Chapter 24

1068 Words
AGENT MIKE "Hah?" taka ni Ian. "W-what— who?" bulalas naman ni Joseph. "Huwag niyo pong sabihin—" si James ngunit pinutol na agad iyon ni Boss. "Alam kong naging kaibigan niyo na rin si Terrence. And no, it is not Terrence, thanks God." Sabi ni Boss Kevin na nahulaan naman ang mga nasa isip naming lahat. "Ang mangingisda at ang may-bahay nito ay namatay along with those passengers." Namulagat kaming lahat sa narinig. Hala! Ano 'yon? Bakit namatay ang mga taong 'yon? Muling umupo si Boss sa swivel chair nito. "But the strangest thing is, all of them were killed. Not by accident, kundi sinadya." Para kaming itinulos sa kinatatayuan sa sinabi ni Boss with a matching serious look! "Paano nangyari 'yon Boss?" tanong agad ni Joseph. "May lead na ba kung sino— hindi kaya 'yong dalawa sa apat ang gumawa niyon para walang makaalam tungkol sa kanila?" mabilis namang nakapag-isip si Ian. "Kasalukuyan pa iyang inaalam ng Cabilao Police. Wala naman daw kasing nakakita sa pangyayari dahil malayo naman ang tahanan ng mag-asawa sa mga kapitbahay nila." Tugon naman ni Boss. "Wala po bang ibang kamag-anak ang mag-asawa na nakatira sa kanila?" tanong ko naman. "May dalawang anak ang mag-asawa ngunit kapwa may sarili nang pamilya at hindi na nakatira sa kanila. Ngunit ayon sa mga residente na kaibigan ng lalaki, 2 days ago may inampon daw ang mag-asawa na isang babae nang matagpuan nilang palutang-lutang sa dagat at puno ng sugat, iyon ang kwento sa kanila ng mag-asawa. Subalit wala na ang dalaga sa lugar matapos ang nangyari." Nagkatinginan kaming lahat. Biglang naging palaisipan sa amin ang pangyayaring ito. "Posible kayang ang babaeng iyon ang pumatay sa apat na biktima? O posible rin kayang dinukot 'yong dalaga if nabuhay 'yong mga taong naging sanhi ng pag-crash ng eroplano?" Agad namang nagteorya itong si Kyle. Lahat kami ay napalingon sa seryoso at nag-iisip nitong mukha! Seryoso ang pagmumukha, ah. "Sira! Dalawang araw na nitong kasama ang mag-asawa na nagligtas sa kaniya, saka anong dahilan niya para patayin ang mga taong kumupkop sa kaniya! Isa pa bakit siya dudukutin ng mga taong 'yon kung ayaw nilang magkaroon ng witness! Ikaw d'yan ipadukot ko, eh!" Irita ko namang sabat sa sinabi ni Kyle! Hay, napapraning na ang kaibigan ko, bilog kasi ang buwan! "Eh, malay mo, type nila 'yong babae. Hina naman ng imagination mo." Nilingon ako ng pang-asar nitong bored-look! Letse! Kung wala lang kami sa harapan ni Boss baka kanina ko pa nachop-chop 'tong si Kyle! "Ah!" Pagkaraan ay bigla-bigla na lang magtataas ng boses na ikinagulat naming lahat, nakataas pa ang isang hintuturo. "Posible rin na isa ang babaeng iyon sa mga pasaherong nawawala sa naaksidenteng ferry Boat noong biyernes! O—oh wait posibleng siya 'yong hinahabol nina Alex no'ng-" Bigla kong binatukan si Kyle na binalingan lang ako ng problema-mo-look. Sumobra naman kasi sa imagination 'tong taong 'to! Tumayo si Boss na ikinapagtaka namin. "You have a point, Kyle!" ani ni Boss. "Wala tayong nakitang bangkay. Well, sabihin na nating hindi natin matukoy kung ano ang itsura ng babaeng iyon kaya hindi tayo sigurado kung buhay o patay ba ito. Pero kung tama ka sa teorya mo Kyle—posible na buhay pa ang killer na iyon." "Boss, nakakapagtaka lang kasi, kung siya ang killer ni Vice Pres. bakit kailangan niyang patayin ang mag-asawa at ang dalawang pasahero samantalang kung ayaw niya magkaroon ng witness ay posibleng pinatay na niya ang mag-asawa ng mas maaga," si Ian naman ang sumabat. "Maybe her wounds were that deep, kaya nagpahinga muna ito ng ilang araw," si Joseph. "Ngunit dahil sa nangyari ngayon at nang may tulungan ang mangingisda at dinala sa lugar nila, maaaring nakita ng mga ito ang mukha niya and leaving her with no choice, she killed all of them," si James. "Oo tama ka rin James. Even though she killed those four, may iba pa namang testigo na nakakita sa mukha no'ng babae hindi ba? Maybe we can start there," komento naman ni Kyle. Nagpatango-tango si Boss. "Though it is not our job to be involved in police matters as long as they request, kung makakatulong naman iyon sa pagreresolba sa kaso ng assassination kay Vice-Pres. then we need to move." Tumango rin kami. "Ian, bumuo ka ng isang team at kayo ang mag-imbestiga sa nangyari sa Cabilao. We need to find that woman, whatever the cost is. Kung wala siyang kasalanan sa nangyari sa apat na taong iyon, hindi siya magtatago," seryosong saad ni Boss pagkatapos ay binalingan kaming apat. "Kayong apat ay dapat na maghanda sa pag-alis ninyo patungong Manila. I think you will be scheduled this Tuesday, I'll ask Cynthia na lang tomorrow. I already formed another team, para sa paghahanap bukas kay Terrence Altamonte," ang sabi ni Boss. "You can leave now and take a rest." "Yes, Sir!" sabay-sabay naming salute saka lumabas. Bigla ko naisip si Alex, makakasama ba siya sa amin? Bahala na si Boss. Pagkalabas na pagkalabas ng lahat mula sa silid ni Boss agad kong inipit ang leeg ni Kyle sa braso ko! "Hoy Kyle, namilosopo ka na naman sa harap pa ni Boss! Utak pusit ka, wala ka talagang pinipiling lugar!" gigil kong sabi habang mariing ginigiit ang leeg nito. Napapailing na lang ang tatlo na natatawa. "Ahk- aray!" impit nitong sigaw. "Ikaw kasi- ah! Masyado ka kasing paobvious!" "Ano? Paano ako naging paa-obvious?!" angil ko! "Pa-obvious tanga!— ah! ARAY! ARAY!" daing ni Kyle! "Loko ka! Sinong tanga!" gigil na gigil kong asik dito! "Lovers, itigil niyo na nga iyan. Umalis na tayo. Maaga pa akong babalik bukas dahil may panibago na naman akong kasong hahawakan." Natatawang naiiling namang sabi ni Ian saka nagpatiuna nang naglakad patungo sa elevator. Sa sinabi niya ay napatigil kami. Oo nga pla, may panibagong kaso na naman ito! Anyway, aside sa babaeng iyon na teorya namin na ang isa sa mga 'assassin' ni Vice-Pres., ay asan na kaya ang dalawang taong iyon na dahilan nang pagcrash ng eroplanong sinakyan ni Terrence?! Langya Terrence! Ang laki naman ng balat mo sa pwet at kailangan ka pang madamay sa mga sangganong 'yon! Sana lang sila na lang ang namatay at ikaw ay buhay! Kung buhay ka, nasaan ka naman sa mga oras na 'to? Bakit walang nakakaalam kung nasaan ka? Terrence Altamonte, kailangan mo na bumalik agad! Huwag mong hayaang umiyak ng matagal ang kaibigan namin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD