Chapter 28

1022 Words
ALEXIS ALEJO SS Headquarters... "Come in." ani ng isang boses mula sa loob na alam kong kay Boss Kevin. Dumiretso na ako rito matapos namin sa presinto. Pagkapasok ko at pagkalapat palang ng pinto ay agad na akong nagtanong kay bioss Kevin pagkaharap ko sa kanya. "Agent Alexis." "Boss, alam kong nabalitaan niyo na ang tungkol sa pagpatay kay Hanselmo Nuviez sa loob ng-" "Yes, I know." ang seryoso nitong putol din sa mga sasabihin ko. He leaned his back in his chair. "I already anticipated you would come here to ask me that after hearing what happened to him." "Ano po ang nalalaman niyo tungkol sa kasong ito ni Nuviez, Boss? Ang sabi ni Tito John, last night you and Nuviez talked privately. Pagkatapos ay kayo na ang nagtake-over sa kaso niya. Anong alam mo, Boss? Ano ang sinabi sa inyo ni Ninong Hans? And do you know why he died?" tanong ko na may halong pagmamadali sa boses ko. Nais ko na kasing malaman ang totoo. Gusto kong malaman kung nagconfess ba ito at bakit pinatay ni Ninong Hans si papa at sino ang pumatay sa kanya. May koneksyon ba iyon sa pagpatay niya kay papa? Ilang segundong tumitig sa akin si Boss Kevin, tila ba binabasa ako ng mga titig nito. Kapagkuwan ay bumuntong-hininga at tumayo ito. Humakbang si Boss palapit sa bintana, bahagya pa itong sumilip doon. "Boss, kailangan kong malaman! Ano ang dahilan ng pagpatay niya kay papa at ng pagkamatay niya! Hindi niya kayo ipapatawag at kakausapin kung hindi naman iyon mahalaga!" desperado kong anas. Sa wakas ay binalingan na ako ni Boss. Ang dalawa niyang kamay ay nasa likuran at pormal ang mukhang humarap sa akin. "Alexis, alam kong nais mo— ninyo ng hustisya. Ngunit may mga bagay bagay na kahit anong gawin mong hanap nang kasagutan, kung hindi mo pag-iisipang mabuti ay siguradong ikapapahamak mo." May ibig sabihin ang kanyang tinuran na ikinakunot ng noo ko. May sinabi nga si Ninong Hans kay Boss, nasisiguro ko iyon! "Boss, I apologize for interrupting, but my desperation for the truth has reached a point where I can't ignore it. Our sole desire is to achieve justice! Ngunit kung ipagkakait niyo sa amin na malaman ang totoo paano pa namin makakamit ang hustisya? Kung mayroon mang tao sa likod ng pagpatay ni Ninong Hans kay papa, then hayaan niyong ako ang humawak sa kaso! At-" "Agent Alexis Alejo." Maawtoridad ang tinig na iyon ni Boss Kevin, seryoso ang mukha nitong tumingin sa akin. "As your superior, I am very disappointed with your attitude right now." Nawalan ako ng kibo. "Isa kang SS Agent, we trained you to control your emotions and be reasonable at all times, even if you lost someone. It's painful, I know, and I didn't say you should become stoic or emotionless. But never forget why you undergo those types of training," he paused, "so that we can let you handle cases even if it is too personal." He released a deep sigh. "Ngunit sa nakikita ko, you're not the best agent in this case. Kung ngayon pa lamang ay pinapairal mo ang iyong emosyon, paano mo pa mahahawakan ang kaso ng hindi pinepersonal ito? How can you find justice for your father, kung natutubunan nang emosyon ang isipan mo? How can you be reasonable and smart enough to conclude from the facts if all you see and think is revenge for justice?" Napamaang ako sa mga sinabi ni Boss. Kung tutuusin may punto nga naman ito. I've let my emotions dictate my actions, to the point na tila hindi na ako makapag isip ng tama. "Agent Alexis Alejo, I'm disappointed in your actions today. I'm still your boss, yet you've shown me disrespect." Napasunod ako ng tingin kay Boss nang lumapit ito sa kanyang telepono at may pinindot doon. Bigla akong kinabahan... Pagkaraan ay may nagsalita sa kabilang linya. "Helen, speaking. Yes, Sir Kevin?" Napatitig ako kay Boss. Si Helen? Si Helen mula sa Personnel Division? "Prepare me the documents for Agent Alexis Alejo's 2 week suspension!" Ang walang kaabog abog na sabi ni Boss na ikinanlaki ng mata ko dahil hindi ko inaasahang gagawin iyon ni Boss Kevin. "Sir? For what-" "For disrespecting her superior!" Maawtoridad nitong sabi pagkatapos no'n ay pinutol na nito ang linya. Tila itinulos ako sa aking kinatatayuan ng mga sandaling iyon. I'm—suspended for—2 weeks? "Boss-" "You may leave now Agent Alexis." Sabay upong muli sa kanyang swivel chair. "P-pero Boss-" "Do you want me to extend your suspension?" pormal nitong tanong sa akin. Lihim akong napakuyom ng kamao. Tumahimik na lamang ako pagkatapos ay masama ang loob na nilisan ko ang kanyang opisina at ang HQ. The heck! I'm suspended?! I just want to know what he and Ninong Hans talked about that night! I'm sure na merong ikinonfess si Ninong Hans. Kailangan kong malaman kung ano iyon! Subalit— paano? Saan ako magsisimula? Silang dalawa lamang nakakaalam niyon! LUMIPAS ang ilang araw haggang sa mailibing si papa... Maging ang langit ay nakiramay sa amin ng mga oras na iyon dahil sa pagbuhos ng ulan. Kahit kami'y basa na ay hindi namin iyon inalintana. "Papa, patawad. Ngunit pinapangako ko, mabibigayan namin ng hustisya ang pagkamatay mo," bulong ko sa hangin habang pinapanuod ang paglalagay ng dalawang lalaki ng lapida sa puntod ni papa. "Paalam, papa." Muling tumulo ang mga luha ko sa isiping hindi ko na makikita pa ang mukha ng aking ama. Napakagat labi ako upang supilin pa ang nagbabadya na namang dagsa ng emosyon sa puso ko. Naramdaman kong may kumapit sa aking braso, ang luhaang mukha ni mama ang aking nabungaran. "M-mama..." "Magiging maayos din ang lahat, anak. Kahit wala na inyong papa, nandito pa rin naman siya sa puso at isip natin. Alam kong lagi niya tayong babantayan," malumanay ngunit may bahid na kalungkutan ang tinig ni mama. Niyakap ko na lamang siya. Oo, hindi mawawala ang alaala ni papa sa aming mga puso. Kaya palagi pa rin namin siyang kasama.. Kung naririto lang din sana si Terrence... I need you, Terrence. Please, bumalik ka na sa akin...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD