak, Alexis at hindi ko matiis na patuloy mong sinasaktan ang iyong sarili. Nag-aalala kaming lahat sa'yo."
Sa mga sinabi ni Gov. tuluyan ng umagos ang mga luha ko.
*Tok tok tok
Napapunas ako ng luha ng marinig ko iyon. Pumasok sa silid si manang dala ang tray ng inumin. Inilapag iyon ng matanda pagkatapos ay muling lumabas.
"Alexis, if you want to find the truth about your father's death, then it is time to go back to the track and move forward. I know you can do it because you are Agent Alexis Alejo."
Napatingala ako sa kanya, ngumiti siya sa akin. "Gov."
"And about Terrence, I know he still alive. Nararamdaman ko iyon bilang kanyang ama. So please, let me handle the search operation for my son, that way you can focus on your father's case. Para na rin mapanatag ang pamilya mo at sa tingin ko naman ay ayaw mo ring nakikita silang nag-aalala lagi sayo." he gave me a gentle smile while patted my hand.
Napatitig kay Gov. upang limiin ang lahat ng mga sinabi niya.
What am I doing? Napapikit ako ng mariin.I let my thoughts be cleared of any sad memories.... one by one, the faces of my loved ones came into view.
"I— I didnt realize na sa mga sandaling ikinulong ko ang aking sarili sa loob ng mundo ko, I just made the pain worse— I just made myself feel worse— I just made everyone around me worried." I open my eyes. "I forgot the life I have outside my world... Every life that I cherish. The people who care for me. I wasted the time I was supposed to be with them since I shut myself down. And now... I must make up for the lost time."
"And you still have time to make up for it... for those people who loved you and worried about you. Those people who are gone from our lives are not dead... they are inside our hearts because we loved them, they are inside our minds because we cherish their memories..."
Nagpatango-tango si Governor Gerald na nakangiti.
"Maraming salamat Gov. Salamat sa mga sinabi niyong muling nagpamulat sa akin sa dapat kong gawin."
Tumango siyang nakangiti. "Walang anuman iyon, Iha. Alam mo namang ayoko ring nakikita kang ganyan, lalo na sa panig ng pamilya mo."
"Tama po kayo Gov."
Matapos ang ilang sandali pa naming pag-uusap ni Gov. ay muli na akong bumalik sa bahay.
Pagkapasok ko sa pintuan ay nakita ko si mama na kasunod si Trisha mula sa kusina.
"O, Alex---" nagulat ito ng bigla ko na lamang siyang sinugod ng yakap.
'I'm sorry, ma." I said in an apologetic voice. "Pinapangako ko, sa pagkakataong ito, mabibigayan natin ng katarungan ang pagkamatay ni papa."
Naramdaman ko ang pagtapik ni mama sa aking likuran.
"Anak, natutuwa akong nagbalik ka na."
Mahigpit ko siyang niyakap, nagkangitian naman kami ni Trisha. Sa aking likuran ay naroon pala sina Kuya, nakangiting nakamasid sa amin.
Pagkaraan ay inakbayan ako ni Kuya Steven kaya napatingala ako sa kanya.
"Have you awakened now, Agent Alexis Alejo?"
Bahagya akong tumawa ng pagak saka tinignan sila isa-isa.
"Maraming salamat sa pang-unawang ibinigay niyo sa akin these past few days, alam kong hindi lang ako ang nawalan. We are family, and as family, we should be there for each other. Kahit na isinara ko ang sarili ko sa inyo, nariyan pa rin kayo para sa akin. I am sorry and I love you all!"
"Sus! Ang drama ng baby sister ko!" ang maiyak-iyak namang yakap sa akin ni kuya Steven.
"Mahal na mahal ka rin namin, Alex at sigurado akong ipinagmamalaki ka ng iyong ama." niyakap din kami ni mama.
"Group hug!" ang sabi ni kuya Jazz sabay yapos sa aming tatlo. Sinama rin namin si Isha.
I didn't lose everything... I have people who cared for me... I have my family who are always there for me...