ALEXIS ALEJO Nang masalubong at makabalik na kaming dalawa sa grupo ay hindi na namin naabutan ang team nina Aries. Umuwi na rin daw ang mga ito para hindi na raw magkagulo pa. Sana si Ram na lang ang pinauwi nila, kanina pa ako badtrip sa pagmumukha no'n! Bago kami umuwi ay nag-aya ang magkapatid at ang team na muling kumain muna. Katulad kanina, ganoon din ang pwesto namin. Nang mapasulyap ako sa table nina Terrence, nakita kong naglalambingan silang dalawa ni Hanna! Wow ha! Kanina kung makaholding hands sa akin, tapos ngayon eto?! Habang hinihintay namin ang order, nagpasya akong mag-CR muna kesa ang panuorin ang mga ito. Nang makapasok ako sa loob ng CR ay naghugas lang ako ng kamay saka tumitig sa repleksyon ko sa salamin. "Hay Alex, I pity you. 'Yong pakiramdam na kailangan

