Chapter 21

1275 Words
ALEXIS ALEJO "O Alex, teka ipaghahanda ko ang pagkain mo." Nakangiting saad ni mama na may dala-dalang vase na may mga bulaklak na marahil ay kakapitas lamang nito sa garden pagbaba ko. Naging maagap ako sa paglapit rito at inakbayan ito. "Ma, I'm fine, hindi niyo na po ako kailangan pa pagsilbihn ng agahan ko. Kaya ko naman po gawin iyon," ang sabi ko. Actually lagi ko namang sinasabi iyon. Napasimangot si mama. "Hindi mo na ba ako kailangan?" Bahagya akong natawa, yes, kahit lagi kong sinasabihan si mama eh 'yon naman ang lagi nitong pampakonsensiya sa akin. "Mama talaga. Hindi lang nagpahanda ng agahan hindi na agad kita kailangan?" ano pa ba ang inaasahan kong mangyayari sa coversation na ito. "Kayong dalawa, 'yan pa rin ba pinagdidiskusyunan niyo?" Pareho kami ni mama na napatingala sa may hagdan. Napangiwi ako sa topless at nakashort lang na si kuya Jazz na halata namang bagong gising lang. "Hay naku Jazz, hindi ka muna nag-ayos bago bumaba!" sermon agad ni mama. "Si mama, hindi na kayo nasanay sa akin. Saka nandito lang naman ako sa bahay, eh. Maya-maya na ko maliligo, kakatamad, eh." Pautay-utay itong bumaba ng hagdan habang naghihikab. Napailing na lang ako. Ano bang balak ni Kuya Jazz sa buhay niya?! "Nasaan po pala si papa?" hinanap ng mata ko si papa ngunit wala roon. "Maaga umalis, nagmamadali nga, eh. "Ganoon po ba." Ano kaya ang nangyari? Past 11 na ay palabas na ako ng bahay para pumunta ng airport at sunduin si Terrence. Hiniram ko muna ang kotse na binili ni Kuya Stevein. Hindi ko alam kung bakit pa siya bumili ng kotse gayong pwede naman niya gamitin ang pajero namin. Dagdag pa tuloy sa garahe, buti na lang malaki ang garahean namin. Tss! *KRRRIIINNGGG* Akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng driver's seat ng magring ang phone ko. Napaarko ang kilay ko ng mabasa ang pangalan ni Joanna. Maalala ko, may pasok ito ngayon. So bakit ito tumatawag ngayon? "Hello?" taka kong tanong dito mula sa kabilang linya. [Alex, may balita ako sa 'yo.] Napakamot ako ng noo. Balita o chismis lang? "Nako, mamaya mo na sabihin 'yan pupunta pa ako ng-" [Hay naku, magiging interesado ka sa sasabihin ko baliw!] Langya! Ako pa ngayon nasabihan ng baliw! Nagapapalatak tuloy ako. "Siguraduhin mo lang na hindi masasayang ang oras ko sa pakikinig sa 'yo!" banta ko. [Sus! Oo na! Una, 'yong lalaki na nahuli niyo nina Abet, nagising na siya.] Bigla akong napatuwid ng tayo at napatingin sa malayo. "Talaga? Ano na? Kinakausap na ba siya ni Boss?" Narinig ko ang pagtawa ni Joanna mula sa kabilang linya! Tss! Oo na, bigla nga ako nagkainteresado sa balita niya! [Yes, sobrang aga nga nagpunta nina Boss Kevin, ang sabi ni Red kasama ang papa mo.] Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Joanna. Agad ko naalala ang sinabi ni mama na maaga itong umalis. Kung gayon ay kasama pala ito ni Boss. "Ano daw ang nangyari? Napaamin ba nila?" Bigla tuloy ako nagkaroon ng interes, pero may bahagi ng puso ko na nakakaramdam ng dissappointment nang maalala ko ang sinabi ng babaeng nakalaban ko. Narinig ko ang marahas na pagbuntong-hininga ni Joanna. Ano pa nga ba ang aasahan? Sinabi ko na 'di ba, so bakit nag-aasume pa rin ako na magsasalita ang lalaki? [Tulad nga ng sabi mo, hindi nila napilit ang lalaki na magsalita. Nagwala pa nga raw ito nang malaman na namatay ang kasama niyang babae dahilan tuloy para magdugo uli ang sugat niya. Hay, siguro syota niya ang babaeng iyon kaya ganon na lang ang pagkareact niya ng malaman na patay na ito. Ang saklap naman kung ganoon. Eh, kasalanan nila dahil pinili nila ang ganitong buhay.] Napayuko ako sandali at napabuga ng hangin. Naalala ko kasi ang pag-aalala ng babae ng makita nito ang duguang lalaki. Kasintahan nga ba nito ang lalaki? Iyon kaya ang nagtrigger dito para magsuicide na lang?? [But Alex, hindi pa iyon ang balitang gusto kong sabihin sa 'yo.] Muling napakunot ng husto ang noo ko. "Ano pa ba?" [Kakatawag lang ng Director General, pinapatransfer nila sa custody nila 'yong lalaki kasi raw dapat ay sila na ang humawak ng kaso nito at hindi tayo.] "What?!" gulat kong tanong! Nagsalubong tuloy ang kilay ko sa inis dahil sa narinig ko! Punyemas! Ang kapal din ng matandang 'yun! "Ano ang sabi ni Boss?" [Pumayag si Boss since dapat naman daw talaga ay sila ang maghandle ng kaso no'ng lalaki. Nakakainis nga, eh! Kung sa atin nga hindi mapaamin ang taong 'yon sa kanila pa kaya? Ano naman ang gagawin nila dito? Torturin hanggang umamin? Hay naku!] Nakagat ko ang pang-ilalim kong labi. Ano naman ang balak ng matandang 'yon sa taong kahit anong gawin ay hindi mapapakanta? Jeez. Anyway, bahala na sila anuman ang mangyari roon. Hindi na namin magiging kargo kapag niligtas ito ng mga kasama nito if ever na meron nga! Napabuntong-hininga ako. "Tss! Nakakainis man pero wala tayong magagawa sa bagay na iyan. Pwera na lamang kung kumontra ang presidente." [Naku, kahit na ba! Tayo ang unang nakahuli sa lalaking 'yon kaya tayo dapat maghandle ng kaso nito tapos gusto nila iturn-over sa kanila? Grabe sila!] Natawa ako ng pagak. "Joanna, kahit magprotesta ka pa riyan o magsuicide wala ka ring magagawa oras na ipag-utos ng mga nakakataas 'yan. Isa pa, problema iyon ng gobyerno kaya siguro nais nila na sila ang umayos." [As if naman may magagawa sila diba.] "Tss. Oo na. Siya, sige na. Pupunta pa ako ng airport para sunduin 'yong isa." [Ow—key, I will call you later na lang for updates.] Napatango ako kahit wala naman sa harap ko si Joanna. "Geh." Matapos kong ibaba ang phone at ibinalik sa bulsa ng pantalon ko agad na akong lumulan sa kotse at pinaandar. Mag-aalas dose na ng tanghali ng makarating ako ng airport, agad kong ipinark ang sasakyan ko pagkatapos ay tumuloy sa loob. Umupo ako roon sa waiting area para maghantay kay Terrence. Nung time na 'yon ang lakas lakas ng t***k ng puso ko, marahil sa sobrang excitement na makita uli siya after days na through phone lang kami nagkakausap... Hay, nakakamiss din talaga ang baliw na 'yon. Wala sa sarili akong napangiti ngunit dagli rin iyong napalis nang makita ko ang dalawang bata na nagtatakang nakatitig sa akin. Lol! Napagkamalan pa ata ako ng mga itong baliw dahil nangingiti ako mag-isa! O Lord, kasalanan ba ang ngumiti ng hindi sinasadya dahil lang sa pag-iisp sa isang baliw? Makaraan pa ng ilang minuto... Actually, halos dalawang oras na nga yata akong naghihintay! Syet! Asan na ba si Terrence?! Kanina pa ako pabalik-balik sa arrival area pero walang Terrence na nagpakita! Dapat ay nakalapag na ang eroplano nito ngayon. Hindi naman delay ang flight nila ayon doon sa monitor. Baka naman 'yong system ng airport ang delay? Biglang umahon ang nag-aalimpuyong kaba sa dibdib ko ng sandaling iyon. Terrence... Asan ka na ba?! Bwisit ka, kapag nalaman ko na pinagtitripan mo na naman ako, malalagot ka na talaga sa akin! *KRRIIINNGGG* Napaigtad pa ako ng tumunog ang cp ko. Nabasa ko ang pangalan ni Joanna! Argh! Later na Jo! Kaya naman ay kinancel ko ang call nito! Ngunit muli itong tumawag! Marahas akong napabuntong-hininga saka sinagot ang tawag nito. Nakakunot pa nga ang noo ko ng sagutin iyon. "Jo, pwede ba mamaya ka na—" [Alex, may natanggap kaming balita mula sa Dumaguete!] tila natatarantang sabi ni Joanna dahilan para magsitayuan ang balahibo ko! [May eroplano daw na nag-crash sa may dagat papunta rito sa Cebu! Hindi ba ngayon ang flight nina Terrence paba—Alex? Alex?!]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD