Chapter 26

1336 Words
ALEXIS ALEJO  Sa morgue ko na inabutan si mama kasama ang mga kapatid ko. Napabaling silang lahat ng tingin pagkabukas ko sa pintuan. Unang tumambad sa akin ang luhaang mukha ni mama kasunod ang halos mugtong mga mata nina Kuya Jazz at Kuya Brandon maging si Ate Maricar. "A-alexis—alexis—" Tila nanghihinang napayakap sa akin si mama at humagulhol ng iyak. Biglang may kung anong dumagan sa dibdib ko ng sandaling mapadako ang aking paningin sa may puting tela na nakabalot sa kung ano o— sinomang nasa ilalim niyon. Nagsimulang sumikip ang paghinga ko... Kumalas ako kay mama, tila wala sa sariling humakbang ako palapit sa kinaroroonan ng puting telang iyon. Nang makalapit ako'y hirap akong lumunok ng laway at inangat ang nanginginig kong kamay upang tanggalin ang nakatakip na tela... Nang tuluyan kong maalis iyon ay tumambad ang wala ng buhay na mukha ng aking ama, tila malakas na agos ang bumugso sa aking damdamin dahilan upang tuluyang bumigay ang sarili ko sa panibagong sakit! "Wahh! P-papa!—Papa!—" napayakap ako sa malamig nitong katawan. Mas masakit na makita't mayakap ang malamig at wala ng buhay na katawan ng minamahal mo dahil alam mong kahit kelan ay hindi na siya kailanman babalik... Malakas akong humahagulhol ng iyak habang mahigpit ang yakap ko sa aking ama. Bakit?! Bakit si papa?! *FLASHBACK* "Congratulations Alexis, I'm very proud of you. Sa inyong magkakapatid, ikaw ang hindi ko inaasahang magpapatuloy ng pangarap ko na hindi mawala sa lahi natin ang dugong pulis. Salamat, iha." Bati ni papa matapos ang graduation ceremony. .................... "Iha, Alexis! Congratulations sa pagkapasa mo sa SSA! Sabi na nga bang kayang kaya mo ang trial nila! Halika ka nga't nang mayakap ko ang aking prinsesa na ngayon ay isa ng mandirigma!" tumatawang ibinuka ni papa ang mga braso niya upang yakapin ako. .................... "Alex, iha. Alam kong mahirap ang mapasabak sa unang misyon at hindi maiiwasang makakita ka ng mga malalagim na pangyayari. But being in this job, ang kailangan mo ay ang matatag na puso at maging positibo," he patted me on my head. "Huwag mong pairalin ang awa, kung hindi naman iyon karapat-dapat sa taong gumagawa ng masama. At paulit ulit mong sabihin sa sarili mo na sa susunod ay hindi na ito mangyayari. That way, kaya mong harapin ang mga bagay bagay, masama man o mabuti." .................. "Iha, kapag may nangyari sa aking masama, ikaw na ang bahala sa iyong mama, at lagi mong iisiping mahal na mahal kita." "Papa! Ano ba naman 'yang sinasabi n'yo?" Napasimangot ako. "Huwag nga po kayong magsalita ng ganyan, para kayong nagpapaalam na, eh! Saka, Pa, matagal pa buhay mo, at hindi ako papayag na may mangyari sa inyong masama. Kaya ko nga po tinahak ang landas na ito ay upang protektahan kayo." Natawa naman si papa, pero pagkaraan ay bumuntong hininga. "Iha, minsan may mga bagay tayong hindi inaasahang mangyari. At minsan kahit gaano ka kaingat, hndi mo masasabi kung kelan ka babawian ng buhay. At kahit—" "At kahit ano pa pong sabihin niyo, isa lang ang alam ko. Hindi ko hahayaang may mangyari sa inyong masama. Kaya huwag na natin pag-usapan 'yang mga ganyang bagay, ha, papa?" binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti. Napatitig naman sa mukha ko si papa kapagkuwan ay nakangiting tumango. *END OF FLASHBACK* Mula sa likuran ay naramdaman ko ang pagyakap ni mama habang patuloy ding humahagulhol ng iyak. "P-papa!— papa!—" Tila ba wala nang bukas ang iyak ko ng mga sandaling iyon. Sobrang bigat ng nasa dibdib ko, at kahit iiyak ko ay hindi pa rin iyon nababawasan. I just hope this was all a dream! Or even if it is a prank, as long as I know they're alive... Please gusto ko nang gumising kung ito ay panaginip — It is just so painful—too painful... Two of my most important people in life are now gone... No, one is missing! MAKARAAN nang mahigit isang oras ay inaya na kami nina kuya na lumabas ng morgue upang maisaayos na ang katawan ni papa. Natawagan na rin ni Kuya Bradon si Kuya Steven na nasa Manila at magpapabook daw agad ito ngayong araw. Ako at si ate Maricar naman ang dumamay kay mama. I know it was too painful for her, not just for me. Si papa na one greatest love niya, na ngayon ay—wala na. Lihim akong napakuyom ng kamao. Iisang katanungan lang ang nasa isipan ko ng mga sandaling iyon... Kung sino ang walang pusong nilalang ang gumawa niyon sa aking ama! Kapag nalaman ko kung sino siya, sisiguraduhin kong mabubulok siya sa bilangguan! Hindi ako makakapayag na makalaya ang taong iyon! Puno ng galit at ngitngit ang puso ko ng mga oras na iyon. Though, nasa isang sulok ng isipan ko ang panalangin na sana ay makita na rin si Terrence.... Ngunit sa ngayon mas kailangan ako ni mama... Pagkaraan pa ng ilang oras ay napapayag na rin namin si mama na umuwi muna. Sina Kuya na ang umayos sa mga kakailanganin para sa lugar ng lamay. Kahit pag-uwi ay walang humpay pa rin si mama sa pag-iyak, maging ako ay hindi rin nawalan ng mga luha. Sobrang sakit—'yong taong nandiyan lagi para sa 'yo, 'yong taong kahit hindi magsalita'y puno ng pag aalala ang dibdib sa tuwing napapasabak ako sa misyon— tapos ngayon—wala na ang taong iyon... Napakagat-labi ako at huminga ng malalim. Kailangan ako ni mama ngayon kaya hindi ako dapat magpakita ng kahinaan! Kahit pa durog na durog ang puso ko sa mga nangyayari... Nang sumapit ang hapon ay nakatangap ako ng tawag mula kay Kuya Jazz. Nagulat ako sa kanyang ibinalita kasabay ng poot na umahon sa aking dibdib ng sandaling iyon. "Ate Maricar, ikaw muna ang bahala kay mama, may pupuntahan lang ako," ang nagmamadali kong paalam kay ate maricar na kakalabas lang ng kusina. Si mama naman ay nasa silid nito. "Teka, Alexis, saan ka pupun—" Hindi ko na narinig pa ang sinabi ni Ate ng makalabas na ako sa pintuan at inistart ang motor ko. Destinasyon? Sa presinto! Sigurado akong papunta na rin doon sina Kuya at hindi ko alam kung anong magagawa namin sa oras na makaharap namin ang hay*p na iyon sa ginawang pagpatay sa aming ama! Ilang sandali pa ay huminto ang motor ko sa parking lot na tapat ng presinto, subalit bago pa man ako makapasok sa pinto ng presinto ay narinig ko ang pagtawag ng pamilyar na boses. "Alex!" Paglingon ko ay ang nakadungaw na ulo ni Kuya Jazz sa passenger seat ng sasakyan ni Kuya Brandon ang nabungaran ko kasunod ng paghinto ng sinasakyan nila upang magpark at bumaba. “Mabuti naman at narito ka na.” Ani ni Kuya Brandon na seryoso ang mukha ngunit mababanaag ang matinding galit sa mga mata nang makalapit silang dalawa sa akin. Tumango ako pagkatapos ay sabay-sabay kaming tatlo na pumasok sa loob. Akala mo eh manghahamok nang away ang datingan namin. "Andito na kayo." Bungad na ani ni Tito John ng saktong lumabas ito sa isang silid, seryoso rin ang mukha nito. Tito John was our mother's younger brother. "Follow me." anito. "The suspect as of the moment will be under interrogation," ang patuloy nitong pagsasalita habang naglalakad. Huminto kami sa tapat ng isang pinto. Hinawakan nito ang seradura at pinihit iyon. Subalit, bago nito iyon buksan ay nilingon muli kami ni Tito John. "Nandito tayo upang marinig ang kanyang rason sa pagpatay sa inyong ama, kaya naman— nais kong maging mahinahon muna kayo at huwag gagawa ng kung ano," ang seryoso nitong saad saka tuluyang binuksan ang pintuan. Ganoon na nga lang ang laking gulat namin nang bumungad sa aming paningin ang lalaking iyon na nakaupo habang nakaposas ang dalawang kamay! Walang buhay naman ang reaksyon ng mukha nito pagkakita sa amin! "N-no..." anas ko dahil hindi ko inaasahan ang lalaking iyon na gagawa ng kasamaan kay papa! "B-bakit ikaw?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD