ALEXIS ALEJO
Ilang sandali pa ay narating din namin ang conference room na nasa 7th floor lang din. Pagbukas namin ng pinto ay kumunot ang mga noo namin at nagtataka ng makita sina Abet, Gavin, Red, at Arnel na nakaupo at nasa dulo ng conference table si Boss.
"O, mabuti naman nandito na kayong anim, have a seat." Pormal na utos ni Boss Kevin na nilahad pa ang kamay sa mga bakanteng upuan na agad naman kaming tumalima.
"Now that all of you are here, I will start this meeting." Paunang salita ni Boss.
Nagkatinginan kaming lahat, napatingin ako kina Abet at Red ngunit kibit balikat lang din ang isinagot nila sa nagtatanong kong tingin.
"Siguro naman ay napag-uusapan niyo na rin ang mga nangyari kahapon katulad ng ibang mga agents natin dito." Boss Kevin leaned forward, and he entwined his fingers above the table. "And kagabi lang ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Deputy Director General Maguinto, he said, Mr. President requested our agency to form a team who will handle the protection of the Vice President."
Gulat kaming nagkatinginan sa isa't-isa. Hindi nga?! Agad-agad?
"You mean Boss, kaming sampu ang team na 'yon?" maang na tanong ni Joanna na nanlalaki pa ang mga mata sa pagkamangha.
Bahagya namang tumango si Boss. "Oo. Alam naman nating lahat na wala pa tayong lead kung sino ang mga taong iyon at kung merong nag-utos sa mga ito. At hanggang wala tayong nakukuhang ebidensya, nasa panganib pa rin ang buhay ni Vice Pres. And since nakitaan kayo ni Mr. Pres. ng kahusayan sa pagprotekta at pagtugis sa kriminal, siya mismo ang nagrequest na ipadala ang mga mahuhusay sa SS." Pormal na wika ni Boss na tinignan kami isa-isa. "Starting next week ay magrereport kayo sa Camp Crame para sa orientation niyo bilang private guards ni Vice Pres."
Nanlakihan ang mga mata namin! Gulay! Madedestino kami sa Manila?!
Nang biglang pumasok sa gunita ko ang mukha ni Terrence. For sure ay malulungkot or worst mangungulit ng mangungulit iyon na tanggihan ko ang misyon na ito. Hindi ko rin alam kung makakaya ko na malayo sa kanya ng matagal. But being a professional, I must endure the long distance due to the necessity of my job.
Ang problema lang, hindi namin alam kung hanggang kelan kami mananatili sa Manila!
"Well, actually you will be divided into two teams." Mayamaya'y sabi ni Boss Kevin kaya muli kami napabaling sa kanya. "One team will handle for safety and protection of VicePres., and the other will be the counter-assault team."
Wow! May gano'n pa kayong nalalaman! Kayo na!
"They personally asked me kung sino sa mga agents na ipapadala ko ang mabibilang sa protection at counter-assault dahil mas kilala ko ang mga kakayahan niyo," ani ni Boss na seryoso pa rin ang mukha. "Agents who will be part of the protection team— Red, Joanna—" tinignan ni Boss isa-isa ang mga binanggit niya. "Mike, Kyle at—" tumingin si Boss sa gawi ko! Alam na! "Alex."
The hell! Kasama ko pa ang tatlo sa pinakamaiingay at baliw! Napatingin ako kay Red na bahagya lamang ngumiti. Disaster 'to!
"And for the counter-assault team, Albert, Joseph, James, Arnel at Gavin. I based it on your performance for the past three missions. Ang agency na ang bahala mag-asikaso ng mga kakailanganin niyo sa pag-alis next week, so inaasahan ko ang positive response mula sa magiging supervisor niyo para sa misyon na ito. Ito ang kauna-unahang pagkakataon mula ng itayo ko ang SSAgency seven years ago na ipinatawag ng Presidente as for their protection inside and outside of the palace ang SS Agents."
Nga naman! During those seven years, tanging Cebu at karatig lugar lamang ang nakakaapreciate sa SSA at noong nakaraang taon lang ay in-acknowledge ito ng dating presidente matapos nitong maranasan ang serbisyo ng SSA.
"Ipakita niyo sa lahat kung ano ang kayang gawin ng isang SS Agent. Kaya naman, Agents of Secret Service Agency—Make us proud. Make the whole country proud!" ang nakangiti at buong pagmamalaking sabi ni Boss.
Lahat kami na naroon sa silid ay malaki ang ngiting itinugon kay Boss dahil sa kanyang sinabi. Kung ikaw ba naman ay ipinagmamalaki ka ng Boss mo, sobrang proud rin ang mararamdaman mo, katulad ng nararamdaman namin ngayon. Alam kong halos iisa lang ang mga nasa isip at puso naming sampu...
"YES SIR!" sabay-sabay at nakangiti naming hiyaw!
This will be a new start para sa SSA! And for the rest of us! Ipapakita talaga namin sa hambog na Director General na iyon kung paano magtrabaho ang mga SS Agents!
Argh! Mapapahiya talaga siya sa mga sinabi niya kay Boss kahapon!
Pero sa ngayon... Kailangan ko makausap si Terrence tungkol dito, alam ko sa una magagalit siya pero ito ang trabaho ko at kailangan niya tanggapin iyon kahit pa magkakalayo kami ng ilang buwan...
Kinabukasan...
*BEEP! BEEP! BEEP!*
Naalimpungatan ako ng marinig ang pagtunog ng cellphone ko. Marahan ako nagmulat ng mata saka inaninag ang wallclock ko na nakasabit sa dingding malapit sa pintuan ng kwarto ko. Past 9 na pala. Muli kong inginudngod ang mukha ko sa malambot na unan. Ah sarap pa matulog...
*BEEP! BEEP! BEEP!*
"Jeez! Sino ba itong nagtetext sa mismong araw ng day-off ko?!"
Nang biglang pumasok sa isipan ko si Terrence. Naku, baka kanina pa nga nagtetext 'yon! Kaya naman dali-dali kong hinablot ang cp na nasa ibabaw ng side table ko.
Napaarko ang kilay ko ng makita ko ang 56 messages at 10 missed calls na galing kay Terrence! Grabe ha! Sinilent ko kasi ang ringtone nitong cp kaya hindi ko tuloy narinig na tumatawag siya.
Inisa-isa kong basahin ang mga text niya....
[Good morning Babe! I missed you!]
[Babe, gising na.]
[Babe, oi, bumangon ka na, 7 am na!]
[Alex, oi, gusto mong ginigising ka talaga ng kiss ko e. Inaabuso mo na ako, babe.]
[Babe, sagutin mo naman 'yung phone.]
[Alex, uuwi na ako mamaya, sasalubungin mo ako diba? 12 nn ang dating ko sa airport, huwag kang male-late babe.]
[Ano gusto mo pasalubong? Ako, ako o ako?]
[Babe?]
[Ms Bodyguard!!!]
[Alam mo ba, nanaginip ako. But it was a nightmare! Nag-kaamnesia daw ako?! Tapos nainlove daw ako sa ibang babae! Psh! Para namang mangyayari 'yon! Hindi kaya kita ipagpapalit kahit kanino, ang hirap kayang makahanap ng exotic bodyguard + fiancee na gaya mo! Haha!]
[Pero Alex, even if my mind forgets the past and you—my heart will always remember you... how much I'm in love with you... how much I need you... how much I loved you.]
[Naks! Kinikilig ka na naman d'yan! Dahan-dahan lang sa kilig babe, baka kapag nakita mo uli ang ngiti ko himatayin ka na!]
Punyiemas! Talagang kailangan pa niyang humirit ng ganoon? Ok na eh, kaso sinapian na naman! Napaface-palm na lang ako sa mga nabasa kong text niya ngunit hindi ko maialis ang malaking ngiti na nakaukit sa aking labi ng sandaling iyon dahil sa txt niyang iyon at sa huli niyang mga text...
[Babe,gusto ko ikaw sumundo sa akin, gusto ko ikaw una kong makita pagbalik ko.]
[Babe, sobrang miss na talaga kita! I can't wait to see you later! Papasalubungan kita ng mahigpit na yakap at kiss!]
[I love you, Alexis Alejo!]
That idiot always knows how to make my heart beat fast just by saying simple words...