ALEXIS ALEJO Natahimik ako sandali. Sa ilang buwan naming magkasama ni Terrence, ngayon lang ito nagtanong sa akin tungkol sa bagay na iyon. "At bakit mo naman naitanong 'yan? Bakit bigla ka yatang naging interesado sa buhay agent ko?" tanong ko. Napatingin naman bigla si Terrence na parang may narealize. "I-I was just curious. You said before, kung ano man ang nararamdaman mo kailangan mong isantabi iyon para sa trabaho mo. Kahit alam mong masasaktan ka kung magiging bodyguard kita pero tinanggap mo pa rin dahil sa trabaho mo. Ganoon ka ba talaga kadedicated sa trabaho mo na handa kang masaktan magawa mo lang ito ng maayos? Na para bang handa kang isakripisyo ang nararamdaman mo para lang sa pagiging SSA mo." Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nakita kong napakamot s

