Chapter 22

1022 Words
ALEXIS ALEJO Sa sobrang gimbal ko sa narinig ay ganoon na lamang ang panghihina ng tuhod ko kaya napaupo ako bigla sa sahig. Nagtataka mang napapalingon sa gawi ko ang mga tao ay hindi ko na ininda. Anong balita ba naman ang pinagsasabi ni Joanna?! Pero alam ko sa sarili ko na hindi ito magbibiro ng ganoon, kilala ko si Joanna. Despite that, part of me want to deny it... and it was my heart... "A-ano ba J-Joanna! H-hindi ito oras pa-" hindi ko mapigilan ang boses ko sa pangangatog dahil sa matinding kaba ko ng mga sandaling iyon. [Alex, ano ka ba, magbibiro ba ako ng ganito sa 'yo?! Ang mabuti pa dumiretso ka rito sa HQ para sa update sa nangyayari! Manalangin na lang tayo na hindi iyon ang eroplanong sinasakyan ni Terrence!] Pagkatapos ay binabaan na ako nito ng phone. Samantalang tulala pa rin ako at pilit na sinisink-in sa utak ko ang nangyayari. Hindi! Hindi maaaring mangyari 'yon! Hindi iyon ang eroplanong sinasakyan ni Terrence! Hindi! I gathered my strength to stand up and force myself to go back to the parking area kung saan naroon ang sasakyan ko! Kailangan ko pumunta ng HQ! Si Gov. kaya, may alam na ba siya sa nangyari?! Oh God! Huwag naman si Terrence! Sana ayos lang siya! Sana walang nangyaring masama sa kanya. I swallowed painfully na para bang may malaking nakabara sa aking lalamunan, kinagat ko ang pang-ilalim kong labi upang supilin ang pagbabadya ng luha ko sa pagpatak! I shouldn't think negatively! "Magiging ok ang lahat! Magiging ok ang lahat!" Pangungumbinsi ko sa aking sarili habang nanginginig ang kamay ko habang iniistart ang sasakyan. Halos mag-iisang oras din ang binyahe ko bago ako makarating ng HQ, matapos kong maipark nang madalian ang sasakyan ay humagibis ako ng takbo papasok diretso sa elevator at madiing pinindot and 3rd floor kung saan naroon ang computer room! Kulang na nga lang ay liparin ko na ang hallway nang makalabas ako sa elevator. Tumatagaktak ang pawis ko pagpasok sa silid, hindi dahil sa pagtakbo kundi dahil sa lakas ng kaba sa dibdib ko. Naabutan ko sa silid sina Boss at naroon din si Gov.! Bakit ito naririto?! As our eyes met, I felt my heart dropped in my stomach! That means... No! "Alex..." bakas sa mukha ni Governor Altamonte ang matinding pag-aalala. No, Alex, magpakatatag ka! Walang masamang nangyari sa kanya! Agad kong hinamig ang sarili ko bago pa tuluyang bumigay ang mga luha ko sa pagpatak! Hindi ito makakatulong! "A-ano po ang balita kay Terrence?" kagat-labi kong tanong na may halong pag-aalala at pag-aasam na sana ay mabuting balita ang itugon nila sa akin. Marahas na bumuntong-hininga si Boss Kevin bago sumagot. Subalit, pakiramdam ko ay isang masamang balita ang lalabas sa bibig nito! "Huminahon ka muna, Agent Alejo. Hindi iyan makakatulong sa atin ngayon." Alam ko iyon. Ngunit... buhay at kaligtasan ito ni Terrence! "May mga rumesponde ng mga rescuer mula sa Dumaguete at karatig lalawigan, naroon na rin ang ibang tauhan ni Gov. Pinadala ko na rin sina Mike para tumulong sa paghahanap at ang magagawa na lamang natin sa ngayon ay magdasal na sana ay mahanap siya ng team at maibalik dito ng ligtas," mahabang tugon ni Boss ngunit hindi iyon ang kasagutang nais kong marinig! Hindi iyon makakatulong para maibsan ang sobrang pag-aalala ko para kay Terrence! I want a definite answer! Sh*t! Walang lingon likod na tinakbo ko ang pinto saka diretsong lumabas kahit pa sa kabila ng pagtawag ni Boss Kevin sa akin! Hindi ako matatahimik at makakapaghintay ng balita habang nakatayo lamang sa loob ng silid na iyon! Lalo lamang akong mahihibang sa kakaisip kahit pa ipilit ko sa utak ko na walang masamanag nangyari kay Terrence! Tinalunton ko ang patungong elevator, nang makarating ako'y saka mariing pinindot ang down button. Agad naman iyong nagbukas. "Alex!" Gulat na napatitig sa akin si Joanna matapos magtama ang mga mata namin nang bumukas ang elevator! I immediately went in and pushed the ground floor button, then I faced her! "Joanna alam mo ba kung saan papunta sina Mike?!" halos walang preno kong tanong agad rito. "Oo, naisip kong pupunta ka roon kaya sasamahan kita! Nag-paemergency ako para makakuha tayo ng speedboat pagdating natin sa pier. Nang malaman ng HQ ang tungkol sa eroplano ay agad silang nagpadala ng rescue team at nang malaman nga naming iyon ang sinasakyan ni Terrence, pinatawag ni Boss si Gov. at ipinadala sina Mike. Nag-alala rin kami para kay Terrence pero alam ko na mas lalo ang nararamdaman mo at ni Gov.-" "He's fine! I-I know he's fine!" putol ko sa iba pang sasabihin ni Joanna! Ang kailangan ko ay makita si Terrence... nang ligtas! Sandaling natigilan si Joanna then she gave me an assured smile. "Yeah, he's going to be fine. He's Terrence Altamonte!" Sa sinabing iyon ni Joanna parang gumaan ng konti ang dibdib ko. Oo nga naman, siya si Terrence Altamonte — Even though he is an idiot, still he's tough and strong! Ilang sandali pa ay binabaybay na namin ni Joanna ang daan patungo sa pier 1! Kung saan sasakay kami ng speedboat para makapunta sa nagcrash na eroplano. Habang nasa buong biyahe kami ni Joanna, tanging pagdarasal na sana ay ligtas si Terrence! Na sana ay nakita na ito nila Mike! Matapos nang mahigit isang oras ay narating na rin namin sa wakas ang crash site! Subalit ganoon na lang ang panlulumo na naramdaman ko nang makita ang kalunos-lunos na itsura ng eroplano. Sobrang wasak ito na nahati pa nga sa gitna. Halos lubog na ang eroplano. Naroon na nga ang mga rescuer, at may ilan na mga mangingisda na tumulong na rin sa pag-aahon sa mga pasahero. Agad na hinagilap ng paningin ko sina Mike na agad ko rin namang nakita. Agad tumungo roon ang aming speedboat! "Mike! Mike!" ang pareho pa naming tawag-pansin kay Mike na agad naman kaming nilingon. "Alex! Joanna!" "Si Terrence?! Nasaan na siya?!" Iyon agad ang tanong na namutawi sa aking bibig. Then nang makita ko ang pag-iling ni Mike,my heart skips a beat... as if part of it had died...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD