Chapter 27

1739 Words
ALEXIS ALEJO Oo, kilalang-kilala namin ang suspek. Kaya naman ay hindi namin iyon inaasahan! Subalit poot ang umahon sa dibdib ko ng makita ko ang mukha ng taong naging dahilan ng pagkawala ni papa! "Ninong Hans!" "Tito Hans!" Halos sabay na bulalas namin na may halong galit sa aming tinig! Hindi kami makapaniwala na ang matagal na kaibigan ni papa ang gagawa ng karumal-dumal na krimen na ito! Nakakasuklam! Nagulat ang iilang nasa loob ng silid maliban sa akin nang sabay na sumugod sina Kuya kay Ninong Hans! Maagap namang nahawakan ni Tito John si Kuya Jazz subalit hindi si Kuya Brandon! Nakadalawang suntok ito bago ito maawat ng dalawang pulis na kasama sa loob. Nais ko rin sanang makaisa nang suntok, ngunit mas minabuti kong pigilan ang aking sarili dahil baka hindi na kami payagan ni Tito John na manatili rito. Pinunasan ni Ninong Hans ang kanyang dumugong labi. "How could you betray your friend of many years, you traitor!" gigil na bulyaw ni Kuya. "Tinuring ka niyang kapatid at kapamilya, tapos ganito pa ang gagawin mo?! Anong klase kang tao?! Wala kang kwenta!" Nagpupumiglas pa si Kuya mula sa pagkakahawak ng dalawang pulis. "Pagbabayaran mo ang ginawa mo! Sisiguraduhin naming hindi ka kailanman makakalabas sa kulungan!" ang nangingilid ang luha namang hiyaw ni Kuya Jazz na bakas sa boses ang galit. Nagsimula na ring lumandas ang mga luha ko mula sa aking mga mata. Knowing the person you trusted the most would do this kind of crime ay parang nakakapanghina. "Enough!" ang malakas na sigaw ni Tito John. "Tumigil na kayo. Hindi namin maiinterrogate si Hans kung patuloy kayong magwawala! Naiintindihan ko ang nararamdaman niyong galit subalit hayaan niyo muna kaming makatapos rito saka ko kayo hahayaan sa gusto niyong gawin kay Hans!" maawtoridad na sabi ni Tito! Natahimik kami, maging sina Kuya ay tahimik na tumabi sa gilid ngunit alam kong nagpupuyos ang mga dibdib nila sa galit… dahil ganoon din ako. Subalit hindi namin inasahan ang naging rason ni Ninong Hans! Aniya, hindi siya ang pumatay kay papa, hindi rin daw niya sinasadya ang pagkabaril niya kay papa. Napagkamalan raw niya ito na suspek na kanyang hinahabol ng gabing iyon! Buhay pa raw si papa at sinabihan siya nitong habulin ang suspek. Ayaw niya raw sana iwan si papa ngunit nagpumilit ito na kaya niyang makahingi ng tulong dahil hindi naman raw malalim ang kanyang tama. Ayon sa autopsy, tatlong bala ang bumaon sa katawan ni papa. Dalawa sa dibdib at isa sa ulo. Hindi ko alam kung papaniwalaan namin ang kanyang sinabi. Ngunit— ano ang kanyang rason kung sakali? Mabuti silang magkaibigan ni papa at wala akong nabalitaang nagkaroon sila ng alitan! Tumawa ng pagak si Kuya Brandon. "Then why didn't you call us? Hindi ba dapat ay tumawag ka upang tanungin kung anong naging kondisyon ni papa? Kung nadala ba ito sa hospital, but you didn't! Sa tingin niyo ay maniniwala kami sa kwento niyo? May testigo o!" ang gigil na turo ni Kuya sa lalaking nakatayo sa gilid ng isang pulis. Ayon sa testigo, nakita nito na nagtatalo sina papa at Tito Hans. Akala nito ay ordinaryong komprontasyon lang kaya nagpasya itong huwag makialam at lumayo sa lugar. Hanggang sa makarinig ito ng isang putok. Ilang sandali ay dalawang magkasunod na putok ng baril pa ang narinig nito. Natakot itong balikan ang lugar dahil baka siya ang isunod. Subalit ng mabalitaan na nito na may namatay raw ay hindi siya pinatahimk ng konsensya, pinili na nitong magsalita. Hanggang sa matapos ang interrogasyon ay hindi pa rin umaamin si Ninong Hans! Nagmatigas pa rin ito sa kanyang unang rason. "Damn! Hindi ko inaasahang si Ninong Hans ang gagawa nito kay papa!" pilit akong nagpapakatatag kahit pa puno ng disappointment at galit ang nararamdaman ko para kay ninong Hans. Subalit naroon rin ang pagkalito dahil sa mga sinasabi nito na taliwas sa sinasabi ng testigo! Matagal nang magkaibigan sina papa at Ninong Hans, bukod roon ay halos magkapatid na ang turingan nilang dalawa. Kaya paanong nagawa niya iyon? "Huwag kang mag-alala Alex, sabi naman ni Tito John, hindi sila titigil sa pag iimbestiga sa totoong nangyari kay papa. Hahanap sila ng matibay na ebidensiya sa pagkamatay nito. Kaya umasa tayo sa kanya dahil alam kong hindi niya bibiguin si mama—tayo." The assurance in Kuya Brandon's voice made my heart calm for a bit. "Kuya Brandon is right. Higit sa lahat mas lalong kailangan tayo ni mama sa tabi niya. Kaya naman magsiuwi na muna tayo at gabi na rin, baka nakauwi na rin si Kuya Steven." Seryoso ang pagkakasabi ni Kuya Jazz. "Mauna na kayong umuwing dalawa, damayan niyo muna si mama. Aasikasuhin ko pa ang— unang gabi ng lamay ni papa." Si Kuya Brandon na napaiwas na lang ng tingin subalit mabilis kong napuna ang pangingilid ng mga luha nito. Tumango kami ni Kuya Jazz at tinungo ang parking lot. Umangkas ito sa motor ko dahil hindi pa naman sa bahay ang diretso ni Kuya Brandon. Habang nasa highway ay patuloy pa rin ang pag-iisip ko sa mga nangyayari... Ano na kayang balita sa paghahanap kay Terrence? Akala ko pa naman magiging ok na uli ang lahat pagbalik niya. Ngunit hindi, mas masakit pa. 'Yong dalawang taong pinangakuan ko na poproteksyunan ay hindi ko nagawang iligtas. Am I still worthy to call the best agent kung ang mga taong mahal ko ay hindi ko nagawang proteksyunan? Sa isipin ay muling sumikip ang dibdib ko kasabay ng pagpatak ng mga luha sa mga mata ko. Kaya naman ay pinaharurot ko ang aking motor sa kahabaan ng highway! Hindi naman kumibo si Kuya Jazz sa aking likuran, marahil ay malalim rin ang iniisip nito. KINABUKASAN ay nagpunta sa lamay ang ibang mga kasamahan ko sa Agency. Ganoon din si Gov. Altamonte. "Iha, condolence. Nakakalungkot ang sinapit ng iyong ama. Ngunit mabuti't nahuli na ang gumawa. Sana lang ay mabulok siya sa bilangguan sa kanyang ginawang krimen," puno ng simpatyang ani ni Gov. "Sisiguraduhin po namin na habambuhay siyang makukulong sa ginawa niya kay papa. Hindi kami matatahimik hanggang hindi namin nakukuha ang hustisyang nararapat para kay papa," puno ng pait at poot kong sabi. He patted me on my shoulder. "Oo, iha. Hindi rin ako makakapayag na hindi niyo makamit ang hustisya. Tutulong ako sa abot ng aking makakaya," ngumiti si Gov. "Salamat po, Gov. Sya nga po pala, ano na po ang balita sa paghahanap kay Terrence?" kapagkuwan ay tanong ko. Napabuntong-hininga ako ng umiling si Gov. "Wala pa rin. Until now, we don't have a lead on what happened or where he is now if he's alive or... But I won't give up, I know we can find him," ang umaasam na sabi ni Gov. "Ipinagdadasal ko rin na sana kung nasaan man po siya ngayon ay ligtas siya." "Salamat iha," nakangiting ani ni Gov. Pagkaraan pa ng ilang sandali ay nagpaalam na rin ito. Maging ang mga kasamahan ko sa trabaho. Nasa sulok ako ng mga sandaling iyon at tulala ng may tumabi sa akin. Paglingon ko ay nagulat pa ako. "Boss Kevin!" 'di ko makapaniwalang bulalas! Hindi ko napansin na dumating ito kasi naman hindi ko rin naman inasahan na darating ito dahil alam kong sobrang busy nito lalo pa ngayon. "Condolence, Agent Alejo." Maikli niyang sabi saka nilingon ang kinaroroonan ng coffin ni papa. "Your father was a great person. He accomplished many things and did a good work for this city. A good friend and I know... a best father," pagkasabi no'n ay lumingon ito sa akin. "Dahil pinalaki kayo ng inyong ama bilang mabubuting tao." Tipid ang ngiting sumungaw sa aking labi. "Salamat po, Boss." Tumango lamang ito. "O, paano, kailangan ko na bumalik sa opisina. Dumaan lamang ako rito upang makiramay sa inyo." pagkasabi noon ay tumayo na ito. Sumunod rin ako ng tayo. "Maraming salamat sa pagpunta Boss, alam ko namang busy ka ngunit nagawa niyo pa ring pumunta." Tumitig ito sa akin, ngunit bumuntong-hininga na lamang. Tila ba may nais sabihin si Boss sa akin. "Kung ganoon ay aalis na ako, Agent Alejo. I hope you report to work asap. Even though so many things happened, you are still a secret service agent. And you have duties and responsibilities," hindi na hinintay pa ni Boss ang sagot ko. Basta tinalikuran na lamang ako nito. Ano iyong tila nais nitong sabihin sa akin? KINABUKASAN... Isang nakakagimbal na balita ang dumating sa amin! "Paano iyon nangyari?!" ang bulalas ni Kuya Brandon sabay tayo. Pinakinggan nito ang nasa kabilang linya bago gigil na pinatay ang kanyang cellphone. Napalapit kami sa kanya na nagtataka. "Brandon, bakit? Anong problema?" takang tanong ni mama na may pag-aalala sa boses. Napatayo ito sa kanyang kinauupuan. "Si Tito Hans— may pumatay sa kanya sa loob." "What?!" ang halos sabay-sabay naming bulalas nina Kuya Steven at Kuya Jazz. Nanlalaki ang mga mata naming napatitig kay Kuya na wari ba nagtatanong ang aming mata kung hindi ba siya nagbibiro. "You heard it. Patay na si Tito Hans!" nasa tono nito ang dissappointment. Hindi na kami nag-aksaya pa ng oras kaya naman ay mabilis kaming nagtungo sa presinto. Nadatnan namin doon si Tito John. "Tito, anong nangyari? Paanong napatay si Tito Hans?" ang agad na tanong ni Kuya Brandon pagkarating namin. Lahat kami ay nais malaman ang tunay na naganap kay Ninong Hans. Malalim na bumuntong-hininga si Tito John. "Wala rin kaming ideya. Natagpuan na lamang siyang wala ng buhay sa loob ng kanyang selda. Lahat ng cctv footage ng presinto ng oras na iyon, sira na. Maging ang nagbabantay ay pinatay." pormal nitong sabi. Tumingin siya sa akin. "Ngunit nakakapagtaka dahil tinakeover ng SSA ang kaso ni Nuviez, Alexis. Tila may alam sila sa likod ng pagkamatay ni Hans." "Ho?" napamaang ako sa sinabi ni Tito. Oo, nagtatake-over naman ang SSA ng mga kaso ng mga pulisya ngunit iyon ay nirerequest sa kanila o kaya naman ay malaking sindikato ang nasa likod. "Anong ibig niyong sabihin?" kunot noo kong tanong. Maging sina kuya ay nagkaroon ng interes. "Paanong alam ng SSA ang nasa likod ng pagpatay kay Tito Hans?" nalilitong tanong din ni Kuya Brandon. "Kahapon ay nagtungo rito si Sir Kevin ng SSA, ayon na rin sa paanyaya ni Hans na makausap siya. Ngunit walang nakakaalam sa kanilang pinag-usapan," ang naiiling na sagot ni Tito John. Nagkatinginan kami ni Kuya Brandon. Anong alam ni Boss Kevin sa kasong ito?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD