Chapter 23

1436 Words
ALEXIS ALEJO Past 5 pm na... Subalit wala pa rin kaming nakitang Terrence Altamonte! Ilan sa mga kaklase niya ay isinugod na sa ospital dahil sa mga malalang sugat na tinamo ng mga ito, ganoon din ang ibang mga pasahero. May ilan na nasawi at may iilan lamang ang nawawala. 'Yong mga mangingisda na tumulong sa pagliligtas sa mga pasahero ay umalis na rin. Madilim na at panigurado ay mahihirapan ang mga rescuer sa paghahanap subalit kailangan nila subukan! Kailangang mahanap si Terrence! "Alex." Napalingon ako sa tumawag sa akin, si Joanna ang nalingunan ko. Nasa laot pa rin kami hanggang ngayon, habang tinitignan ang mga rescuer sa paghahanap sa mga nawawala. Nang makita ko ang tila panlulumo ng mukha ni Joanna, doon na tuluyang bumagsak ang kanina ko pang pinipigilang mga luha. Para iyong talon na ayaw huminto sa pag-agos... Niyakap ako ni Joanna nang tuluyang yumugyog ang balikat ko dahil sa pag-iyak. Hindi ko na kayang supilin pa ang magkahalong sakit at pag-aalala na nararamdaman ko para kay Terrence idagdag pa na pinanghihinaan na rin ako ng loob na... na... "It is fine to cry, Alex." Ayoko man mag-isip ng kung ano ngunit habang tumatagal ang paghahanap ng lahat bandang huli ay wala pa ring magandang balita. Sobrang sakit... Parang unti-unting dinudurog ang puso ko ng paulit-ulit... Kung maibabalik ko lang— sana— sana sumang-ayon na lang ako na umuwi siya ng Cebu... Sana... Terrence... Terrence... Terrence... Impit kong hiyaw sa utak ko. Gusto kong sumigaw— tawagin ang pangalan niya, bakasakaling marinig niya... Namalayan ko na lang na humahagulhol na ako ng iyak. Pakiramdam ko may isang bahagi ko ang nawawala... Narinig ko rin ang mahinang paghikbi nito na wari pinipigilan nitong malaman ko dahil alam kong ayaw ni Joanna na mas lalo akong panghinaan ng loob. Nguinit lalo lamang pinipiga ang puso ko at hindi ko maiwasang ilabas ang sakit na nararamdaman ko ng mga sandaling iyon! Tinakpan ko ang aking bibig dahil sa paghagulhol ko. Hindi ko kaya 'to! Ansakit-sakit na ng nararamdaman ko... Terrence... Kung kailan masaya na uli kaming dalawa— kung kailan magkikita na uli kami. Bakit? Bakit kailangang mangyari 'to?... Hindi ko kayang hindi siya makita—ang dami ko pang gustong sabihin sa kanya, ang dami-dami ko pang gustong gawin na kasama siya... Gusto kong sabihin sa kanya ng pauli-ulit na... Mahal na mahal ko siya... ------------- AGENT MIKE Kanina pa kami rito sa laot subalit... Nakaramdam ako ng habag nang malingunan ko ang kinaroroonan nina Alex na ngayon ay yakap yakap ni Joanna. Alam kong umiiyak siya, subalit wala kaming magawa kundi ang magdasal na sana ay makita na namin si Terrence ng ligtas kahit pa marami na ang nagsasabi na marahil ay lumubog na ang— Naikuyom ko ang sarili kong kamao. Nakita ko kung paano naging masaya si Alex kay Terrence kaya naman— "This is the first time I saw her like that." Sabat ni James na nakatingin din pala kina Alex, maging sina Kyle, Joseph at Ian. Bakas sa mga mukha nila ang simpatya para kay Alex. Hindi ito madali para kay Alex... "Even the strongest person can break down sometimes. Kahit naman matapang si Alex sa labas, babae pa rin siya at may puso." Seryoso namang sabi ni Kyle na agad tumalikod. Isa rin 'yon e. Matapang at matigas sa labas pero sensitive sa mga ganitong bagay. Muli akong bumaling sa kinaroroonan ng dalawa. Alex, alam kong makakaya mong lagpasan ito kahit mahirap... Lumipas pa ang ilang oras hanggang sa huminto na ang mga rescuer sa paghahanap kay Terrence at sa ilan pang nawawala. Masyado na ring madilim para ipagpatuloy pa ang paghahanap. Does it mean... "I-imposible na ngang mabuhay pa si Terrence— diba?" tila hirap din si Joseph na sabihin ang bagay na iyon. Nagkatinginan kaming apat saka muling bumaling sa kinaroroonan nina Alex na ngayon ay nakikipagdeskusyon sa namumuno ng rescue na nasa kabilang bangka. Marahil ay kinukumbinse ito ni Alex na hanapin pa si Terrence. Ngunit mukhang hindi na ito napagbigyan dahil laglag ang balikat ni Alex nang umalis ang sinasakyan ng lalaki. Napailing ako. "Masyado ng madilim kaya ititigil na ang rescue ngunit itutuloy naman daw bukas," mayamaya ay sabi ni James. Napaharap ako rito. "Wala ring signal dito sa laot kaya tuloy wala tayong makuhang update mula sa HQ kung may balita kay Terrence kung sakaling naisugod man ito sa ospital." ani naman ni Ian. "Kung may update man, pupuntahan tayo rito ng mga kasama natin." si James. "Saka ilang oras na ring nawawala si Terrence at ilan pang pasahero, kaya kahit makita man nila..." hindi na itinuloy ni Joseph ang sasabihin pero agad naman naming nakuha ang nais nitong iparating. "Mula kayo sa SS diba, 'yong naghahanap sa anak ni Gov.? Kasama niyo ang dalawang babaeng 'yon?" Pagkaraan ay may sumigaw mula sa kabilang bangka na nalingunan namin. Siya ang lalaking kinausap ni Alex kanina. "Opo!" tugon ko namang sigaw. "May mga nakausap na mangingisda ang mga kasama ko, may ilan daw na naisugod ang ibang kasamahan nila sa Argao at Cabilao. Itinawag na sa departamento namin ang mga pangalan ng isinugod sa hospital pero walang Altamonte ang nakaconfine." Ang sabi nito na ikinakuyom ko ng aking kamao. Narinig ko naman ang palatak ni Joseph at di sinasadyang napamura si James. Tahimik naman sina Ian at Kyle sa gilid ko. "Kung lumubog man ang mga katawan ng ibang pasahero, imposibleng makita natin iyon dahil na rin sa dilim at isa lang din ang paniguradong ibig sabihin noon. Ayaw din naman naming mag-isip ng kung ano subalit kailangan nating tanggapin ang katotohanan, mahanap man natin o hindi ang katawan nila. Mabuti pa kumbinsihin niyo na ang dalawang kasama niyo, mukhang ayaw pa nila bumalik sa syudad. Huwag kayong mag-alala, bukas pagputok na pagputok ng araw, ireresume namin ang paghahanap. Hindi rin kami titigil hanggang hindi nakikita ang ibang pasahero." Sabi nito na bakas naman sa tono ng boses ang dissappointment. Bahagya akong tumango. "Sige po. Salamat po sa impormasyon." Tinanguan lang niya ako saka umalis na ang mga ito, leaving us— hopeless... "Kawawa naman si Alex." Puno ng kalungkutang sabi ni Ian ng muling lingunin sina Alex na yakap-yakap muli ni Joanna. "Tayo na, sabihan na natin ang dalawa. Baka kapag hinayaan natin sila dito ay baka abutan pa natin sila bukas ng umaga sa pwesto nila." Ani ni Ian. "Sige." Wala namang siglang sang-ayon ni Joseph. Agad pinaandar ni Ian ang bangka saka inilapit sa kinaroroonan ng dalawa. Napansin naman kami agad ni Joanna. Nakita pa namin na may sinabi siya kay Alex ngunit umiling ang huli pero tila kinumbinse pa rin ito ni Joanna. Sa ngayon, wala naman kaming maitutulong para mapagaan ang kalooban ni Alex kaya hinayaan na lamang namin si Joanna ang kumimbinse kay Alex. Ilang minuto pa ay napansin na namin na lumapit si Joanna sa kontrol at pinaandar na ang speedboat. Mabuti naman ay nakumbinse nito si Alex na noon ay kita namin na nakatungo at nakatakip ng kamay niya ang kanyang mukha. Muling pinaandar ni Ian ang bangka at sumunod na sa tinatahak na daan nina Joanna. Dumiretso kami lahat sa HQ maliban kina Alex at Joanna. "Mabuti bumalik na kayo." Ang kaswal na saad ni Boss ng mag-report dito. "Ipapatawag ko na sana kayo." "May update na po Boss?" tanong ni James. "It is about the accident that happened." Panimula ni Boss, nanatili kaming nakatayo at nagtatakang nakikinig. "Ayon sa report na nakuha mula sa mga survivors, bago bumagsak ang eroplano, there were four people fighting, including the woman they tried to kill." Nanlaki ang mata namin. May naglalaban sa loob ng eroplano ng time na 'yun?! Langyang 'yan! Kung ganoon 'yong mga taong 'yon pala ang may dahilan ng aksidente! Letsugas sila! Asan na ang mga 'yon?! "Two of them were dead before the plane crashed, as those witnesses said. Two of them are still missing at kasalukuyan ng ikinocoordinate sa Dumaguete ang kanilang pagkilanlan." Tumayo si Boss at humarap sa bintana habang ang dalawang kamay ay nasa likod nito. "Five people still missing, including those two and the son of Gov. Altamonte." Napatiimbagang na lang kami. Napatuwid kami ng tayo ng humarap si Boss sa amin. "But—" he paused, and he drew a deep sigh. "—Nakatanggap ang Cebu Police ng report kani-kanina lang na may natagpuang apat na bangkay sa dalampasigan ng Cabilao, kung saan nagmula ang ilang mangingisdang nagkusang magrescue." Naramdaman kong namuo ang tensiyon sa buong silid. Napalunok ako ng laway. Seryoso ang mukha ni Boss. "Dalawa sa mga iyon ay nakumpirmang mga pasahero ng eroplano..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD