Chapter 13

1050 Words
REINA - BLACK DRAGON ORGANIZATION (ASSASSIN) Biyernes... Napalingon ako ng biglang bumukas ang pinto ng hotel room na tinutuluyan ko ngayon. Pumasok mula roon si Arnold na may kinausap ito sa labas kanina. Ngumisi siya ng makita niya akong nakatayo sa harap ng bintana. Matapos niyang isara ang pintuan ay lumapit siya sa kinatatayuan ko. Hindi na ako nagulat nang agad niya akong hapitin sa beywang saka hinila palapit sa katawan niya at agad na naglapat ang aming mga labi... Ang mapangahas na halik nito ay nagsimulang maging marubdob at maging maharot! Hanggang napahingal kaming kumalas sa isat-isa dahil sa tagal ng halikan na iyon... "Handa ka na ba?" ang malumanay na tanong niya sa akin. Ngumiti lamang ako saka humakbang patungo sa kabilang bintana na bahagyang nakaawang ang bukas na sliding glass at kurtina... kung saan... nakapwesto ang aking sniper rifle! "Handang-handa na." Tugon ko pagkaraan saka sumilip sa scope upang suriin kung tama ang posisyon niyon. Sumandal naman si Arnold sa kabilang bintana at bahagyang hinawi ang kurtina roon upang silipin ang labas. [Parating na ang target!] ang sabi ng isang boses sa earpiece na suot ko at ni Arnold. Kaya naman, inilagay ko na ang isang daliri ko sa may gatilyo ng sniper rifle habang ang nakasilip ako sa scope niyon! "Location?" tanong ko. Ang hotel room namin ay nasa corner ng 5th floor ng 15th floor hotel building na iyon. Nakaharap naman ang isang bintana kung saan nakatayo si Arnold sa harap ng mainroad at ako naman ay nakapwesto sa kabilang bintana na nakaharap sa gilid ng main road! Mula roon ay natanaw kong tinatahak na ng ilang itim na sasakyang magkakasunod ang kalsadang iyon! [Pangatlong sasakyan mula sa harap. He's on the right side of the car, facing your direction,] ang pagbibigay-alam naman ng nasa kabilang linya. Hanggang sa malapit na nga ang convoy na paniguradong daraan sa harap ng hotel namin. Iniadjust ko ang zoom upang itutok iyon sa ikatlong sasakyan kaya mas naging klaro ang itsura ng target! Napangiti ako. "Target...confirmed." ang sabi ko at walang pag-aalinlangang kinalabit ang gatilyo! *BANG* ------------------- ALEXIS ALEJO Dahil sa pagiging escort agent ko kay Gov. Altamonte, hindi ko tuloy naihatid si Terrence sa airport para sa three days seminar nila sa Dumaguete. Anyway, ayos lang dahil bago siya umalis ay nagkaayos naman kaming dalawa, 'yon nga lang for sure ay mamimiss namin ang isa't— *SCCRREECHH* Nagulantang ako ng bigla na lamang magsipaghinto ang mga nasa unahan naming sasakyan at halos bumangga kami sa kanila mabuti na lamang ay mabilis na nakapagpreno ang nagmamaneho ng aming sasakyan! Naalarma ako ng makita ko ang ibang SS Agent na bumaba at nilabas ang kani-kanilang mga baril. [Assassin!] [Protect the President and Vice-President!] Ilan lang iyon sa narinig ko mula sa suot kong earpiece. Assassin? Sinong target?! "Ano ang nangyari? Ang presidente?" tila nagpapanic at nag-aalala ring tanong ni Gov. "Gov. dito lang po kayo. Kayo, dito kayo upang maiwan kasama ni Gov. Kung may mangyari man, make sure na maiaalis siya rito!" ang bilin ko sa driver na si Agent Limuel at isa pang agent na nasa front seat. Agad naman silang tumango bilang pagtugon. "Mag-iingat ka, Alex!" Bilin din sa akin ni Gov. Tumango na lang din ako. Ilang sandali pa ay nasa labas na ako ng sasakyan. Inihanda ko rin ang aking baril. Nagkakagulo ang mga agent at hindi malaman kung saang direksyon titingin! "Hey, Mike! Ano ang nangyari?!" tawag-pansin ko sa kanya na nasa unahang sasakyan lang. Pero agad rin akong natigilan nang mahagip ng aking tingin ang tama ng bala sa bintana ng back seat kung saan nakaupo ang presidente at bise-presidente! Buti na lamang ay puro mga bullet proof ang mga sasakyan! Assassination? Naging alerto ang mga kapwa ko Agent, hinagilap kung saan nanggaling ang bumaril! Pinagmasdan ko ang paligid, may ilang matataas na building sa paligid at maaaring isa roon nagtatago ang hitman! Ngunit wala nang ibang reaksyon mula sa mga assassin! Is it a trap or just a warning? Kanya-kanyang tingin sa teleskopyo ang ibang Agent. Naging alerto rin ang ibang pulis na kasama sa convoy. May iba ay pinaalis na ang mga sasakyan. "We have a visible suspect!" Narinig ko ang pagsigaw ng isang agent, si Nico. Kaya napatingin ako rito na noon ay nakasilip sa teleskopyo. Binanggit nito ang lugar kung saan nito nakita ang diumanong suspek. Muli akong napabalik sa sasakyan at kinuha ang teleskopyo! "Darwin, Limuel, nagsisimula nang umalis ang ibang sasakyan, make sure to protect Gov. Magpapaiwan ako rito!" ang sabi ko sa isa, muli itong tumango. Nginitian ko naman si Gov. Mukhang nahulaan naman nito ang nais kong ipahiwatig. "We will be waiting, iha." Pahabol na saad ni Gov. Nang muli akong lumbas ay siya ring pag-alis ng mga convoy! May tiwala ako sa mga agent na kasama ni Governor Altamonte, hindi rin nagpapahuli ang mga iyon sa galing. Iilang Agent na lang din ang natitira at mga pulis upang imbestigahan ang nangyari. More than half ay kasama na ng convoy paalis. Itinutok ko ang aking teleskopyo sa bintanang sinasabi ni Nico! Saktong pagtingin ko ay isang babae na may suot na itim na mouth-masked ang tumambad sa akin! Tila ba kalmado pa rin ito kahit na alam niyang sa kanya kami nakatingin! Pagkatapos umalis na ito sa pinagkukublihan. Kanya-kanya namang takbo ang mga natirang agents upang hantingin ang tampalasang nilalang! Agad naming pinasok ang building na iyon. Ang iba ay nakaantabay sa labas kung sakali mang makatakas ito! THIRD PERSON POV Nang mga sandaling nagkakagulo ang mga SS Agents at pulis sa paghahanting sa suspek na kanilang nakita. Sa kabilang banda... Matapos mailigpit ang sniper rifle sa isang rifle suitcase, kalmado nang lumabas ng kwarto ang dalawang assassin at tinumbok ng mga ito ang hagdan. Ngunit bago sila pumasok sa fire exit, ini-activate ng lalaki ang fire alarm na lumikha ng matinding ingay sa buong gusali dahilan upang magsipaglabasan ang mga tao sa kani-kanilang silid at kanya-kanyang takbo pababa. Mabilis naman silang humalo sa mga natatarantang tao. Halos hindi naman magkandaugaga ang mga agents ng magsimulang maglabasan sa building na iyon ang mga tao dahil sa fire alarm. Hindi nila ngayon malaman kung nasaan na nagtungo ang suspek. Ang iba ay nakabantay sa labasan ng basement sa pag-aasam na doon manggaling ang suspek nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD