Chapter 25

1094 Words
ALEXIS ALEJO Kinabukasan... Buong gabi akong hindi nakatulog dahil sa sobrang pag-iisip kay Terrence. Buong gabi akong nagdasal nang paulit-ulit na sana ay ayos lamang siya, na sana ay buhay siya at nasa isang ospital lamang, na sana ay kontakin na niya ako. Nais kong marinig ang kaniyang tinig. Buong gabi ko ring inisip kung ano ang mga dinanas niya habang nasa loob nang pabagsak na eroplano. Na sana ay naroon ako sa tabi niya at pinrotektahan siya. Ngunit ang nagawa ko lang ay umiyak dahil wala rin namang mangyayari't huli na. Alas singko pa lamang ay bihis na ako at handa na akong pumunta sa crash site nang makita ko si mama sa may sala. Mabilis na kumunot ang noo ko at nilapitan siya. "Ma, ang aga niyo po," ang bungad kong sabi sabay halik sa kaniyang pisngi. "Alex, ang papa mo hindi pa siya umuuwi. Cannot be reach naman ang phone niya," bakas sa boses nito ang pag-aalala at pamamaos, halatang buong gabi itong gising. "Baka naman po marami lang inaasikaso sa opisina, ma. Alam mo naman na sobrang daming nangyari nitong mga nakaaraan," ang sabi ko naman, though paos rin ang boses ko. Minsan kasi doon na nagpapaumaga si papa kapag may mga kasong dapat tutukan. "Tumawag ako sa opisina pero ang sabi lumabas na raw ito matapos may kausapin sa phone niya, pero 10 pm pa daw ito umalis doon. Nag-aalala na ako Alex." Napabuntong-hininga ako at tumabi sa kaniya. "Ma, baka naman ay mga kasama o kaibigan lang niya iyong tumawag at nag-aaya. Kilala mo naman si papa, ma, nakakalimot tumawag kapag naaya." I tried to smile even though I was broken. "Kahit na Alex—" "Ma, baka pauwi na rin si papa. O, kaya naman ay mabuti pa dadaan ako ng opisina nila baka bumalik siya roon, o kaya ay tatawagan ko ang lahat ng mga kakilala niyang posibleng nag-aya sa kaniya," ang suhestyon ko naman para kahit paano ay maibsan ang kaniyang pag-aalala. Tumitig siya sa akin pagkatapos ay hinaplos ang aking pisngi pagkaraan ay umiling. "Hindi na anak, ako na lang ang gagawa niyon. Isa pa alam ko namang kailangan mo rin bumalik sa crash site. Sana makita na si Terrence. Huwag mo masyadong abusuhin ang sarili mo, Alex." aniya. Tumango ako though may namumuo na namang luha sa gilid ng mga mata ko sa pagkarinig sa pangalan ni Terrence. "S-sigurado po kayo?" Damn! When did I become like this? Hindi ako nagpapakita ng ganitong kahinaan kina mama dahil ayokong nag-aalala sila— pero bakit ngayon? Nakangiti itong tumango ngunit bakas sa mukha nito ang lungkot. "Then I'll go na po, ma. Tawagan niyo po ako kapag nakauwi na si papa," ang sabi ko na lang. Baka kasi kapag tumagal pa ako dito tuluyan ng tumulo ang luha ko sa emosyong nararamdaman ko. Tumango naman si mama. Ilang sandali pa ay tinatahak na ng motor ko ang daan patungo sa lugar na malapit sa crash site. Past 7 na nang marating ko ang Argao, kung saan naroon na ang mga rescuer, ang ilan sa mga kasama nito ay naroon na sa crash site. "Alex!" salubong sa akin nina JP, bakas sa mga mukha nila ang simpatya sa nangyari. "Nasaan sila Mike?" tanong ko naman ng hindi ko makita ang mga ito. "Kami na ang itinalaga ni Boss Kevin para sa paghahanap kay Terrence Altamonte. As of now, pinakilos na namin sina Marie para puntahan ang mga karatig ospital, kami naman ay didiretso sa laot," nangunot ang noo nito. "Teka, sasama ka ba? Hindi ba dapat ay naghahanda ka na para sa pagpunta niyo sa Manila?" Nakita ko ang kaswal na pagsiko ni Eron na mas matanda lang sa akin ng isang taon. "Mas makakabuti sa 'yo Alex, dito ka na lang at maghintay ng mga balita o kaya naman ay sumunod ka kina Marie, mas lalo ka lamang magiging emosyonal sa laot," kaswal nitong sabi saka tinalikuran kami. Nagkibit balikat na lamang si JP saka sumunod na kay Eron. Napatanga naman ako pero napakuyom ako ng kamao. Sa tingin ko ay naunawaan ko ang nais nitong ipahiwatig... Dahil ikalawang araw na ngayon ng—ng—siguro ay naisip ni Eron na mas lalo lamang akong masasaktan kapag naroon ako at... Mariin kong kinagat ang aking pang-ibabang labi at napatingala sa langit. You're not weak, Alex. Don't let them see this side of yours! Ang pangungumbinse ko sa aking sarili dahil nagsisimula na namang sumikip ang dibdib ko. Terrence is alive, he's alive! Hahakbang na sana ako pasunod sa kanila ngunit bigla akong nagdalawang isip. Kung buhay si Terrence then there's no reason for me to look for him at the shore! He might be in the hospital nearby— I must search for him! Then I grab my phone and search for Marie's number in my contacts to call her na agad rin naman nitong sinagot. Nang malaman ko ang kani-kanilang lokasyon, agad akong sumampa sa aking motor. Pupuntahan ko ang ilang ospital na hindi nila mapupuntahan. *KRIINNGG* Papaandarin ko na sana ang motor ng mag-ring ang phone ko. Kinuha ko iyon at nakita ang number ni mama na nakarehistro sa phone ko. Naisip kong baka nakauwi na si papa kaya tumatawag ito. Dagli kong in-accept ang tawag ni mama. "Hello po, ma?" Subalit nagulat ako ng marinig ko ang pag-iyak niya. Bigla akong kinabahan... "A-alex—ang pa-papa mo!" saka humagulhol ito ng iyak. Natulala ako, kasabay ng panginginig ng kalamnan ko! Patuloy pa rin si mama sa paghagulhol! May masamang nangyari kay papa? "Mama, s-sabihin niyo, ano po—ano po ang nangyari kay p-papa?!" ang nauutal kong tanong, nakaramdam ako ng tila pagbabara sa aking lalamunan! "Alex—ang papa mo—w-wala na siya!" ang humahagulhol nitong sabi na ikinagimbal ng utak ko! Para akong kandilang itinulos sa aking kinauupuan ng animo slow motion pa na bumagsak ang phone ko sa sementadong daan! Napasapo ako ng mahigpit sa aking noo, pakiramdam ko kasi sasabog na ang utak ko sa mga nangyayari. Una, si Terrence pagkatapos— parang bigla akong kinapos ng hininga, kapagkuwan ay tuluyan ng tumulo ang mga luha sa mata ko sa samo't-saring emosyon na nararamdaman ko ng mga oras na iyon! Si p-papa— Napailing ako saka nanginginig ang kamay na inistart ang aking motor matapos kong damputin ang phone na nawasak ang screen! Sh*t! Sh*t! What the hell is happening?! Bakit nangyayari sa akin 'to?! Habang pabalik ako sa syudad pakiramdam ko ay para na akong sasabog. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD